Did Lianne Valentin feel jealous when Bianca Umali rose to stardom?

by Jerry Olea
Jul 9, 2022
Lianne Valentin, Apoy Sa Langit
Lianne Valentin's mindset while waiting for her chance at stardom: "Lagi akong nire-remind ni Mommy at ng mga managers ko na, 'Pana-panahon iyan, e! Just be patient and darating din yung tamang project para sa iyo. At habang hinihintay mo yun, gawin mo yung mag-aral kang mabuti sa akting, mag-aral ka rin na mabuti. Ayusin mo ang buhay mo.'"

Worth it para kay Lianne Valentin ang 12 taong paghihintay para sa kanyang big break sa showbiz.

Siyam na taong gulang si Lianne nang mapabilang sa cast ng children’s show na Tropang Potchi.

READ: Apoy sa Langit star Lianne Valentin sets limitations in daring scenes

Sa tinagal-tagal niya sa industriya, nakaramdam ba siya ng pagkainip bago nabigyan ng bonggang papel sa GMA-7 afternoon drama series na Apoy Sa Langit?

"Eto yung masasabi ko na big break ko, di ba? Matagal ko rin pong hinintay talaga,” pag-amin ng 21-anyos na Kapuso actress.

"May mga time na… nag-pandemic pa. So, nagkaroon ako ng parang thoughts sa mind ko, 'Ang tagal ko nang nag-aartista, ang tagal ko na sa industry! Parang ganun pa rin yung place ng career ko.'

"Pero yun nga, lagi akong nire-remind ni Mommy at ng mga managers ko na, 'Pana-panahon iyan, e! Just be patient and darating din yung tamang project para sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'At habang hinihintay mo yun, gawin mo yung mag-aral kang mabuti sa akting, mag-aral ka rin na mabuti. Ayusin mo ang buhay mo, ganyan.

"'And alam mo yun, bigyan mo pa ng pansin ang pag-arte mo para pagdating ng tamang project na yun, maibibigay mo yung todo-todo mo.'"

Kasabayan ni Lianne sa Tropang Potchi si Bianca Umali. Nakaramdam ba siya ng inggit dito dahil naunang umariba ang career nito?

"Hindi naman po. Kasi, naramdaman ko rin yung support ni Bianca, e. Friends kami,” napangiting sambit ni Lianne.

"Sabay kaming lumaki. Sabay yung journey namin. And I believe na Bianca deserves what she has right now.

"Kasi, magaling din siyang aktres, and nakita ko rin yung growth naming dalawa. Kaya nung time na nagkaroon siya ng maraming projects, I’m very, very happy for her."

Kung si Bianca ay happy na merong Ruru Madrid, meron din bang lalaking nagpapa-happy sa kanya at nagpapaapoy sa kanyang langit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naku, focus ako masyado sa career ko ngayon!" mabilis na tugon ni Lianne.

"Kasi sabi ko nga, hindi ko hahayaan na mag-slip lang itong break na ito, or itong opportunity na ito sa hands ko.

"I’m happy with my life right now, where I am right now. Pero pagdating sa mga ganyan, haisttt!!! Pass muna tayo! Pero happy ako!"

HOT STORIES

LIANNE ON BEING MENTORED BY LAURICE GUILLEN

Sa Apoy sa Langit, masalimot ang emosyon ng karakter ni Lianne (Stella), na gumaganap na kabit ng karakter ni Zoren Legaspi (Cesar). Asawa ni Zoren sa kuwento si Maricel Laxa (Gemma).

Nakatira si Stella sa bahay ng mag-asawang Cesar at Gemma at nagpapanggap na love child ni Cesar, pero ang totoo ay kabit siya nito.

Ang batikang direktor na si Laurice Guillen ang tumulong kay Lianne na ma-internalize ang kanyang role bilang Stella.

"I remember, may sinabi si Direk Laurice sa akin… siyempre, may nabi-visualize siya for Stella," kuwento ni Lianne nitong Hulyo 6, Miyerkules, sa Max’s restaurant, Robinson’s Magnolia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sabi niya, 'Si Stella, ibang-iba yung pakikitungo niya sa mga tao. Iba yung the way she treats Gemma.

"'Iba yung way niya i-treat si Ning [Mikee Quintos], si Cesar, si Manang Lucy [Patricia Ismael].'

"Lahat! Kahit yung guard pa iyan, iba yung pakikitungo niya. So, makikita mo yung shifting ng emotions niya. Marami siyang shifting of emotions.

"Tapos, para siyang kaleidoscope daw. Na kada turn mo dun sa kaleidoscope, makikita mo yung every aspect and every side of Stella.

"Pero ang mananaig sa kanya is kung paano siya magmahal nang sobra."

Inaral ni Lianne kung ano ang hugot ng kanyang karakter.

"Kasi, andaming nagagalit kay Stella, e! Alam niyo naman po yun, ang daming nagagalit. Andaming naiinis.

“Pero kung makikita ninyo sa back story na ipinalabas, inaabuso kasi siya ng tita niya. So, wala siyang magulang na kinalakihan.

"So, nung nakilala niya si Cesar na nagparamdam sa kanya ng care, dun niya na-realize na, 'Oh my gosh, kaya ko palang makaramdam ng ganitong klase ng pagmamahal kay Cesar.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Eventually, it turned into something na love na alam mo yun, parang… tingin ko sa kanya, boyfriend or asawa. Nahirapan na siyang mag-let go. So, very complex."

Lianne Valentin, Zoren Legaspi, Apoy Sa Langit

ON WORKING WITH MARICEL LAXA

Na-intimidate ba siya sa multiawarded actress na si Maricel Laxa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ahhm, actually, hindi naman po ako na-intimidate sa kanya. Kasi, she’s very, very friendly,” napangiting lahad ni Lianne.

“Sobrang friendly niya, tapos sobrang approachable. Sabi ko nga, mommy ang turing sa kanya sa set. Mommy namin siyang dalawa ni Mikee pag nasa set kami. Pag may baon siyang food, binibigyan niya kami.

“Tapos, nakiki-TikTok din siya sa amin! Sobrang bait po ni Ate Maricel. Ang sarap niyang katrabaho, pero pagdating na sa eksena, seryoso na siya talaga.”

Bet ba niyang makatrabaho o makatambal ang anak ni Maricel na si Donny Pangilinan?

Napabungisngis si Lianne, "Hi! Hi! Hi! Hi! Naku, Donny is happy kung nasaan siya ngayon, kay Belle! Hi! Hi! Hi! Hi!"

Ang tinutukoy ni Lianne ay ang Kapamilya love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, o kilala bilang DonBelle.

Patuloy ni Lianne, "Siguro, huwag na nating pakialaman sina Donny and Belle.

"Pero kung bigyan ako ng chance o opportunity na makatrabaho si Donny, or silang dalawa, why not, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, isa rin sila sa mga umuusbong na loveteams right now. Why not?"

Lianne Valentin, Mikee Quintos, Maricel Laxa, Apoy Sa Langit

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Valentin's mindset while waiting for her chance at stardom: "Lagi akong nire-remind ni Mommy at ng mga managers ko na, 'Pana-panahon iyan, e! Just be patient and darating din yung tamang project para sa iyo. At habang hinihintay mo yun, gawin mo yung mag-aral kang mabuti sa akting, mag-aral ka rin na mabuti. Ayusin mo ang buhay mo.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results