Watch Now

Social media personality Ryssi Avila auditions for Idol PH, earns platinum ticket

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 11, 2022
Ryssi Avila
Ryssi Avila, 25 tells her life story along with the controversy she had back then as she sings for an audition. Capturing the hearts of the judges, she managed to get the platinum ticket from Moira Dela Torre.
PHOTO/S: Screengrab @IDOLPHILIPPINES YOUTUBE

Sumabak sa Idol Philippines Season 2 auditions ang singer-songwriter na si Rosarely Avila o mas kilala bilang Ryssi matapos ang halos isang taong hindi pagkanta dahil sa isyung kinasangkutan.

Nadawit ang pangalan ni Ryssi sa unang hiwalayan noon nina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Read: Zeinab Harake unfollows partner Skusta Clee on IG; tweets, "Help me out of this hell."

Kaya naman marami ang nagulat nang mapanood siya sa audition round ng Idol Philippines noong July 10, 2022.

Pagpasok niya sa entablado ng Idol Philippines ay tinanong agad siya ng isa sa mga judge na si Regine Velasquez kung bakit siya sumali sa singing search ng Kapamilya Channel.

Ani Ryssi, “This is gonna be a brand-new start since nangyari sa akin last 2020 na nadamay po ako sa isang controversy with the famous social media couple [Skusta Clee at Zeinab Harake].”

Sa kanyang VTR pre-interview bago sumalang at mag-perform, naikuwento ni Ryssi kung paano naapektuhan ang kanyang buhay at karera dahil sa isang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, "Nung time na kami po ni Con, sobrang nahirapan po ako sa relationship namin. Bawal ganito, bawal ganyan. Grabe po yung insecurity at pagseselos namin sa isa't isa.”

Si Ryssi ay nagsimulang makilala bilang social media artist na nagko-cover ng mga awitin kasama ang kanyang dating kasintahan na si Concon Felix, na naging finalist noon ng "That's My Tomboy" ng It's Showtime.

Dahil sa kanilang cover songs na mabenta sa social media ay nakilala sila bilang RyCon.

Taong 2020 nang pumutok ang isyu ng hiwalayang RyCon at mag-post si Concon sa kanyang official account na nagtungo si Ryssi sa condo unit ni Skusta Clee noong mga panahong nag-break sila.

Hindi naman ito itinanggi ni Ryssi at sinabing ang pagpunta niya kay Skusta ay para sa isang collab.

"Noong nag-break po kami [ni Con], pumunta po ako kay Skusta at nakipag-collab po ako, sa mga dati kong kaibigan, kasi mas gusto ko na pong mag-focus sa sarili ko nun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Talagang matagal na po kaming magkaibigan, magkakilala, since 2015 bago pa po siya mas lalong sumikat,” paliwanag ni Ryssi.

Ayon kay Ryssi, matapos kumalat ang isyu noong may relasyon sila ni Skusta ay nawala ang kanyang self-esteem at itinigil niya ang hilig sa pagkanta.

“Nahiya na po ako sobra na humarap sa mga tao.

“Kaya sobrang thankful po ako dito sa Idol Philippines na this is my chance na to be back, this is my chance na humarap po ulit sa mga tao.

“Para sa talent ko lang po, para sa boses ko,” saad ni Ryssi.

PLATINUM TICKET

Binigyan basbas naman siya ng mga hurado, partikular na si Regine na sinabi pang gamitin niya ang Idol PH stage para linisin ang kanyang pangalan.

Inawit ni Ryssi ang sariling rendition niya ng kantang "Alipin" ng Shamrock.

Nakakuha siya ng mga positibong komento mula sa mga hurado.

“Ryssi, one word…It’s beautiful, that’s all I’m going to say,” komento ni hurado Gary Valenciano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naiiyak ako, at nararamdaman ko yun sa pagkanta mo. It touched me,” sabi naman ni Regine.

Halos maluha naman si Moira Dela Torre nang magkomento at nag-request pang kantahin ni Ryssi ang kanyang sariling likha na kanta.

May titulong “Matsala” ang kantang likha ni Ryssi na isinulat daw niya noong mga panahong binabatikos siya sa social media.

Matapos niyang kumanta ay binigyan siya ng palakpak at standing ovation ng mga hurado.

Sa huli ay nasungkit ni Ryssi ang platinum ticket.

"I love redemption stories. Just because your past was broken, it doesn't mean your future has to be," comment ni Moira bago niya ibigay ang kanyang Platinum Ticket.

Bawat hurado ay mayroong tig-iisang platinum ticket na maaari nilang ibigay sa kalahok na sa tingin nila'y deserving magpatuloy sa susunod na round.

Sa oras na makakuha ng platinum ticket ang contestant, lulusot na ito sa unang round ng kompetisyon at didiretso na sa solo round.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa kabila ng tagumpay ng audition ni Ryssi ay hindi pa rin siya nakatakas sa mga negatibong komento.

Isa na rito ang pagkomento ng kanyang dating kasintahang si Concon Felix.

Comment ni Concon sa video sa facebook (published as is): “Nadawit ka lang sa issue? Wait. Nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa mo non? Sana chinika mo sakanila kung ano yung totoo.

“Anyways, Magaling ka talaga kumanta di mapagkakaila pero sana kumanta ka nalang. Wag kana mandamay ng iba.”

Concon Felix

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan ay pumalo na sa 2.5 million views ang nasabing audition piece ni Ryssi Avila at patuloy na nasa number 1 spot trending sa YouTube.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryssi Avila, 25 tells her life story along with the controversy she had back then as she sings for an audition. Capturing the hearts of the judges, she managed to get the platinum ticket from Moira Dela Torre.
PHOTO/S: Screengrab @IDOLPHILIPPINES YOUTUBE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results