Hindi napigilan ni Maja Salvador ang mag-fangirl kay JM de Guzman nang mag-guest ang aktor sa longest-running noontime show na Eat Bulaga! noong Sabado, July 9, 2022.
Sa video na ini-upload ng Eat Bulaga! sa Instagram ay makikita sa gilid si Maja na kilig na kilig at panay ang tili habang nagpe-perform si JM.
Sa video ay maririnig na umaawit si JM ng “Just The Way You Are” ni Bruno Mars.
“Grabe! Ganito pala mag-fangirl ang isang @maja (laugh emoji),” caption ng Eat Bulaga.
Makailang ulit kasing isinisigaw ni Maja ang pangalan ng aktor habang sinasabayan ng kapwa niya host na si Jose Manalo ang pagkanta ni JM.
Dahil dito ilang netizens ang natuwa at naaliw sa fangirling moments na ito ni Maja.
Narito ang ilang komento:
Noong October 2, 2021 ay opisyal na ipinakilala si Maja bilang bagong host ng Eat Bulaga.