Watch Now

Sing Galing champion Mari Mar Tua wants Joshua Garcia or Teejay Marquez as loveteam partner

by Jerry Olea
Jul 12, 2022
mari mar tua
Mari Mar Tua: “Nakakatuwa lang po na dati po ay simpleng singer lang talaga, ngayon po ay dahil sa Sing Galing, umangat po talaga yung career ko pagsali ko po!”
PHOTO/S: Jerry Olea

Nagbago ang buhay ni Mari Mar Tua matapos tanghaling Ultimate Bida-oke Star sa The Kantastic Finale ng Sing Galing noong Marso 12, 2022 sa Metropolitan Theater.

Read: Sing-Galing champions Mari Mar Tua at Patrick Quiroz, nagwagi dahil sa Facebook votes, hindi dahil sa hurado?

“Naku! Ayun po, grabe po talaga!” bulalas ni Mari Mar nang kumustahin ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa kiddiecon ng Sing Galing Kids noong Hulyo 9, Sabado, sa Mesa restaurant ng Vista Mall-Taguig.

“Sobrang OK na OK po talaga yung naging career ko.

“Kasi po, as a singer-performer, mas marami po talaga yung nagtiwala sa amin bilang singer at performer po sa kanilang mga events.

“Tapos po, kapag may nakakakita sa akin, ‘UY! Si Mari Mar yun, sa Sing Galing!’ Kumbaga’y mas marami pong nakakakilala po.

“Nakakatuwa lang po na dati po ay simpleng singer lang talaga, ngayon po ay dahil sa Sing Galing, umangat po talaga yung career ko pagsali ko po!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-guest-guest si Mari Mar sa noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud.

Nag-tandem sila ni Queenay bilang online hosts ng Lakwatsika, at Arkidia Ates sa Sing Galing Kids. Kumusta ang pinaggagawa nila ni Quuenay sa Lakwatsika?

“Napakasaya po! Talagang punung-puno po ng chikahan, pati po yung mga hindi ko po na-experience before po, na-experience po namin sa Lakwatsika po. Ganun po,” chika ni Mari Mar.

“Komo taga-Pampanga po ako, kinuha nila akong guest nung maglakwatsa sila dun.

“Yung mga hindi ko po nagawa before, ginawa ko dun. Yung mga wall climbing, mga ganyan, ginawa po dun sa Lakwatsika.

“Mga zip line, mga adventurous na ano po,” lahad ni Mari Mar, na tubong-Candaba, Pampanga.

mari mar tua sing galing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARI MAR'S CAREER PLAN

Ano ang plano ng TV5 sa career niya? Susubok din ba siyang umarte?

“Pangarap ko po talagang mag-artista po. Yung may mga ka-love team po ba, yung may mga ganun,” sabi ng 26-anyos na mang-aawit.

“Pero sa ngayon po muna, nagpapasalamat ako dahil kasali ako sa Sing Galing Kids edition po. Thank you po!”

If ever, sino ang tipo ng aktor na gusto niyang maka-love team?

Napangiti nang may konting landi si Mari Mar, “Ang gusto ko po talaga, crush ko po talaga, napopogian ako, kay Teejay Marquez saka kay Joshua Garcia.”

Kay Darna (Jane de Leon) na si Joshua, e!

Napatango ang dalaga, “Oo nga, kay Teejay Marquez na,” sabay bungisngis.

Nakatrabaho na ba niya si Teejay?

“Hindi. Kumanta po kami sa event, siya po ang guest artist na nandun, yun po. Nauna po siyang nag-perform po.”

Anu-ano bang qualities ang gusto niya sa isang lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natigilan sandali si Mari Mar, “Hmmn, ang ano ko po talaga ay… hindi naman po ako masyadong tumitingin sa panlabas, e.

“Basta po talaga yung mamahalin po ako nang totoo. Hindi po ako sasaktan at hindi po ako lolokohin! Wow, showbiz!”

Maraming beses na ba siyang nasaktan?

“Hindi po. Wala po,” mahinang tugon ni Mari Mar, “hindi naman po ako nag-boyfriend before.

“Work lang po talaga. Pagka-graduate ko po ng high school, nag-working… nag-ano na po ako, nagkanta na po.

“Hindi ko na po naasikaso yung pagbo-boyfriend.”

Parang malungkot naman yun, kulang siya sa inspirasyon?

Napailing nang bahagya si Mari Mar, “Hindi naman po. Kasi, ang una ko pong inspirasyon ay pamilya ko po talaga.

“Kaya po ako nag-e-enjoy magtrabaho, para po sa kanila. Yun po.”

"BABAE PO AKO!"

Babae ba talaga si Mari Mar? Baka naman pusong-lalaki siya kaya hindi pa siya nagkaka-boyfriend?

Napamulagat ang dalaga, “Ay, oo naman, sir, babae po ako! Kasi, hindi ko lang po talaga maasikaso komo ang focus ko po talaga ay pagkanta, yung career po talaga para sa family ko muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panlima si Mari Mar sa walong magkakapatid. Pagkatapos ng high school, kumanta-kanta na siya at naging bread winner ng pamilya.

“Kasi po, mahirap po talaga yung buhay namin noon. Nakikisaka po nun ng palay ang mga magulang ko,” pagtatapat ni Mari Mar.

“Nakikiporsyento po… Although nagtatrabaho po ang mga magulang ko para sa aming lahat, pero sa sobrang ano po namin…

“Talagang kahit anong gawin, hindi pa rin po masyadong sapat. Kaya… ahhh… pero hindi po kami pinabayaan ng mga magulang ko.

“Talaga pong ginawa nila ang lahat para sa amin. And yun po, meron din naman po akong talent, isinama po ako ng tito ko na kumanta.

“Siya po ang nag-train sa akin na ayun nga po, mag-perform, kumanta. Iyon po, sa awa po ng Diyos, ngayon po ay talaga pong nagtutuluy-tuloy na yung career ko.”

Nagtrabaho ba siya sa bukid?

“Ay! Noong bata po ako, sumasama po ako sa mga magulang ko. Siyempre po…” pagbabalik-tanaw ni Mari Mar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang tawag po kasi dun ay namamagpag, yung naggigiik. Ako po ay namumulot ng palay, nagbubuka ng sako.

“Ganyan po, nung mga bata pa po kami. Kumbaga po ay tumutulong na po talaga ako.”

Honor student ba siya noong high school?

“Hindi po. Pero ‘most diligent’ po! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! At least, may award! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa pa ni Mari Mar, na ang winning song sa Sing Galing ay "Bakit Ako Mahihiya?".

Sa Hulyo 16, Sabado ng 6:00 p.m., mag-uumpisa sa TV5 ang Sing Galing Kids.

Sing Masters dito sina K Brosas, Donita Nose, at Randy Santiago.

Ang panel of Sing Galing Kids Jukebosses ay binubuo nina Jona, Gloc-9, Morissette, at Ethel Booba.

Kasali rin sa show ang mascot na si Genie, pati na sina Zendee, Yoyo, at Tyronia.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mari Mar Tua: “Nakakatuwa lang po na dati po ay simpleng singer lang talaga, ngayon po ay dahil sa Sing Galing, umangat po talaga yung career ko pagsali ko po!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results