Jo Berry malaki ang pasasalamat sa GMA-7 dahil sa "tuluy-tuloy" na trabaho

by Rommel Gonzales
Jul 15, 2022
Jo Berry in Daig Kayo ng Lola Ko
Gumaganap si Jo Berry bilang si Rumpelstiltskin, isang kontrabida character, sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na pinamagatang "Bida Kontrabida."
PHOTO/S: Jo Berry on Facebook

Tinaguriang "Little Princess" ng GMA-7 si Jo Berry, pero hindi princess ang kanyang role sa anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Gumaganap si Jo bilang si Rumpelstiltskin, isang kontrabida character, sa episode na pinamagatang "Bida Kontrabida."

“Ako po dito yung isa din sa mga kontrabida from the fairy tale book.

"At ako po yung brain sa tatlong kontrabida na makikila ni Princess, so ako po yung bossy dito,” ang natatawang umpisang kuwento ni Jo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kasama ni Jo sa naturang episode sina Rufa Mae Quinto bilang Evil Queen, Andre Paras bilang Big Bad Wolf, at Cai Cortez bilang Sea Witch.

Ang Kapuso teen actress na si Lime Aranya naman ang gumaganap bilang Princess.

Hindi raw ito ang unang beses na nagkontrabida si Jo.

“Meron na din naman po dati na konti-konting kontrabida. So dito po talaga na-establish na villain yung character ko, from the fairy tale book nga po na kilala ng mga bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlong beses naman ni Jo na maging guest sa Daig Kayo Ng Lola Ko (DKNLK).

“And second po na anniversary special,” aniya.

Sabi ng writer na ito, mukhang paborito si Jo ng GMA-7 kapag anniversary ng DKNLK.

Sabi naman ng aktres, “Naku very special po sa akin yung Daig kasi hindi pa po ako nag-a-artista pinapanood ko na.

"And gusto ko po kasi ng mga role na gugustuhin ng mga kids, na papanoorin ng mga kids kasi mostly sa mga nagme-message sa akin, mga kids.

“So yung mga roles po na ganito na fantasy, na magic-magic, gusto ko kasi nga mapapanood ng mga kids which is sila yung nagme-message na nanonood sa akin.

“So kapag nagge-guest po ako sa Daig talagang special sa akin.”

TRANSITION FROM MABAIT TO KONTRABIDA

Mas kilala si Jo sa mga role na mabait at inaapi. Kapag ganitong kontrabida ang papel niya, nahihirapan ba siya?

“Hindi naman po kasi hindi siya talaga hardcore na kontrabida, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang pa-cute lang, ipapakita lang dun na bossy siya, na iritable siya pero hindi talaga siya yung nang-aapi totally. So hindi naman po ako nahirapan.”

Hindi na halos napapahinga si Jo sa sunud-sunod na projects sa GMA-7. This year, naging bida siya sa Little Princess at nakapag-guest saTadhana and Magpakailanman episodes.

Reaksiyon naman ni Jo, “Wow! Thankful po, siyempre thankful ako kasi yung mga opportunity na binibigay sa akin ng GMA, e, tuluy-tuloy.

"And lagi pong yung mga roles ko is kapupulutan ng aral, which is kung ano naman po yung gusto ko.

"So very thankful po ako sa opportunity.”

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, eere ang anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa loob ng apat na Linggo (July 10, 17, 24 at 31) alas siyete ng gabi sa GMA.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumaganap si Jo Berry bilang si Rumpelstiltskin, isang kontrabida character, sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na pinamagatang "Bida Kontrabida."
PHOTO/S: Jo Berry on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results