Twelve GMA-7 stars enjoy summer activities during Kapuso Weekend in Dapitan



Sinimulan na ng GMA-7 ang pagsalubong sa tag-init ngayong 2015 sa pamamagitan ng isang Kapuso Weekend in Dapitan.

Dalawang araw at dalawang gabi na nagsama-sama ang ilang Kapuso stars sa Dakak Park and Beach Resort sa Dapitan City.

Ngayong araw na ito, March 21, nagsimula ang Kapuso Weekend kunsaan 12 Kapuso stars ang nagpasaya ng mga taga-Dapitan.

Nagsimula ng 2:00 PM ang opening ceremony sa Dakak Beach kunsaan binigyan ng Dakak welcome sina Geoff Eigenmann, Louise delos Reyes, Benjamin Alves, Andrea Torres, Rafael Rosell at LJ Reyes na kabilang sa Team Dakak.

Sa Team Aliguay ay sina Mark Herras, Rochelle Pangilinan, Alden Richards, Mike Tan, Gwen Zamora at JC Tiuseco.

All in the spirit of fun ang bawat laro na bagamat magkakaroon pa rin ng awarding tulad ng magiging MVP sa 12 Kapuso Stars, lahat ay nag-eenjoy lang daw tulad ng pahayag nina Mike Tan at Benjamin Alves na game sa bawat laro.

Naglaban ang dalawang team sa Kapuso Beach Games kunsaan parehong nanalo ang Team Dakak at Team Aliguay at Kapuso Zumba sa Dakak Beach Resort pa rin.

Sina Louise at Gwen naman ang nanguna sa Kapuso Zumba.

Pinaka-highlight ng unang gabi ang Kapuso Night na gaganapin sa Gloria Thea Complex Stage kunsaan magpe-perform sa isang group production sina Andrea, Mark and Alden.

May kanya-kanyang solo prod sina Rafael, Geoff, Alden, JC and Rochelle.

Magpapalaro naman sina Mike at Benjamin.

Sina Boobay at Rico Robles ang nagsisilbing mga hosts ng event.

Noong March 19, dumating ang mga Kapuso stars at na-enjoy nila ang buong Dakak Park and Beach Resort kunsaan sina Mike at Benjamin ay nag-scuba diving, at ang iba ay speedboat, nag-swimming sa Aliguay island.

Bukas, March 21, itutuloy ang ilang Kapuso Beach Games, Kapuso Outdoor Challenge, Kapuso Reggae Night at Kapuso Night sa Gloria's Fantasy Land.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN