Watch Now

Aga Muhlach says his first TV drama series is worth the wait

by Jerry Olea
Jul 15, 2022
aga muhlach
Aga Muhlach: "Buong buhay ko kasi, sa lahat ng pelikulang ginawa ko, it was never about me or what I’ve done or what I’ve contributed. Parang it’s always about my viewers. Kasi, parang sayang ang ginagawa kong trabaho, o sayang ang gagawin kong trabaho, kung hindi magugustuhan or kung walang manonood."
PHOTO/S: @agamuhlach317 on Instagram / TV5

First TV drama series ni Aga Muhlach ang Suntok Sa Buwan, na magpa-pilot episode sa Hulyo 18, Lunes ng 7:15 p.m., sa TV5.

Bida sila rito ni Elijah Canlas bilang mag-amang boksingero na sina Jimmy Boy at Dos.

Read: Aga Muhlach, bakit napapayag gawin ang movie-seryeng Suntok Sa Buwan?

“Sa pagtanggap ko ng project na ‘to, ahhm, lahat maganda na,” kuwento ni Aga sa Zoom mediacon nitong Hulyo 14, Huwebes ng hapon.

“Lahat-lahat, maganda na. So, I’ll be very honest, like nung first day, sobra ang nerbiyos ko. Ahh, nakikiramdam ako.

“But, ahhmm… because naniniwala ako sa proyekto, sumagot ako ng oo, masaya ako sa mga kasama ko.

“Ahhm, maganda, maganda! So, if you’re asking, anong mga eksena? Madami po. Lahat!

“Hindi po kami pumili ng mga eksena or nagpapaganda ng mga eksena.

“Ang ginawa talaga namin dito, what we’re trying to do really is… when you start watching it, mula umpisa hanggang sa dulo, kasama silang lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

suntok sa buwan poster

MOVIE-SERYE

Tinawag na movie-serye ang Suntok Sa Buwan dahil kinunan ito na parang pelikula, mula sa mga kamerang ginamit hanggang sa pagbubusisi ng bawat eksena.

Idinirek ito ni Geo Lomuntad, at iprinodyus ng mga premyadong direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Salaysay ni Aga, “When they offered this to me, unang-una… mag-uumpisa tayo muna na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong marami pang nag-o-offer sa akin ng serye, noon pa parati all the time…

“Ang sinasabi ko lang sa sarili ko, ‘Gagawa lang ako ng serye pag sa Baguio ang location para malamig. Kasi, alam ko, mahirap ang trabaho ng serye.

“Ahhm, anyway long story short, nag-offer nga sila sa akin via Zoom, and noong in-offer nila sa akin, nagandahan talaga ako.

“Ahh, nagandahan talaga ako! Ibang-ibang-iba talaga siya at hindi lang ibang-iba, feeling ko, bagay sa akin at kaya kong gawin.

“At the same time, Baguio pa yung location niya. So, parang… nagkaproblema talaga ako dun.

“Na parang sinabi ko, ‘Unbelievable! This is gonna happen, that I’m gonna say yes!’

“And the rest is history. We’re here now and I’m really excited and we’re really doing our best and ginagawa namin siyang parang pelikula.

“Pasensiya na po sa mga kasama ko dito. Kasi nga, ang sinasabi ko nga sa kanila, ‘Galingan natin! First nating lahat ito. Para pag ipinakita natin sa publiko, talagang matuwa naman sila.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORTH THE WAIT

Andaming TV drama series ang inayawan ni Aga all these years.

Ngayong ginagawa niya ang Suntok Sa Buwan at malapit na ngang umere, worth it ba? Naramdaman ba niyang tama ang kanyang pasya na tanggapin ang proyektong ito?

“Oh, yes! Amen lang ang masasabi ko diyan!” mabilis na tugon ng multi-awarded actor.

“Parang… nung nagsu-shoot nga kami, almost every day I would always say pag nagpapalit ng costume, parang…

“Sabi ko, ‘Thank God! Thank God I accepted this! Thank God we’re doing this in Baguio! Thank God ito yung takbo ng istorya nito!’

“Because lahat ng mga pinangarap ko… walang bola po ito, ha?! Hindi dahil sa nagpo-promote kami. Alam nila lahat ‘to.

“Ang sinabi ko talaga, ‘Ang unang serye na gagawin ko, gusto ko, Baguio, mahirap ang role ko.’

“Eto na ang nangyari. And then boxer pa ako, na isa sa mga passion ko rin, which siguro wala pang nakakakita, and makikita niyo dito yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ko pa! Ha! Ha! Ha! Ha! Si Elijah na ang bahala diyan!” sambit pa ni Aga.

IMPRESSED BY ELIJAH CANLAS

Bumilib ang 52-anyos na si Aga sa husay ng 21-anyos na co-star na si Elijah.

“Magaling siya! Lahat naman ng tao, lahat naman ng nakakasama ko sa industriya natin, marurunong namang umarte,” pagmamatuwid ni Aga.

“Pero naniniwala kasi talaga ako… pag maganda ang proyekto, maganda ang pagkakasulat, madaling ibigkas ang linya… mas madali para sa aming mga performers.

“Tapos, I see also na naghahanda talaga siya, and pinaparamdam… hindi naman sa pinaparamdam ko, hindi ko naman sinasadyang iparamdam sa kanya na, ‘Relax lang, madali akong katrabaho.’

“Kumbaga, ganun lang talaga ako. Wala naman akong hiling na, ‘O, ako ang kasama mo, kailangang ganito ka!’ Wala naman akong ganun.

“Parang… kahit nga ako mismo, nag-iisip din ako kung papaano ako mag-a-adjust o makikisama.

“O baka, ‘Ang galing nito, baka mapahiya ako!’ Meron akong ganun. Hindi naman nawawala sa aming mga artista 'yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

aga elijah suntok sa buwan

Naniniwala si Aga na sa paglipas ng mga taon ay lalo pang huhusay si Elijah bilang aktor.

“Elijah is only 21 years old. Ang haba pa niyan! If at 21, he performs this way already, as long as mahal niya talaga itong ginagawa niya, he will do more!” pagdidiin ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He would become better, for sure. Definitely. Definitely. Sana lang, mahalin niya talaga ‘to!”

MORE THAN AN ACTOR

Malaki ang contribution ni Aga sa pagbuo ng movie-seryeng Suntok Sa Buwan. Pati iyong theme song na mula sa bandang December Avenue, kinarir niya.

“Ahhm, medyo minsan, nahihiya na nga ako. Pero ginagawa ko lang naman dito yung lahat ng ginagawa ko sa lahat ng pelikulang nagawa ko…” paliwanag ni Aga.

“Meron lang kasi akong feeling na magugustuhan ng mga manonood… Buong buhay ko kasi, sa lahat ng pelikulang ginawa ko, it was never about me or what I’ve done or what I’ve contributed.

“Parang it’s always about my viewers. Kasi, parang sayang ang ginagawa kong trabaho, o sayang ang gagawin kong trabaho, kung hindi magugustuhan or kung walang manonood.

“I try my best, ‘no, to work on the project thinking always of my viewers. Na pag nakita nila ito, magugustuhan nila ito, mae-enjoy nila ang takbo ng istorya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puro ganun, puro ganun. And then now if it doesn’t work, then at least I tried. So, pina-practice ko lang po dito yung ginagawa ko sa pelikula.

“Because I’m treating this serye we’re doing like a movie talaga. And I am hoping… no, I believe it’s gonna work! I believe it’s gonna work!”

Nasa cast din ng Suntok Sa Buwan sina Maris Racal, Albie Casiño, Matet de Leon, Rez Cortez, Awra Briguela, at Paulo Angeles.

Mapapanood ang movie-serye tatlong beses sa isang linggo sa TV5 — tuwing Lunes, Martes at Huwebes ng 7:15 p.m.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach: "Buong buhay ko kasi, sa lahat ng pelikulang ginawa ko, it was never about me or what I’ve done or what I’ve contributed. Parang it’s always about my viewers. Kasi, parang sayang ang ginagawa kong trabaho, o sayang ang gagawin kong trabaho, kung hindi magugustuhan or kung walang manonood."
PHOTO/S: @agamuhlach317 on Instagram / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results