Lovi Poe grateful to work with her "mahal" Piolo Pascual in "Flower of Evil"

by Gia Allana
Jul 16, 2022
Piolo Pascual, Lovi Poe
Lovi Poe on being part of the Kapamilya adaptation of Flower of Evil: "Kasi nga, first of all, isa nga talaga sa mga paborito ko ang Flower Of Evil, and the fact that I get to do this project with everyone, this amazing cast… And also with my 'mahal,' Piolo [Pascual]."
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram

Sa press conference ng Pinoy adaptation ng Flower Of Evil nitong June 2022, nabanggit na paborito pala ni Lovi Poe ang Korean drama version nito—kung saan lead stars sina Lee Joon Gi at Moon Chae Won.

Ang series ay tungkol sa mag-asawang snai Baek Hee Sung (Do Hyun Soo) at Cha Ji Won na tila perpekto ang pamilya, ngunit may tinatago palang sikreto ang kanilang padre de pamilya.

Sa Pinoy adaptation naman, sina Piolo Pascual at Lovi Poe ang gaganap bilang married couple na sina Jacob del Rosario (Daniel Villareal) at Iris Castillo-del Rosario.

Tinanong ang aktres kung ano ang nararamdaman niya dahil bukod sa pagiging lead actress ng kanyang paboritong series ay ito rin ang kanyang first teleserye sa Kapamilya network.

Sabi niya, "It's always the same feeling. Siyempre, hindi mawawala yung excitement.

"Kasi nga, first of all, isa nga talaga sa mga paborito ko ang Flower Of Evil, and the fact that I get to do this project with everyone, this amazing cast…"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabiro naman niyang sinabi, "And also with my 'mahal,' Piolo," kung saan sinundan din niya ng "Dala-dala pa rin [ang character sa show]? Move on, girl."

Dagdag pa niya, mas na-excite pa raw siya after mapanood ang first two episodes ng series.

Aniya, "Specially after seeing yung first two episodes namin... parang, yung excitement ko tumaas hanggang sa level 100, kasi doon ko nakita talaga yung quality.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ng aktres, “Kasi siyempre, when we were doing the shoot, we were jumping from one scene at a time. So, mahirap itahi sa minds namin.

"But when I watched the first two episodes, I was really excited for everyone to see it.

"Kasi that was just the tip of the iceberg, parang build up pa yun... and we're getting there, to the most amazing part.”

WATCH: May nagpapa-"BLOOMING" ba kay Piolo Pascual?

MAINTAINING HER FIGURE

Kahit sobrang packed ng schedule ng aktres ngayon, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pag-maintain sa kanyang sexy figure, na kitang-kita sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala ang aktres sa kanyang healthy lifestyle. Ika nga ni Lovi sa kanyang previous interviews, “effort ‘yan.” Kabilang sa kanyang routine ay ang pagising sa umaga para mag-treadmill at mag-Pilates.

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on being part of the Kapamilya adaptation of Flower of Evil: "Kasi nga, first of all, isa nga talaga sa mga paborito ko ang Flower Of Evil, and the fact that I get to do this project with everyone, this amazing cast… And also with my 'mahal,' Piolo [Pascual]."
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results