Mauurong sa Oktubre 2022 ang launching ng bagong TV network na Advanced Media Broadcasting System (AMBS).
Ito ang kinumpirma nina Willie Revillame at AMBS 2 President Maribeth Tolentino sa contract signing nitong July 15, 2022.
Unang sinabi ni Willie sa isang eksklusibong panayam sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na September ang unang target date nilang i-launch ang bagong television network.
“AMBS will be on air by September,” maiksing pahayag noon ni Willie ukol sa AMBS 2, na pagmamay-ari ni former Senate President Manny Villar.
Bukod sa ang AMBS 2 ang magiging bagong tahanan ng game show ni Willie na Wowowin: Tutok To Win, malaki ang role ni Willie sa pagbuo ng network pagdating sa production.
Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline
CHANGE IN THE DATE
Sa recent contract signing ni Willie at ng AMBS 2, tinanong ng PEP.ph kung ilang porsyento na kahanda ang bagong network sa nalalapit nitong launching.
Ayon kay Tolentino, “Sabi mo two months’ time, medyo mabilis na iyon.
“Percentage-wise, siguro, well, in two months’ time is a target. I don’t want to say 100 percent or 90 percent.
“Basta we’re there. We’re getting there. Kailangan ma-hit namin yung target namin.
“Ngayon, so una, siyempre technical inaayos namin iyan. Si Willie ang in-charge sa entertainment.
“So, ang kanyang binubuo, e, paano natin mapapasaya at mapapaganda ang programang ito.”
Sa presscon ay ilang ulit idiniin nina Tolentino at Willie na ang veteran host ang in-charge sa paghahanap ng mga artistang itatampok sa iba’t ibang programa ng bagong TV station.
Pagpapatuloy ng AMBS 2 president, “So, I can say we will reach our target. I don’t want to say a percentage.
“Kailangan naming pagsikapan nang mabuti para ma-reach namin ang target namin na makapag-launch kami by October 1 [2022], yun ang ginawa naming target ni Willie.
“Sana October 1, makapagsimula ang show [Wowowin] ni Willie.”
Kinatigan ito ni Willie na sinabing pinagtutuunan ngayon ng network ang pagkuha ng mga modern equipment.
Sabi ng TV host, “Okay naman lahat, inaayos namin. Hopefully, kasi siyempre… mahirap, e, bibili ng equipment, ang daming mabigat ang gastos.
“Ang in-order bagong cameras, lahat, equipment is all brand new, so hihintayin mo iyan.
“Gagawa ng ano, e… So, sa October 1, that’s a Sunday, balak namin talagang lahat ng lugar — Luzon, Visayas, Mindanao — nandon kami, ang AMBS, para lang makapagbigay ng saya.
“So iyon, hopefully, basta aayusin namin at kami ay maghanda at [huwag] magpadalus-dalos para sa ating mga kababayan.”