Watch Now

Kristel Fulgar meets Korean star Seo In Guk via video call

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 20, 2022
Kristel Fulgar and Seo In-Guk
Kristel Fulgar: "16 years old pa lang ako fan na ako ni Seo In Guk, and simula nung naging fan niya ako wala na akong ibang naging idol. Siya lang talaga."
PHOTO/S: Screengrab @Kristel Fulgar Youtube

Hindi makapaniwala ang actress, singer, at vlogger na si Kristel Fulgar na mararanasan nitong makausap ang Korean idol niyang si Seo In Guk.

Read: Kristel Fulgar getting second car, building new house from vlog earnings

Si Seo In Guk ay kilalang actor-singer-songwriter sa South Korea.

Ilan sa mga pinagbidahan niyang K-drama ay ang Reply 1997 (2012), Master’s Sun (2013), The King’s Face (2014), The Smile Has Left Your Eyes (2018), Doom At Your Service (2021), at ang ipinapalabas ngayon sa Netflix na Café Minamdang.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube noong July 19, 2022, na may titulong “A CHAT WITH SEO IN GUK (Fangirl’s dream came true),” ibinahagi ni Kristel ang palitan nila ng usapan ni Seo In Guk via video call.

Kabado at mangiyak-ngiyak si Kristel sa simula ng video kung saan naghihintay siya sa pagtawag ng kanyang ultimate Korean idol.

Pag-amin ng singer-actress, “16 years old pa lang ako fan na ako ni Seo In Guk, and simula nung naging fan niya ako wala na akong ibang naging idol. Siya lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Consistent talaga, simula day 1, simula 16 years old ako hanggang ngayon, si In Guk lang.”

Ayon pa kay Kristel, ang husay sa pagkanta, pag-arte, at pagiging mabuting tao ni Seo In Guk ang nagtulak sa kanya para idolohin ito.

Habang naghihintay sa tawag ay pinatugtog ni Kristel ang mga awitin ng kanyang idolo.

Saad ng 27-year-old YouTuber, may mga panahon noong siya ay nasa kolehiyo na wala siyang ibang pinapatugtog kundi ang mga awitin ni Seo In Guk, lalo na tuwing stressed siya sa school o hindi kaya’y nagmamaneho ng sasakyan.

THE MOMENT

Ilang minuto bago magsimula ang kanilang video call ay pilit pinapakalma ni Kristel ang kanyang sarili.

Sa pagsisimula ng kanilang pag-uusap ay agad humanga si Seo In Guk kay Kristel dahil sa pagiging magaling nitong magsalita ng wikang Korean.

Binati naman ng aktres si Seo In Guk sa tagumpay ng bagong single album niyang LOVE & LOVE kasabay ng pag-aming na super fan siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagawa pang banggitin ni Kristel ang mga luma at unang drama series ni Seo In Guk na siyang dahilan para mapa-wow ang Korean actor.

Saad naman ni Seo In Guk, plano nitong paghusayin pa ang mga paparating niyang albums, dramas, at mga pelikula para magustuhan ito ng kanyang mga tagahanga.

Ilan pa sa mga napag-usapan nila ay ang pagbisita ni Seo In Guk sa Pilipinas noong 2013, kasama si Lee Jong Suk, para sa shooting ng kanilang drama series na No Breathing.

Tinanong ni Kristel si Seo In Guk kung ano ang nagustuhan nito sa Pilipinas sa kaniyang pagbisita noon.

Ayon sa K-drama star, nagustuhan niya ang mga tanawin, karagatan, klima, mga taong nakakasalamuha niya, at pagkaing Pinoy.

Pagbabahagi pa ni Kristel, sa sobrang pagiging fan niya ay nag-aral siya ng Korean language para maintindihan niya ang kanyang idol na si Seo In Guk.

Sa huli ay nagpasalamat si Kristel kay Seo In Guk sa pagkakataong ibinigay nito para magkausap sila na itinuturing niyang “dream come true.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago matapos ang kanilang video call ay nag-request si Kristel na makapag-picture sa idol niya kahit virtual lamang na agad namang pinaunlakan ni Seo In Guk.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay hindi napigilang humagulgol ng iyak ni Kristel dahil sa saya na kanyang naramdaman.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristel Fulgar: "16 years old pa lang ako fan na ako ni Seo In Guk, and simula nung naging fan niya ako wala na akong ibang naging idol. Siya lang talaga."
PHOTO/S: Screengrab @Kristel Fulgar Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results