Karla Estrada officially bids goodbye to Magandang Buhay after five years

by Arniel C. Serato
Jul 21, 2022
Karla Estrada farewel episode Magandang Buhay
Karla Estrada (center) to Magandang Buhay co-hosts Jolina Magdangal (left) and Melai Cantiveros (right): "I will miss the good 5 years mga Momshieee!!! Naging mabigat ang desisyon... Pero mas naging matimbang ang pag-unawa ng isat isa."
PHOTO/S: Courtesy: @karlaestrada1121 on Instagram

Mapapanood na ang pormal na pamamaalam ni Karla Estrada sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay bukas, July 22, 2022.

Limang taon siyang naging mainstay ng morning talk show ng ABS-CBN kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Sabi ni Karla sa kanyang farewell message—na idinaan sa Instagram at Facebook ngayong araw, July 21—mami-miss niya ang limang taon nilang pagsasama sa palabas.

Mabigat daw ang naging desisyon niyang lisanin ang programa ngunit may bago na siyang yugtong tatahakin sa kanyang karera at buhay.

Mensahe ni Karla (published as is), “I will miss the good 5 years mga Momshieee!!! Naging mabigat ang desisyon.. Pero mas naging matimbang ang pag unawa ng isat isa.

“Mamimiss ko Ang mga masasaya at madramang samahan na walang katulad at tanging tayong tatlo lang ang nakakaalm!

“Pero gaya ng after graduation ng high school ay naiba ako ng Kurso sa college kaya mahihiwaylay ako ng lugar, Oras at panahon. Ngunit ang pag ka kaibigan na ilang beses sinubok ng panahon ay hindi kailanman makakalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Babaunin ko sa aking puso ang masasaya nating samahan at matututo sa lungkot na hamon ng pakikipagkaibigan.”

Lumiban si Karla sa palabas ng ilang buwan nitong nakaraang taon dahil sumabak siya sa pulitika.

Siya ang naging pangatlong nominee ng Tingog Party List.

Nakakuha ng dalawang upuan sa Kongreso ang kanyang grupo at sa kasamaang palad ay hindi siya nakasama dahil hindi sapat sa ikatlong upuan ang nakuha nilang boto.

Pero may mga nakaatang daw siyang gawain sa partido na pagkakaabalahan niya sa kanyang pag-alis sa show.

Nagpasalamat naman si Karla sa Kapamilya network sa naging tiwala sa kanya.

Dagdag niya, “Maraming Salamat ABS-CBN Sa aking mg boss na itinuring na mga kaibigan, Maraming Salamat Po sa pagmamahal, pag tiwala at pagkakataon. Hangang sa Muli.

“At sa lahat ng bumubuo ng magandang buhay,,,

“MARAMING SALAMAT SA ARAL NA NAGPATIBAY NG PAGKATAO NATIN. MAHAL KO KAYO!

“DASAL KO PARA SA ATING LAHAT ANG KATAHIMIKAN NG PUSO AT MALAYANG PAG LALAKBAY TUNGO SA……

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MAGANDANG BUHAY ! [hearts emojis]”

Sa vlog ni Cristina Gonzales-Romualdez nitong June 27, 2022, kinamusta ng dating aktres si Karla pagkatapos ng election season.

Sagot ni Karla, "Parang tumahimik ang mundo ko. Sabi ko, ‘Ano nang nangyayari?’

"After [election] parang wala na, wala ka nang ginagawa.

"Yun pala, ito yung time na tinatawag nilang transition.

"So, sa transition time after three months of campaigning, parang nakaka-anxiety attack yung feeling."

Hindi raw kasi siya sanay na walang ginagawa.

Binanggit din niyang meron diumanong isang TV station na naghihintay sa kanya.

Sabi niya, "There’s network that’s just waiting for me na kung okay ako do’n, okay ako dito…”

Hindi binanggit ni Karla ang TV network na tila may offer sa kanya.

Read: Karla Estrada asked about showbiz comeback: "Nakalutang yung lahat ng plans ko."

Pero isa sa masugid na nanunuyo ngayon ng talents ay ang bagong AMBS 2 ni former Senate President Manny Villar kung saan isa sa mga haligi nito ay si Willie Revillame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: AMBS 2 launch moved from September to October

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada (center) to Magandang Buhay co-hosts Jolina Magdangal (left) and Melai Cantiveros (right): "I will miss the good 5 years mga Momshieee!!! Naging mabigat ang desisyon... Pero mas naging matimbang ang pag-unawa ng isat isa."
PHOTO/S: Courtesy: @karlaestrada1121 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results