Viva artist Ehra Madrigal says about non-renewal of GMA-7 contract: "I got depressed for a while."


Gusto ni Ehra Madrigal na burahin na ang kanyang sexy image, Ayon sa aktres, nais naman niyang sumabak sa papel na kontrabida sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Ehra nang pumirma siya ng four-year exclusive contract sa Viva Artist Agency sa office nito sa Tektite Building. Naibalita ng aktres na gusto niyang makagawa ng kakaiba naman this time.
“Ngayon, parang I wanna establish myself as a character actress. So, okay kung any roles, you know… something that’s out of the box. Hindi naman yung tipikal na lagi nilang nakikita, para may bago ka ring io-offer sa audience mo.
“Puwede na mang-aapi tayo ng bida o puwede rin na ako yung apihin o best friend [ng bida]. Hindi naman ako choosy when it comes to roles. I just really wanna start working and kung ano mang project na ibibigay,” panimulang saad ni Ehra.
“Puwede rin na comedy cause I haven’t done comedy. Well, Bubble Gang… guestings and That’s Entertainment before.
“Pero yung, another side of you [ang gusto kong ipakita], para at least ay ma-experiment ko kung ano yung kaya ko pang i-offer at ano pang kaya kong gawin,” dagdag pa niya.
Nasabi rin ng aktres na magiging challenge sa kanya kung mabibigyan ng mga kontrabida role.

“Challenge! Challenge talaga. Kasi, unang-una, we’re doing workshops even before, may nagawa rin naman ako sa GMA na kontrabida.
“Pero siyempre before, sinasabi nila sa face ko, na ‘di kapanipaniwala raw. Kasi, parang ang amo daw ng face ko, parang kumbaga it will really take an effort. Kumbaga, I really have to exert more effort in terms of physical… kailangan yung masungit or iba yung atake mo para alam nila na kapani-paniwala ka doon sa roles.”
Kung sakali, mayroon ka bang magiging peg na character actress?
“I don’t know, hindi naman na kasi uso yung, di ba, before na very teleserye na talagang malalaki yung moments? Ngayon kahit yung mabait, pero yung alam mong puwede kang maging kontrabida na always not shouting… iyong ganoon.
“Iyong halimbawa, like Angelica Panganiban. Hindi ba sobrang mukhang angel siya, pero ngayon kung magmaldita, alam mo yung… sublte pero ang galing. As in ramdam mo, ramdam mo siya. So, parang iyong ganoong tipo, e,” esplika pa niya.
So mayroon bang maldita side si Ehra?
“Siguro kapag gutom,” nakatawang biro ng kapatid ni Michelle Madrigal. “Siyempre lahat naman tayo, like kung mabait or naiinis, minsan naiirita rin tayo.
“Pero yung laging galit, hindi naman ganoon. Pero siguro, kaya mo namang ilabas yun. Siyempre if the role requires you to be masungit or kung ano man, kakayanin naman iyon.”
Sino bang hinahangaan mong mga character actress?
“Marami, marami. Siyempre like ngayon nga, parang like si Jodi [Sta. Maria]. Hindi ba noon, bida siya tapos ngayon also I think… napanood ko yung trailer nila for Pangako sa ‘Yo na totally different character naman yung ipo-portray niya.
“So, actually, sobrang nakakabilib iyon.”
Gusto mo bang mapantayan yun?
Sagot niya, “Naku! Mahirap yata yun, kasi sobrang big stars na sila. Kumbaga, ang kaunti pa lang ng experience ko. Feeling ko, sobrang ang dami ko pang kailangan maranasan or magawa na shows to be at far with them or…
“Hindi mo rin sila mapapantayan kasi, may kanya-kanya rin silang mga niche, e. Kumbaga, kahit sa Two ang daming artista, pero alam mong kanya-kanya sila, may distinct silang ginagawa.
“Hindi ko naman kailangan gayahin o sundan, inspiration lang. But I can be… just like be myself also, na makilala as Ehra Magdrigal. Pero kumbaga, gagawin kong guide kung ano yung ginawa nila or it will serve as an inspiration for me. Na yung mga nagawa nila, na parang kaya ko rin sigurong gawin ‘yun.”



SAD OVER NON-RENEWAL OF CONTRACT. Ilang taon ding naging contract artist ng GMA-7 si Ehra, kaya inamin niyang na-depress siya nang hindi siya na-renew sa Kapuso Network.
Nakaramdam ba siya ng tampo or parang feeling na napabayaan nang hindi na pinapirma ng kontrata ng GMA-7?
“Hindi naman, kasi for almost ilang years din naman exclusive contract ako sa kanila. Hindi ako nagtampo sa kanila, parang nalungkot ako for myself kasi, for the past eight to nine years iyon yung ginagawa ko, doon ako sa kanila. So, parang I got depressed for a while.
“Parang siyempre, alam mo yung bigla kang nag-stop na, ano ba yung gagawin ko? Yung ganoon? Siyempre nasanay ka everyday, you’re working, you’re with them. Tapos all of a sudden, hindi na.
“Pero siyempre, sobra akong grateful, kasi naman, ilan lang naman kaming nabigyan ng chance na magkaron ng exclusive contract ng network and hindi rin naman ako makikilala kung hindi dahil sa kanila.
“So parang nalungkot lang, kasi inisip ko, gusto ko pang gumawa ng mas maraming shows sa TV.
“Pero siyempre ganoon talaga, like ‘di naman everytime na sa iyo, e, kumbaga they’ll give you chance, ganoon. But now, they have to give it to the younger ones. Yung ganyan,” mahabang paliwanag ni Ehra.
Dagdag pa niya, “Kaya eto, sobra akong excited ngayon. Kasi kumbaga, second chance to work and nabigyan din ako ng chance ni Ate Veronique [del Rosario of Viva] to do it.
“Ngayon na ina-announce nila na parang I’m part of Viva, at least, okay yun. Ang gusto ko kasi talaga, I still wanna continue working, as in lumabas ulit sa TV and movies, ganoon.”
Kung ikaw ang papipiliin, saang network mo gustong magtrabaho?
“Well I’ve been with GMA, siyempre it’s fun to explore, lalo na ngayon with new management. I wanna try to work with other artists also, puwedeng siyempre sa ABS-CBN or TV5.
“Sa ABS kasi, never ko pang na-try, e. Sa TV5, after doing Indio, nag-guest ako with them, I worked with Derek Ramsay.
“So, ngayon sa Dos, if given a chance, like, I’d love to work with ABS also.”
Pero sa tingin mo, hindi ba parang may mas challenge kung sa ABS-CBN naman? Kasi galing ka na sa GMA-7?
“Yeah, oo, kasi galing din naman ako sa GMA, e. So, oo nga, exciting rin and challenging if I work sa ABS naman.
“Saka yung mga napapanood ko din before sa TV, yung mga hindi ko pa rin nakaktrabaho. So, exciting yun kung makakatrabaho ko sila, kung mabibigyan ako ng chance.”
Like, sino gusto mo makatrabaho sa ABS-CBN?
“Ang dami kasi e, sino ba pwede…?” saad niya habang nag-iisip.
Like, Piolo Pascual?
“Yeah of course, andoon si Piolo, sina John Lloyd [Cruz]… all the artists… and even the girls. Ang dami ko rin gustong makatrabaho na girls na nandoon like sina Bea (Alonzo), Angel [Locsin], sina Toni [Gonzaga]... ang dami e.
“Because they’re very good actors. So, parang gusto mong ma-challenge, gusto mong ma-experience na makatrabaho rin sila,” saad pa ni Ehra.
Si Angel ba, di kayo nagkatrabaho dati sa GMA?
“Nagkatrabaho rin before, in Mulawin. But I look up to her as an actress also, kasi sobrang galing niya.
“And ang dami pa, ang dami ko pang gustong makatrabaho sana sa Dos, yung mga ibang hindi ko rin nakikilala pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN