Smokey Manaloto plays a dwarf in Inday Bote TV remake

Smokey Manaloto on co-star Alex Gonzaga: "Sigurado ako na mas nag-mature na siya ngayon as an actress, as an entertainer. Na-harness na niya iyong potentials niya as an actress. Kaya sigurado ako na kagigiliwan siya ng mga tao dito sa Inday Bote."


Nagpasalamat si Smokey Manaloto sa Kapamilya Network at Dreamscape sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng projects.

Ang latest nga niya ang bagong fantaserye na Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga.

Gumaganap siya rito bilang isang duwende na tutulong sa karakter ni Alex.

Sabi niya, “Nakakatuwa naman, nakakatuwa, dahil hanggang ngayon ay nabibigyan pa din ako ng project.

"Nagpapasalamat ako kay sir Deo [Endrinal], sa Dreamscape, sa ABS, dahil kailangan pa rin pala nila ng mga artistang katulad ko.”

DIFFERENT INDAY BOTE. Ipinagmamalaki ni Smokey na bukod sa matinding special effects ng Inday Bote, para sa buong pamilya raw ang seryeng ito ng ABS-CBN

“Matutuwa sila rito dahil umpisang-umpisa ay hindi siya yung typical na serious na teleserye.

"Siyempre ano ito, fantasy na naka-center sa pamilya.

"Hindi lang talaga siya pambata, buong pamilya talaga mag-e-enjoy dito.

“’Tsaka pinagbuhusan talaga ng hirap at pagod ito, yung special effects dito sa Inday Bote, hindi pa nakikita sa ibang teleserye.

"Kasi maayos na maayos yung team na gumawa ng special effects nito.

“Plus, siyempre, maganda ang kuwento nito. Medyo iba ito sa original na version.

"Yung sa original, pito silang duwende, 'eto isang pamilya ang duwende, kami iyon."


ALEX AND ALONZO. Sa movie version noon ng Inday Bote na pinagbidahan ni Maricel Soriano, may kuwelang bading na duwende na ginampanan noon ni Roderick Paulate.

Wala raw nito sa version nila.

Ayon kay Smokey, “Walang duwendeng bading ngayon.

"Pero mayroon naman kaming duwendeng saksakan ng cute—si Alonzo Muhlach.

"So yun ang pangpatas namin kay Roderick."

Ano ang masasabi niya kina Alonzo at Alex?

“Si Alonzo, very, very talented, sana ay ma-polish pa yung acting skills niya at maalagaan pa siya.

"Pero sigurado naman ako na maaalagaan siya nang todo-todo dito sa ABS.

“Si Alex naman, matagal ko na siyang nakasama.

"Sa Let’s Go pa lang, nakasama ko na siya, sa show ni Direk Bobot [Mortiz].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa na siya noon, e.

“Sigurado ako na mas nag-mature na siya ngayon as an actress, as an entertainer.

"Na-harness na niya iyong potentials niya as an actress. Kaya sigurado ako na kagigiliwan siya ng mga tao dito sa Inday Bote.”

Sa palagay niya ba ay mas magmamarka si Alex bilang komedyana?

“Puwede, puwede. Kasi, may bitaw si Alex na nakakatuwa, e.

“Kasi iyong dating ginagawa ni Alex na galawgaw sa screen, sa paghu-host niya, medyo naghanap ng ibang atake ngayon si Direk Malu [Sevilla].

"So iyong subtle side naman niya ang aabangan dito ng mga tao.”


Ang Inday Bote ay sa direksiyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.

Bukod kina Alex, Smokey, at Alonzo, ang iba pang bahagi ng cast ay sina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Aiko Melendez, Alicia Alonzo, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Tart Carlos, at Izzy Canillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN