Watch Now

Shayne Sava admits "nakaka-drain" moments doing Raising Mamay

by Rommel Gonzales
Jul 29, 2022
Shayne Sava
Shayne Sava on doing Raising Mamay with Ai-Ai Delas Alas (not in photo): “Yung Raising Mamay po, ito yung script na kahit basahin mo pa lang iiyak ka na. Kaya kaming dalawa po ni Mamay kapag nagbabasa kami ng script tumitigil kaming dalawa kasi nakaka-drain siya minsan."
PHOTO/S: Raising Mamay (GMA-7)

Magtatapos ngayong Biyernes, July 28, 2022, sa Kapuso Network ang Raising Mamay na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at Shayne Sava.

Ang teleseryeng ito ang nagbigay ng titulong “New Afternoon Princess” kay Shayne.

Sa pinakahuling interview sa kanya sa PEP Live kamakailan, ikinuwento ni Shayne na hindi siya makapaniwala sa bansag sa kanya ng GMA-7.

Una raw niya itong narinig sa mediacon via Zoom ng Raising Mamay noong Abril, at halos napalundag daw siya noon sa tuwa.

Sabi ni Shayne, “That time, akala ko lang ipapakilala lang kami, ganun lang. ‘Tapos hindi ko talaga alam yun, parang nagulat ako, sabi ko, ‘Ha?!”

“Hindi ko lang pinakita kasi mamaya makita nila,” at tila nahihiyang tumawa si Shayne. “Grabe talaga, gusto kong maglulundag nung time na yun.

“Gusto kong tumalon sa tuwa, sabi ko, ‘Totoo ba yung naririnig ko?’

“Hindi ko talaga akalain, sobrang grabe, sobrang… siyempre kapag may title ka, ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka talaga ng network, ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, para sa akin, sobra akong blessed and mas naging motivation ko pa siya para mas lalo akong mag-strive, mas lalo akong mag-improve na, ‘Okay, Malaki yung tiwala nila sa akin so dapat hindi ko sila bibiguin.'”

DOING A LEAD ROLE

Samantala, aminado si Shayne na hindi ganoon kadali ang mga eksenang ginawa nila ni Ai-Ai sa teleserye.

Bilang mag-ina ay matitindi at emosyunal ang mga naging eksena nina Shayne at Ai-Ai sa Raising Mamay, kung saan ginampanan nila ang role nina Abby at Letty o Mamay, respectively.

Sabi ni Shayne “It’s not that easy. Kasi noong siguro, mga first week ko, sobra pa akong nag-a-adjust. Kasi siyempre it’s my first time doing a lead role.

“So first time kong… support ako, e, ‘tapos naging lead role ako so first time kong nag-a-adjust. So parang madami pa akong kailangang aralin, i-improve.

“’Tapos, as the time goes by, siguro after nine days, dun ko nakuha, na-imbibe yung character ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman naging madali na rin para kay Shayne ang mga sumunod na eksena nila ni Ai-Ai lalo na kapag iyakan.

Patuloy niya, “Tapos yun, naging smoothly na siya, naging smooth na siya, thank God! Yung mga heavy scenes namin after those nine days, parang wala, nagtitinginan na lang kami sa mata, 'tapos umiiyak na kami.

“Ganun na yung working relationship namin ni Mamay.”

Mamay na ang naging tawag ni Shayne kay Ai-Ai katulad nang kung paano niya tawagin ang karakter ng Comedy Queen sa serye.

“'Tapos there’s this time na, week eight, sobrang mabigat sa puso. E, kakabigay pa lang sa amin, napag-usapan namin yun, ‘tapos hindi namin namalayan umiiyak na kaming dalawa.

“Sabi lang ni Mamay, ‘Uy nabasa mo na ba yung week eight?’ Sabi ko, ‘Opo, Mamay.’ Tapos umiiyak na kaming dalawa kasi ang sakit-sakit!

“Yung Raising Mamay po, ito yung script na kahit basahin mo pa lang iiyak ka na. Kaya kaming dalawa po ni Mamay kapag nagbabasa kami ng script tumitigil kaming dalawa kasi nakaka-drain siya minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi nagbabasa pa lang ako ng script, umiiyak na ako,” at natawa si Shayne.

“Kaya sobrang malapit po talaga sa puso ko ang Raising Mamay.”

LOVE TEAM WITH ABDUL RAMAN

Kapareha naman ni Shayne sa serye si Abdul Raman na gumaganap bilang si Paolo.

Sina Shayne at Abdul ay bahagi ng love teams na bini-build up ng Sparkle, dating GMA Artist Center.

Aminado naman si Shayne na hindi sila close noon ni Abdul noong panahon ng StarStruck.

Pero sa tulong ng pagsasama nila sa shows ng GMA-7, mas lalo silang nagkakilala.

Kuwento ni Shayne, “Kasi during StarStruck, hindi talaga kami masyadong close. Kasi parang nai-intimidate ako sa kanya in some ways kasi English-ero kasi siya!

“Pero as time goes by, siyempre nag-Legal Wives kami, nag-lock in kami so nakilala ko siya lalo. And then, here sa Raising Mamay, mas nakilala ko siya so mas naging close kami together.

“Mas naging natural yung bond. Ang saya niya lang ka-work, parang it doesn’t feel like work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Shayne, siya mismo ay kinikilig sa love team nila ni Abdul.

Saan naman siya pinakakinilig sa mga eksena nila sa Raising Mamay?

Sagot ng StarStruck 7 Ultimate Female Survivor, “Meron kasi kaming scene dito na sasayaw kami together, siguro iyon. 'Tapos meron pa kaming scene na naka-angkas ako scooter niya.

“So ayun, super-nakakakilig talaga yun, grabe!”

Hindi rin naman nalalayo ang kilig na mayroon sila sa tunay na buhay, at nangyari nga ito noong Valentine’s Day.

Pagbabalik-tanaw ni Shayne, “He gave me flowers ‘tapos kumain kami ng samgyupsal together, I think iyon yung pinakanakakakilig.

“And then, after that, we went to watch Spiderman together.

“And then, lately lang, binigyan niya ako ng parang figurine na si Eleven, sobrang hilig ko kasi sa Stranger Things, as in sobrang tagal kong hinintay ang season 4 ng Stranger Things.”

Ang tinutukoy ni Shayne na regalo ni Abdul ay ang Funko Pop ni Eleven na lead character na ginagampanan ni Millie Bobby Brown sa sikat na Netflix series na Stranger Things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panoorin ang PEP Live ni Shayne Sava dito:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shayne Sava on doing Raising Mamay with Ai-Ai Delas Alas (not in photo): “Yung Raising Mamay po, ito yung script na kahit basahin mo pa lang iiyak ka na. Kaya kaming dalawa po ni Mamay kapag nagbabasa kami ng script tumitigil kaming dalawa kasi nakaka-drain siya minsan."
PHOTO/S: Raising Mamay (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results