GMA Network welcomes back Billy Crawford after 15 years

by Arniel C. Serato
Jul 30, 2022
Billy Crawford back in GMA after 15 years
Billy Crawford is back at GMA Network premises to host The Wall Philippines.
PHOTO/S: Courtesy: GMA Network / The Wall Philippines on Facebook

Nagbabalik-Kapuso ang TV host-singer na si Billy Crawford.

Ngayong Sabado, July 30, 2022, opisyal siyang winelcome ng GMA Network sa muli niyang pagtapak sa kanilang bakuran matapos ang halos labinlimang (15) taon mula nang nilisan niya ang istasyon.

Sabi sa caption ng GMA sa kanilang Facebook page: “Welcome back to GMA Network, @billycrawford! Abangan siya sa #TheWallPhilippines, ngayong Agosto na!”

Continue reading below ↓

Si Billy ang host ng sikat na game show sa Amerika na The Wall.

Ito ay handog ng GMA Network Inc. at Viva Communications Inc. na tiyak na magbibigay saya sa bawat Kapuso tuwing Linggo simula Agosto.

Bukod kay Billy, mapapanood din sa game show ang paglalaro ng mga celebrity tandem na highlight ang state-of-the-art 40-foot wall.

Pagalingan sa pagsagot sa iba't ibang mind-blowing questions at direksiyon ng bola sa money bins ang magdidikta ng kanilang makukuhang premyo na puwedeng umabot hanggang P10 million.

Ang unang season ng show ay napanood sa TV5 mula March hanggang September 2021.

Huling napanood si Billy sa GMA noong 2008 dahil lumipat na siya sa ABS-CBN.

Read: FIRST READ ON PEP: Billy Crawford explains his side regarding transfer to ABS-CBN

May netizens namang nagtatanong kung aalis na raw ba si Billy sa Laugh Out Loud (LOL) ng TV5.

Mukha namang hindi dahil nagsasanib lamang ng puwersa ang Viva—na management ni Billy—at GMA para sa The Wall Philippines.

Continue reading below ↓

Read: Billy Crawford at Matteo Guidicelli, babalik sa GMA-7?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford is back at GMA Network premises to host The Wall Philippines.
PHOTO/S: Courtesy: GMA Network / The Wall Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results