Singer-actor Ken Alfonso tries hosting via travel show Touchdown

Ken Alfonso on hosting a travel show: “Kasi everybody loves to have something like this, na ganitong show, e. Kumbaga, it’s actually… more than work, it’s actually yung nag-e-enjoy ka, e. So, talagang ini-enjoy ko na rin siya.”


Nasa cloud nine si Ken Alfonso dahil mayroon na siyang sariling travel show.

Eere na sa Sabado, March 21, 11:30 A.M., sa GMA News TV ang Touchdown With Ken Alfonso, kung saan si Ken ang main host at every episode ay iba-ibang beauty queens ang kanyang co-host.

Sa pilot episode nito ay si Miss Universe 2013 3rd runner-up na Ariella Arida ang kanyang co-host.

Sa Hong Kong ang pinakauna nilang destination sa Touchdown.

“Well, natetensiyon!” natawang sagot ni Ken nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nararamdaman niya tungkol dito.

Dagdag niya, “Kasi siyempre, hindi natin alam kung ano ang magigigng feedback ng mga tao.

“Pero hopefully, e, maging maganda ang feedback ng travel show na ito.”

Nakapag-taping na raw si Ken ng episodes tungkol sa Japan at Europe.

Last week nga ng February ay sumama sila ni Ariella sa isang Hong Kong cruise para mag-taping din for Touchdown.

“At first, parang ano lang, well, excited ako nun, ‘tapos parang it’s like ano lang, laro lang din, e.

“Kumbaga, ini-enjoy ko lang, so basically wala pa dun yung pressure sa akin.

“’Pag nagte-taping kami, kasama na kasi dun yung trip talaga, yun ang ini-enjoy mo. So, iyon.”

Sa tingin ba ni Ken ay mararamdaman din niya ang pressure eventually?

Tugon niya, “Siguro kapag na-air na yung pilot episode, dun na papasok yung pressure.

“Sana maging maganda yung feedback.”


FAVORITE DESTINATIONS. Sa mga lugar na napuntahan na niya para sa Touchdown, paborito raw ni Ken ang France, partikular na ang Paris.

Kuwento niya, “Number one, romantic, plus gusto ko yung weather.

“Nung nagpunta kami dun, sobrang lamig po.

“’Tapos pangarap ko pong makapunta dun sa Paris, sa France.

“I thought before na it’s just like a dream.

“Pero one day, I woke up nandodoon na ako sa Paris.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinuntahan daw niya ang pamosong Eiffel Tower sa Paris.

“Nasa ilalim po ako ng malaking bakal!” at tumawa si Ken.

“Most memorable yun, na nandun ako sa ilalim, ‘tapos tumingin ako sa itaas.

“Sabi ko, hindi ako makapaniwala na nandito ako sa ilalim ng Eiffel Tower.”

Noon daw, kapag nasa bintana siya ng bahay niya, ini-imagine niya kung kailan niya makikita ang totoong Eiffel Tower.

Kung may lugar pa na nais niyang puntahan para sa travel show niya, ito ay ang New York City.

Bukod kay Ariella, nakasama na rin ni Ken sa taping ng ibang episodes ng Touchdown sina Venus Raj, ang Miss Universe-Philippines 2015 na si Pia Wurtzbach, at iba pang beauty queens.

Ayon kay Ken, “Nakakatuwa kasi, kumbaga, makikita mo sila…

“Kumbaga, alam mo yun, napaka-prim and proper, pero kapag kasama ko na sila, parang nakikipagbiruan din talaga sila.

“So, nakakatuwa.”

KEN, THE ACTOR. Kaya naman daw ni Ken na bukod sa pagiging artista ay TV host na rin siya.

Kasama si Ken sa GMA drama series na Kailan Ba Tama Ang Mali?

“Yes, siguro kasi kung kaya naman po na gawin, so why not?

“Siguro puwede nating i-pursue ‘yan.

“Anyway, meron naman akong mga series of parang mga training na ina-undergo ngayon sa hosting.

“Para pa lang po siyang ano… nakaka-step one pa lang po ako kumbaga.

“Kung papaano ko lang ie-engage yung sarili ko with sa crowd, parang ganun.

“Basically, iyon pa lang yung training na aking naa-undergo po.”

DREAM COME TRUE. Pinangarap daw ni Ken ang mga nangyayari sa kanya ngayon.

“Kasi everybody loves to have something like this, na ganitong show, e.

“Kumbaga, it’s actually… more than work, it’s actually yung nag-e-enjoy ka, e.

“So, talagang ini-enjoy ko na rin siya.”

Kung magiging matagumpay siya sa acting, singing, hosting, at dancing, ano ang pipiliin niyang maging priority?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ken, “Siguro kung ano yung pinakamagandang opportunity.

“Pero feeling ko, sa acting, maraming opportunity, e.

“Acting po para mas maraming opportunity.

“’Pag acting kasi, marami kang puwedeng magawa, in a way, na makikita yung career growth mo, plus the fact na mas nae-expose ka sa acting.

“Pero kung kaya pong pagsabayin lahat, given the chance, okay rin naman po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN