Watch Now

Bobet Vidanes's business partner Louie Cristobal open to work with It's Showtime hosts

by Melba R. Llanera
Aug 2, 2022
Louie Cristobal, Bobet Vidanes
Loiue Cristobal on Black Entertainment managing partner Bobet Vidanes: "Basically lahat ng mga talents natin dito is pili ni Direk Bobet... For ten years siguro na magkaibigan kami, very tight talaga [kami]. Lalo na nung Showtime siya, may problema siya diyan, tapos nung lumipat siya, di ko pa rin siya iniwan."

Tulad ni Bobet Vidanes, siniguro ni Louie Cristobal na bukas ang Black Entertainment na makatrabaho ang It's Showtime hosts kung sakaling magkaroon ng proyektong magkasama-sama sila.

Ito ay sa kabila ng isyung nagtampo ang hosts ng It’s Showtime nang umalis si Bobet nang walang paalam sa kanila noong November 2020.

READ: Bobet Vidanes no ill will with It's Showtime hosts: "Wala naman akong kaaway na artists."

Ang Black Entertainment ay bagong talent management company na pag-aari ni Louie at managing partner naman si Bobet.

Pahayag ni Louie, "Actually, si Direk Bobet, walang masamang tinapay. Okay naman sa kanya yun.

"Katulad nung last interview sa kanya [yung sinabi niya na] kung puwede kunin, why not? Hindi lang din naman personal yung iniisip namin.

“If you can see, Direk Bobet is getting old. He's 52, 53. Ang sabi niya sa akin, ‘Parekoy, I will enter, I will guide you, pero gusto ko makakapag-leave ako before I retire ng good things sa showbiz.’ Yun ang medyo naantig ako sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon ang naging hudyat para magdesisyon si Louie at ang misis niyang si Grace Cristobal na magtayo ng sariling talent management company.

Naisip nilang maging katuwang si Bobet na matalik na kaibigan ni Louie.

"Nangyari iyan nung one time napag-usapan naming mag-asawa, ‘Why don't you ask Direk Bobet na to have our own talent management?’ This happened a year ago, that was during pandemic.”

Nagmarka raw kay Louie ang tingin niya ay magandang intensiyon ni Bobet na mag-iwan ng legacy nito sa showbiz.

“Nandito yung puso niya talaga. I mean, yung pagtulong. Not necessarily showbiz, ha? Yung pagtulong in general.

“Saka ako naman I want to be [a] friend of all. Anything that you need, I'm open."

Sa pagkakakilala raw ni Louie kay Bobet, hindi niya ito kinakitaan na nagtanim ng sama ng loob sa kahit sinuman sa dami ng mga pinagdaanan nito sa industriya.

"I was always with Direk Bobet nung lowest point niya. Ang sabi niya sa akin, ‘Parekoy, kung ite-take ko as negative, mababaliw lang ako. Everything na nangyari sa akin behind that there's a good reason.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilib si Louie sa kakayahan ni Bobet, na nakilalang show creator at director ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime mula 2009 hanggang November 2020.

Lumipat si Bobet bilang creative consultant ng Tropang LOL (Lunch Out Loud) noong November 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Patuloy ni Louie hinggil sa pagtatag niya ng talent management company, “Basically, I have two reasons that's why I entered this kind of business.

"Number one, Direk Bobet [has] my back. Every decision that we make, Direk Bobet is with me.

“For ten years siguro na magkaibigan kami, very tight talaga [kami]. Lalo na nung Showtime siya, may problema siya diyan, tapos nung lumipat siya, hindi ko pa rin siya iniwan.

“Number two siguro is I have money to run this kind of business. Yun lang siguro."

READ: Valerie Concepcion reveals her daughter now 17 never met her real father

MORE ABOUT BLACK ENTERTAINMENT

Nagkuwento rin si Louie kung ano ang origin ng pangalan ng kanyang kumpanyang Black Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Black is strong… It's very rare na ginagamit,” ani Louie.

“Strong personality” at “very firm” daw kasi ang dating ng black.

Sabi pa ni Louie: “Sabi nga nila, ‘Kaya mo bang ibenta ang mga talents mo kapag firm ka?’

“Of course, we have the money para makapag-build ng names ng mga iyan. We can make them a movie, we can make them their own shows.”

Halos araw-araw raw silang nagmi-meeting ni Bobet para planuhin ang mga dapat nilang gawin sa Black Entertainment.

Mayroon silang opisina sa Mother Ignacia Street sa Quezon City.

"Tatlo kaming nagde-decide—ako, si Ms. Grace, and Direk Bobet. But of course, we always consider yung advice ni Direk Bobet. He's been in the industry for couple of years.

“You see, lahat ng sinasabi ko, puro Direk Bobet. He is a big part of Black Entertainment.

“I'm a businessman. Napansin ko ang daming yumayaman having their own talents and producing their own movies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

CHOOSING THE RIGHT KIND OF TALENTS

Ayon pa kay Louie, may mga nakapila nang proyekto para sa nakuhang talents ng Black Entertainment.

"Some of them are regular na sa show ni Direk Bobet [Tropang Lol].

"The plan kasi, we want to have our own shows. Ongoing ang three movies namin ngayon...

"We have been in talks na with Netflix and we are just waiting for the materials para they can review it.

"Before I make that movie, gusto ko mayroon nang paglalabasan."

Ibinahagi rin ni Louie na nagkaroon ng audition para sa talents na kinuha nila ni Bobet.

"Siguro a year ago pa. Basically lahat ng mga talents natin dito is pili ni Direk Bobet.

"If you can see, kaunti lamang sila, only eleven or twelve and yet yung hitsura ng mga talents is puro bago.

"Yun kasi ang gusto ni Direk Bobet na makuha, yung genuine raw. Ayaw niya ng mga tisay-tisay so iniiwasan niya yung mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ang gagaling ng mga bata na iyan at ang gaganda rin ng background.

"Some of them [have] million followers sa TikTok saka sa YouTube. The rest nabigyan na naman sila ng work sa LOL, magiging regular na sila, so tuwang-tuwa sila."

Balak din magbuo nina Louie at Bobet ng P-pop girl group na uso ngayon.

Pero mas pinipili raw nila iyong may "personality" at hindi lang basta looks ang panlaban.

"We have a girl group, like P-Pop something na ganun, pero I think dadalawa pa lang yung nakukuha namin ni Direk Bobet.

"Sa dinami-dami ng nag-audition, dalawa lang napili namin. We're planning to have at least five girls. We still have three more and the rest good singers.

"Yung isa si Eleana Gabunada, nag-golden buzzer siya sa Asia's Got Talent.

"Itong isa si Andrei Parker, sa The Voice naman siya. Di man siya nanalo, she has a powerful voice... Sabi ni Direk Bobet, 'Pag napakinggan mo iyan para kang hinehele.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BACKGROUND ON LOUIE CRISTOBAL

Malaking hamon ang magbukas ng bagong negosyo sa panahon ng pandemya, pero naniniwala si Louie na walang right timing sa pagnenegosyo.

Mas maganda raw yung palaban agad at natututo sa karanasan.

"I started business when I was 21 years old, I'm 37 now. I was an engineer and a businessman. I graduated from Polytechnic University.

"My mother was a housewife, my father was a government employee. Actually, driver ang father ko. That's why I took the opportunity na mag-taxi business," kuwento ni Louie.

Sabi naman niya tungkol sa kanyang misis na si Grace, "Nineteen years na kaming kasal and we have two kids, both are girls.

"My wife, siya yung may kaya. But basically, wala kaming ginamit na mga tao para umangat."

Paano niya nakilala si Bobet?

Sagot ni Louie, "Nagkakilala kami ni Direk Bobet matagal na, five years, ten years ago, nagkakilala kami sa motors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naging close friend, then napunta siya sa Showtime, kinukuha niya kaming sponsors."

Nagkuwento rin si Louie sa iba-ibang business na pinasok niya.

"The business that I had was taxi business. Kung nakikita niyo pa rin yung Louie and Grace. Nawala din siya kasi napakahirap ng taxi business.

"Malaki ang kita pero malaki din ang expenses. It's very hard to handle yung drivers, that was the hardest part, and I was 21 before. You have to communicate with drivers older than you.

"Marami rin kaming businesses na nag-fail. Like, we imported before yung mga branded shoes like Adidas, Nike, di nag-click. Maybe wrong yung persons.

"Every person kasi na pumapasok sa akin, I trust them and kaunti lang kami. In every business that I have kaunti lang pinagkakatiwalaan ko and I don't talk to everyone. I just talk to two or three persons, sila lang yung pinagkakatiwalaan ko.

"Saka di rin ako naniniwala sa suwerte, hard work talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loiue Cristobal on Black Entertainment managing partner Bobet Vidanes: "Basically lahat ng mga talents natin dito is pili ni Direk Bobet... For ten years siguro na magkaibigan kami, very tight talaga [kami]. Lalo na nung Showtime siya, may problema siya diyan, tapos nung lumipat siya, di ko pa rin siya iniwan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results