Is real-life romance possible between Derrick Monasterio and Elle Villanueva?

by Rose Garcia
Aug 2, 2022
Derrick Monasterio and Elle Villanueva for Return To Paradise
Derrick Monasterio on leading lady Elle Villanueva: "Para sa akin kasi, madali para sa akin na alagaan siya. Kasi, yun din ang napi-feel ko, na gusto ko siyang okay lagi, gusto ko siyang comfy lagi... Nag-e-enjoy din ako na nakikita siyang masaya kasi sumasaya rin ako."
PHOTO/S: Pau Gueverra

Nahihiritan ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio na “stalker” siya ng bago niyang leading lady na si Elle Villanueva bago pa man sila nagkasama sa Return to Paradise.

Inamin kasi ni Derrick na nang malaman nitong si Elle ang magiging kapareha niya sa bagong teleserye, nag-follow na siya agad dito sa Instagram.

Ang Return To Paradise ang bagong Kapuso afternoon series na nagsimulang umere noong Lunes, August 1, 2022.

Kuwento ni Derrick, “Noong una kaming mag-meet, before kasi kaming magkita personally, pina-follow ko na siya sa Instagram and hanggang sa mag-workshop na kami.

"Sinabi ko sa kanya, ‘Wow, alam mo, mas maganda ka in person.’

“I found her mysterious too,” saad niya.

READ: Return To Paradise, mas pinalakas ang afternoon block ng GMA-7

Nang magkita na sila ay mabilis nagkagaanan ng loob ang dalawa.

Patuloy ng Kapuso hunk, “Hindi ko pa siya masyadong nade-decode nung first time namin nag-meet. Sabi ko sa kanya, parang suplada siya, ganun.

Continue reading below ↓

"Yung vibes kasi ni Elle, chill lang siya. Siguro, chill lang din ako kaya kami nag-connect, ganun.

“Pero yun nga, mabilis naming na-trust ang isa’t isa. At feeling ko, sa mga workshops namin, nag-jump lang kami, ginawa lang namin what’s required.

“And yun nga, nag-post ako sa Instagram na ang caption ko is about dependability. Kaming dalawa, nung nasa island kami, kasi kaming dalawa lang ang dalawang actors dun at first, talagang nag-depend kami sa isa’t isa, not just as Red and Eden but also Derrick and Elle, kaya mas madali talaga sa amin.”

Naging honest naman si Elle na "playboy" ang unang impresiyon niya sa leading man na si Derrick.

“Actually, ang impression ko po sa kanya, parang nakukuha po niya ang lahat ng gusto niya sa babae at sa lahat ng bagay.

"Ang tawag po dun, mahilig sa bar, mahilig pumarty!" natatawang sabi ni Elle.

Sabay bawi niya, “Pero nabago naman po yun, kasi hindi ko ine-expect na may mga personality siya na inilabas sa isla na mali ako, mali pala ang mga iniisip ko sa kanya.

Continue reading below ↓

“Kasi, sobrang bait pala niya, sobrang genuine niyang tao. Tapos maalaga siya, as in, before kami mag-shoot.

"Noong nagkasakit ako, kahit outside work na, inaalagaan pa rin niya ako. Tsine-check niya kung okay lang ba ako. Tapos, genuine lang din talaga.

"Tapos, open din siya sa akin. Open siya sa secrets niya, sa napi-feel niya. Kaya nagustuhan ko rin talaga siya as a person.”

Dugtong pa ni Elle, “Mas naipapakita na namin ang mga different sides of us na hindi namin naipapakita sa ibang tao.”

Ayon kay Derrick, sinugurado nitong maalagaan niya si Elle sa set.

"Para sa akin kasi, madali para sa akin na alagaan siya. Kasi, yun din ang napi-feel ko, na gusto ko siyang okay lagi, gusto ko siyang comfy lagi.

"And ang laking tulong din na kaming dalawa lang ang nasa island, kaming dalawa lang yung actors. So, talagang na-develop yung closeness namin.

"Yun nga, gaya ng sinabi niya… masarap siyang alagaan, yung ganun. Nag-e-enjoy din ako na nakikita siyang masaya kasi sumasaya rin ako.

Continue reading below ↓

"Kaya in return, ganun din siya sa akin. Nire-reciprocate niya rin yung mga ginagawa ko sa kanya.

“So, yung relationship lang namin ni Elle, pataas lang siya nang pataas, pa-level-up lang nang pa-level-up. Mas naa-unlock lang namin ang mga secrets namin, it’s just comfortable.”

Elle Villanueva, Return To Paradise

IS ROMANCE POSSIBLE BETWEEN THEM?

Nilinaw ni Derrick kung ano ang ibig niyang ipakahulugan sa pataas at pa-level up na relasyon nila ng bagong leading lady.

Continue reading below ↓

Aniya, “I guess, kinokonsider ko siya as one of my closest friends. Ako po kasi sa barkada ko, kapag meron po akong nakikita—like may nakita ako randomly, sine-share ko sa group chat namin.

“Pero ngayon, ganun na kao kay Elle. Lahat ng mga nakikita kong interesting for me, gusto kong makita rin niya. Gusto kong ma-experience rin niya kung ano ang nae-experience ko.

“Yung mga food na kinakain ko, gusto ko, kinakain din niya. Sobrang ano lang namin ni Elle, we’re pretty close… ewan natin, di ba?” nangiting sabi niya.

Diretsahan naming tinanong si Derrick kung wala pa siya sa romantic na aspeto kay Elle.

Sagot ng binata, “As of now, yung nararamdaman ko for her is genuine care. Ang sarap lang niyang alagaan.”

Sabi naman ni Elle, "Wala pa namang ligaw.

“Pero, palagi po kaming magkausap kasi, ganun na nga po kami ka-close. Pero wala pa pong anything romantic.”

Continue reading below ↓

Derrick Monasterio, Return To Paradise

HOT STORIES

DERRICK'S DARING IMAGE

Sa ngayon, lumalabas na ang image ni Derrick ay "pa-yummy," "sexy" at "daring."

Tulad nga ngayon sa Return to Paradise kunsaan kapag papanoorin siya, lalo na kung siya ay naka-topless o sa love scenes, iisipin ng mga manonood na nasa “paradise” nga sila.

Continue reading below ↓

“Grabe naman!” natatawang bulalas ni Derrick.

Nagkataon lang daw na pursigido siya sa pag-aalaga ng katawan.

"Kasi noong 17 ako, nagsimula akong magbuhat. Nagkaroon ako ng konting muscle. Tapos yun na, hinubaran na ako.

“Pero for me, hindi ko naman siya plinano. Ako talaga, I was just being fit. I love working out. Pero yun nga, hindi ko ine-expect na magagamit ko siya dito sa ganitong role."

Umaasa si Derrick na ma-appreciate din ng viewers ang kanyang pag-arte sa bagong teleserye.

“Well, siyempre, gusto ko po na makita nila na hindi lang ‘to puro pa-yummy. Gusto ko na makita nila na kaya ko rin mag-deliver.

"And I give credits to my director, to our acting coach, to the staff, to the bosses. Lahat sila, hindi ko ito napi-feel na trabaho, it’s a collaboration.

"And happy ako na napunta ako rito sa team na ‘to. And for me, this is the best team that I’ve worked with.

Continue reading below ↓

“Grabe lang yung passion ko for this project kasi grabe rin yung passion nila. So, collab.”

ELLE ON BEING A SHOWBIZ NEWBIE

Sa parte ni Elle, naikuwento niyang nahirapan siya sa intimate scenes lalo pa't baguhan siya sa pag-arte.

Pero malaking bagay raw na si Derrick ang leading man niya.

Ayon kay Elle, “Honestly, nasabi ko na po ‘to sa kanila, parang hirap na hirap po ako sa mga touch, kiss, yung mga love scenes, dun po hirap na hirap.

"Kaya yung sa workshop po, nakatulong po talaga siya sa akin, especially, grateful po ako na si Derrick po ang leading man ko sa unang teleserye ko po.

"Dahil sa kanya, mas napadali rin po ang trabaho dahil comfortable po kami sa isa’t isa. So, pagdating po sa eksena, akala ko mahihirapan ako. Pero dahil sa kanya, mas napadali and especially kina Direk po at sa mga crew.”

Masuwerte si Elle dahil hindi na siya dumaan sa audition. Kumbaga, handpicked talaga siya para sa role ni Eden sa Return to Paradise.

Continue reading below ↓

Posibleng bukod sa potensiyal na nakita sa kanya, yung pagiging palaban din niya sa pagpapaka-daring ang isa sa dahilan kaya nabigyan siya ng break.

Palaban nga ba siya sa bilang aktres?

“Opo, sobra,” mabilis niyang sagot.

“Lalo na ngayon, kahit anong project na ibinibigay sa akin, talagang tinututukan ko. Takot akong pumunta sa set nang hindi prepared o hindi binabasa ang script at hindi kinikilala ang mga makakatrabaho ko.

“It’s just my anxiety, hindi ko kayang pumunta talaga nang hindi prepared o hindi immersed sa character ko. Kasi, I always want to give my best kasi yun din ang ginagawa nila. Nagtiwala sila sa akin, so I need to prove them na kaya ko.”

Sa mga teaser na naglabasan hanggang sa trailer na ng Return to Paradise, kinumusta namin si Elle kung ano ang mga natatanggap niyang reaksiyon ng ibang tao.

“Marami po ang nagsasabi, 'Sino iyan?'" natawang sagot niya.

Continue reading below ↓

"Nagtataka sila... At saka, sino lang ba naman ako? I’m a newbie. Ayan, nagpapakilala pa lang ako.

"Sana talaga magustuhan ng mga tao and me as Eden, magustuhan nila ang pagganap ko sa role na ‘to.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on leading lady Elle Villanueva: "Para sa akin kasi, madali para sa akin na alagaan siya. Kasi, yun din ang napi-feel ko, na gusto ko siyang okay lagi, gusto ko siyang comfy lagi... Nag-e-enjoy din ako na nakikita siyang masaya kasi sumasaya rin ako."
PHOTO/S: Pau Gueverra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results