Vice Ganda comforts Miss Q&A contestant after lecturing her for using derogatory words on TV

by Bernie V. Franco
Aug 3, 2022
vice ganda
Miss Q&A contestant who used derogatory words on It's Showtime reveals that Vice Ganda went up to her and talked to her about what happened.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Pinasalamatan ng "Miss Q&A" contestant na si Dimple Solomon Ruiz si Vice Ganda dahil personal siyang pinuntahan sa dressing room ng It’s Showtime main host.

Ito ay kasunod ng awkward moment sa "Miss Q&A," ang gay pageant ng It’s Showtime, noong Martes, August 2, 2022.

Sa introduction speech ni Ruiz, ginamit niya ang mga salitang “Mongoloid” at “ngongo” na ikinatahimik ng hosts.

Read: "Miss Q&A" contestant, pinagsabihan ni Vice Ganda sa pagbanggit ng "ngongo" at "Mongoloid"

Pagkatapos ng It’s Showtime kahapon ay nag-post si Ruiz sa Facebook ng larawan nila ni Vice habang nasa dressing room.

Caption ni Ruiz (published as is), "Thanks Meme Vice sa pag comfort po sa akin after ng pagkakamali ko..

“Talagang sinadya niyo pa po ako puntahan sa Dressing Room to Comfort me.. Napakabuti mo pong tao..Sorry po ulit.”

vice ganda

Continue reading below ↓

Nauna rito, may isa pang post si Ruiz na humihingi ng paumanhin sa ginawa niyang introduction.

Mensahe niya, "I'm really sorry for what just happened. I didn't mean it..

“Gusto ko lang po magpasaya pero nakatapak po pala ako ng may mga kapansanan.. Hindi ko po sinasadya..I'm really sorry po.."

RUIZ USES “Mongoloid” and “ngongo” on her intro

Matapos ang intro ni Ruiz kahapon, pinangaralan siya ni Vice dahil sa kanyang introduction.

Pagpapakilala ni Ruiz: “O ano, nagulat kayo, ano? Akala niyo ngongo ako, ‘no? Mongoloid kaya ako.”

Biglang nanahimik ang mga host na sina Vice, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa tinuran ni Ruiz.

Kitang-kita rin ang pagngiwi ni Vice, indikasyong nadismaya siya sa mga binitawang salita ng contestant.

vice ganda

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay pinagsabihan ni Vice si Ruiz bago pa man sila i-call out ng Movie and Television Review at Classification Board (MTRCB) at makatanggap ng kritisismo mula sa viewers.

Ani Vice, “In behalf of candidate number 3, ngayon pa lamang ay humihingi na po kami ng paumanhin sa maaaring mga na-offend o hindi nagustuhan ang mga sinabi niya sa simula, lalo na ang paggamit ng mga salitang ngongo at mongoloid.

"Hindi na natin yun ginagamit.”

Kinastigo ni Vice si Ruiz dahil hindi raw iyon ang dialogue ng huli sa rehearsals.

Kinatigan nina Jhong at Vhong si Vice, at sinabihan si Ruiz na iyon ang kahalagahan ng rehearsals.

Humingi ng paumanhin si Ruiz at sinabing idinagdag niya ng mga salitang “ngongo” at “mongoloid” sa kagustuhang magpatawa.

Natalo si Ruiz sa elimination round pa lamang ng contest.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Q&A contestant who used derogatory words on It's Showtime reveals that Vice Ganda went up to her and talked to her about what happened.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results