Makikilala na sa Lunes, August 8, 2022, ang bagong host ng Magandang Buhay na makakasama nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.
Ito ang ibinahagi ng programa sa kanilang Instagram page kahapon, August 4, nang maglabas sila ng isang teaser video.
Sa video ay makikitang kumakatok sa pinto ang bagong host, habang pinapakinggan siya nina Melai at Jolina. Kamay lamang ng bagong host ang ipinakita kaya hindi pa alam kung sino ito.
Caption ng Kapamilya morning show: "REady na ang ating newest and official ku-momshie na kukumpleto sa ating MB momshies! ABANGAN ngayong Lunes, LIVE sa #MagandangBuhay!"
Ibinahagi rin ito nina Melai at Jolina sa kani-kanilang Instagram account.
Caption ni Melai (published as is), "WAhhhhhh pati kmi hindi alam kung sinuuuuuu May alam kaba momshiejols?
"Excited na ako ang ganda ng kamay nyaaaa sinu baaaaaa sabihin nyu sa min @_magandangbuhay Fambam plsssss .Cya na a g makakasama nmin ni Momshiejols sa @_magandangbuhay forever and ever .Feeling ko alam nyu @jasminip at @darla Share nmn plssssss."
Noong July 22, opisyal nang nagpaalam ang isa sa orihinal na host ng Magandang Buhay na si Karla Estrada, matapos ang halos limang taong pananatili sa morning talk show ng ABS-CBN.
Read: Karla Estrada officially bids goodbye to Magandang Buhay after five years
Read: Karla Estrada set to return to Magandang Buhay for her farewell episode
Nagsimulang lumiban si Karla sa Magandang Buhay nang maging pangatlong nominee siya ng Tingog party-list.
Read: Karla Estrada ecstatic about party-list win; congratulates Rommel Padilla despite his loss
Pansamantala ring naging guest co-host ng Magandang Buhay sina Regine Velasquez at Judy Ann Santos.
Read: Judy Ann Santos returns to TV via Magandang Buhay
Read: Judy Ann Santos ends stint as guest co-host of Magandang Buhay
NETIZENS REACT
Maraming netizens ang na-excite at nagbigay ng kanilang hinala kung sino ang papalit sa puwesto ni Karla bilang host.
Maaaring isa raw kina Judy Ann Santos, Regine Velasquez, Toni Gonzaga, at Jodi Sta. Maria ang tinutukoy na bagong co-host ng programa.