Kakai Bautista not worried about getting laos: "Kasi, hindi naman talaga ako umabot pa sa peak."

by Jerry Olea
4 days ago
kakai bautista oh my korona
Kakai Bautista: "Alam ko sa sarili ko na pagdating ng araw, humaba man, tumanda man ako, kumulubot man ang mukha ko, hindi ako mawawalan ng trabaho! Kasi, andun lang ako sa gitna, e. Character lang ako. Puwede mo akong ilagay dito, kahit saan."

Laos na artista si Margaret “Marga” Benedicto, ang karakter ni Kakai Bautista sa TV5 sitcom na Oh My Korona.

“Maraming masasaktan sa karakter ko!” natatawang sambit ni Kakai sa virtual mediacon noong Agosto 3, 2022, Miyerkules.

“Ang karakter ko ay isang artistang nalaos na pero pinipilit niya pa ring humawak dun sa paniniwala niyang hindi pa siya laos.

“So, malalaman niyo yung istorya ni Marga dito at kung paano niya babaliin yung pangarap na yun para sa kanyang kapatid.

“Itatago muna natin kung sino yung kapatid ni Marga. Basta, yung karakter ko as Marga, yun, feeling na feeling pa rin talaga siya kahit laos na. Ayan siya. Ganun!”

FEELING SIKAT PA RIN KAHIT LAOS NA

Sa tunay na buhay, ano ang maipapayo niya sa mga artistang laos na pero nag-iilusyong sikat pa rin sila?

Natawa si Kakai, “Ha! Ha! Ha! Ha! Yun lang ang masasabi ko, natawa lang ako. Ahmm, siguro ano…

Continue reading below ↓

“Mahirap kasing i-explain. Kasi, yung karakter ko kasi, minsan kasi, nasa tao din 'yan, di ba?

“Yung pag naabot mo na yung sa tingin mo ay peak mo na, tapos hindi mo naman siguro naingatan, tapos nawala.

“Nasa sa ‘yo yun, e, kung paano mo i-handle. Yung karakter ni Marga dito, isa siya sa mga klase ng naging artista na akala niya, yun na yun.

“Naabot na niya, alam mo yun. Hindi na makakalimutan ng mga tao yung ginawa niya pero yung ningning ng kanyang pagiging artista ay wala na.

“So, yun ang hindi niya matanggap. Kasi, meron kasing ibang artista siguro na hindi na ganun kaningning ang kanilang mga bituin, pero tanggap naman nila.

“Pero kasi dito yung karakter ni Marga, hindi niya matanggap yung ganun. So, malalaman niyo habang tumatagal yung mga episode namin, nadadagdagan, kung paano iha-handle ni Marga yun.

“At siguro eventually, matatanggap din niya na hindi na talaga! Wala na talaga siyang pag-asang makabalik dun sa peak!

Continue reading below ↓

“At mare-realize siguro niya na hindi naman talaga siya dumating sa peak. Nasa utak lang niya na dumating siya sa peak pero hindi pala.

“So siguro, marami talagang makaka-relate. Kasi, iba-iba naman yung pagtanggap natin ng tinatawag na word na ‘kasikatan.’

“Meron namang talagang sumikat pero hindi pa rin nila natatanggap na talagang sikat sila.

“Pero yung iba, marami namang… akala nila, sikat sila! Ganun, di ba?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ng Dental Diva.

HINDI UMABOT SA PEAK

Naghatid ng good luck sina Kakai at Thou Reyes sa Kapuso primetime series na First Yaya at First Lady. Hopefully, magdudulot din sila ng suwerte sa Oh My Korona.

Pero ano ang saloobin ni Kakai kapag sinasabihan siyang laos, as in La Ocean Deep?

Pagkunot-noo ni Kakai, “Naku, hindi ko naman nararamdaman yung laos! Kasi, hindi naman talaga ako umabot pa sa peak.

“Saka maganda nga kasi, kumbaga ang bini-build ko talaga na ano, ang ine-establish ko talaga para sa akin dito sa mundo natin is a character actress.

Continue reading below ↓

“So, alam ko sa sarili ko na pagdating ng araw, humaba man, tumanda man ako, kumulubot man ang mukha ko, hindi ako mawawalan ng trabaho!

“Kasi, andun lang ako sa gitna, e. Character lang ako. Puwede mo akong ilagay dito, kahit saan.

“Para sa akin, ang sarap nun! Kasi, ang feeling ko, hindi ako mawawalan ng trabaho kahit talagang…

“So, hindi ko mapi-feel na nalaos ako! Or narating ko ba yung peak? Basta ang importante sa akin, may trabaho.

“Kasi, gusto natin lahat ng trabaho, di ba? E, di kung bibigyan ka ng pagkakataon na umabot talaga sa peak, e, di maganda.

“Pero kumbaga, masaya ako sa alam ko, pagdating ng araw, na marami pa rin akong opportunities na makakamit.

“Kasi, andun lang ako sa gitna. Character actress lang tayo, puwedeng mag-bold.

“Puwedeng mag-zombie, puwedeng magdrama. Ha! Ha! Ha! Ha! Puwedeng mag-bold?! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagmumuwestra ni Kakai.

LUCKY GEMS

Nagpakumbaba si Thou Reyes sa sinasabing lucky gems sila ni Kakai ng mga TV show.

Continue reading below ↓

thou reyes

“We just work hard talaga, me and Kakai from the other shows, First Yaya and First Lady,” pagmamatuwid ni Thou.

“Ahhm, talagang sineseryoso namin yung trabaho namin, we’re focused. And kung ano po yung hinihiling ng direktor, just like what we’re doing here sa Oh My Korona.

“Ahhm, it’s a collaborative work because that’s comedy. Comedy is reacting and masaya lang po talaga, good vibes kaming lahat na cast members.

Continue reading below ↓

“And even the production people, sina Direk [Ricky Victoria], they’re giving us the freedom to share, and kung ano yung puwede pa naming maidagdag dun sa isang eksena.

“Kaya masaya talaga at makikita po ninyo yun. Sa pilot episode namin, mararamdaman ninyo po yun.

“At sana, maramdaman nyo rin yung saya na naramdaman namin while we’re taping this show.

“Regarding laos naman po, pag sinabihan ang isang artista na laos… e di OK. Huwag na nating baguhin yung paniniwala ng ibang tao.

“Basta ang importante po, nakakatulog kayo nang maayos, ginagawa ho nyo nang tama ang trabaho nyo. Wala kayong inaapakan.

“Then you are a good person. And if you’re doing your job well, then you’re a good actor.”

Ang Oh My Korona na pinagbibidahan ni Maja Salvador ay mag-uumpisa sa Agosto 6, Sabado ng 7:30 p.m. sa TV5.

Maliban kina Kakai at Thou, co-stars dito ng Majestic Superstar sina Joey Marquez, RK Bagatsing, Queenay Mercado, Pooh, Christine Samson, Jessie Salvador, Jai Agpangan, at Guel Espina.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista: "Alam ko sa sarili ko na pagdating ng araw, humaba man, tumanda man ako, kumulubot man ang mukha ko, hindi ako mawawalan ng trabaho! Kasi, andun lang ako sa gitna, e. Character lang ako. Puwede mo akong ilagay dito, kahit saan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results