ABS-CBN, TV5 "35/65" joint venture "in closing stages," says Manny Pangilinan

by Arniel C. Serato
4 days ago
ABS-CBN, TV5 joint 35/65 venture
The reported joint venture of ABS-CBN and TV5 is in "closing stages" now according to Manny Pangilinan, chairman of MediaQuest, the parent company of TV5.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN / TV5 on Facebook

Malapit nang magpirmahan ang magkabilang kampo kaugnay sa nilulutong ABS-CBN at TV5 joint venture, ayon sa negosyanteng si Manny Pangilinan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN Online, sinabi raw ito ng business tycoon sa PLDT financial briefing kahapon, August 4.

Saad niya, "It's fair to characterize that we're at the closing stages. I think the likelihood of an agreement with them is high and it's near.”

Taliwas sa mga unang naiulat na 50/50 partnership, sinabi ni Pangillinan na 35/65 na ito ngayon kung saan mag-i-invest ang ABS-CBN sa TV5.

Ayon sa plano, ang ABS-CBN Holdings ay mamumuhunan ng 35% samantalang ang nalalabing 65% ay mula naman sa MediaQuest ni Pangilinan.

Dagdag pa ni Pangilinan, "The model we are working on is, it will be a joint venture between TV5, using the platform of TV5 as the free-to-air broadcast platform of both TV5 and PLDT Group and the ABS-CBN group.

"We are not acquiring ABS-CBN. We are not acquiring any shares in ABS, instead they will be investing in TV5.”

Continue reading below ↓

Read: ABS-CBN reportedly inking 50/50 partnership with Manny Pangilinan’s MediaQuest

Ilang buwan na ang usap-usapan sa pagsasanib-puwersa ng dalawang malaking TV stations sa bansa.

At kapag plantsado na ang plano, baka raw nitong buwan o sa Setyembre na ang kanilang primahan.

May mga isinaalang-alang din daw silang mga probisyon sa Bayanihan 2 law.

Sabi pa niya, "We do have to get board approval as soon as we can. Sometime August definitely, maybe in the next 2 week, 3 weeks.”

Hindi naman na raw kailangan pa ang approval ng Philippine Competition Commission at National Telecommunications Commission.

Namaalam sa free-TV ang ABS-CBN noong May 2020 matapos mapaso ang legislative franchise nito.

Simula noon, nakipagsanib-puwersa na ito sa iba’t ibang kumpanya para mag-produce ng mga programa sa telebisyon kabilang na ang Brightlight Productions, Cornerstone Entertainment, at VIVA Communications, Inc.

Umeere na rin ang ilang programa nito bilang blocktimer sa A2Z at TV5.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The reported joint venture of ABS-CBN and TV5 is in "closing stages" now according to Manny Pangilinan, chairman of MediaQuest, the parent company of TV5.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN / TV5 on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results