LJ Ramos sticking to screen name even if it sounds like LJ Reyes

by Rommel Gonzales
3 days ago
LJ Ramos
LJ Ramos admits turning down sexy roles to focus on more challenging drama roles.
PHOTO/S: courtesy of LJ Ramos

Katunog man ng pangalan ng aktres at StarStruck avenger na si LJ Reyes, hindi na inisip ng female star na si LJ Ramos at ng manager niyang si Rams David na palitan ang screen name niya, tutal nasa Amerika naman si LJ [Reyes].

“We thought about it a week before nag-sign siya.

"Yun din ang naisip namin although wala na nga si LJ Reyes, ‘coz I think she would like to stay as a mother and quit showbiz sa tingin ko.

“So I think it’s high time to have a fresh LJ, a new one,” umpisang pahayag ni Rams.

LJ Ramos with manager Rams David

Continue reading below ↓

May kakaibang acting stint kamakailan si LJ at ito ay ang pag-portray bilang young Sara Duterte, ang kasalukuyang Bise-Presidente ng Pilipinas.

Pag-amin ni LJ, “Actually, nakaka-overwhelm po talaga dahil po kahit saan po ako pumunta, iyon po ang nakikita nila, akala po nila pamangkin or relative ko po si VP Sara.”

Gumanap si LJ bilang Sara sa Baby M episodes ng VinCentiments series ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Kuwento niya, “On the spot din po yun. And then nung nag-rally po si Senator Imee Marcos, kasama niya po ako, sa Iloilo and then sa San Juan po, ako po nagre-represent kay VP Sara po.”

LJ Ramos, Sara Duterte

Continue reading below ↓

May advantage at disadvantage ba na maging kamukha ni VP Sara?

Saad niya, “Advantage po para sa akin po, dahil po since sila po nangunguna sa survey that time, and wala naman pong... para sa akin po kasi, nasa puso ko din po talaga na iyon po yung bobotohin ko.”

Nanguna sa survey and eventually ay nanalo sa eleksyon sina Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Sara sa May 2022 election bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Pagpapatuloy niya, “And then before po ako kunin, tinanong din po ako pero wala naman daw pong malisya para sa kanila na kung sino yung President ko, sabi ko po Bongbong po ako pero wala pa po akong idea nung time na yun kung ano yung project na ibibigay sa akin.

“'Tapos, sabi po sa akin nung time na yun, ‘Iyon,’ sabi po nila. Sabi, ‘Bakit, anong project po iyan?’

“Sabi niya as young Sara daw po. Then nung nakita po ako ni Direk Darryl po, since nag-uusap sila ni VP Sara po and Senator Imee iyon po, natuwa po kasi may resemblance daw po sa kanya nung bata siya.”

Continue reading below ↓

Gumanap sa naturang VinCentiments series si PJ Rosario bilang Baby M (o BBM) at si LJ ay si Daughter Te (for Duterte).

Sa kasalukuyan ay may mga film offers kay LJ pero mga sexy roles.

Ayon sa magandang female star, “Pero ngayon po hindi ko po talaga kaya.

"Actually, may offer na po sa akin dati na three movies pero sexy ang role, tinanggihan ko po.

“Nag-pray po ako talaga na sana magkaroon po ako ng opportunity na wholesome, and iyon po, dumating yung VinCentiments.”

Ayon naman kay Rams, “Napag-usapan na namin iyan and I think hindi ganun ang trajectory ng gusto naming career for her. Kasi hindi iyon yung gusto namin, at the same time she’s very religious also, she’s a Born-Again Christian."

Ang ilan sa mga naging exposure na ni LJ ay bilang talent Ang Panday 2 noong 2011, sa Amaya ni Marian Rivera sa GMA noong 2012 at sa The Wives of House No. 2 na isang Sari Sari Original series ng Cignal TV noong 2016 at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Dagdag ni LJ, “Nag-TV5 din po ako. Sa ABS din po dati pero as extra lang po. Nakapag-workshop din po ako dati sa Star Magic.”

Bakit siya nahinto sa pag-aartista?

Lahad niya, “Nagkaroon po kasi ako ng regular work kaya nag-lie low po ako sa showbiz industry.”

Nag-resign na si LJ sa kanyang trabaho sa isang casino upang mag-focus muli sa pag-aartista.

At early this year ay “na-rediscover” nga ni Rams si LJ at pinapirma bilang exclusive talent ng Artists Circle Talent Management Services.

Si Marian Rivera at Bea Alonzo ang mga iniidolo ni LJ na mga aktres bilang mas gusto niyang malinya sa drama.

Kapag mabigyan siya ng oportunidad na mapasama sa isang teleserye ni Marian o ni Bea ay magiging masaya raw si LJ.

Deklara niya, “Sobra po!”

Kung mabibigyan naman siya ng pagkakataon na maging bida sa isang teleserye, sino ang gusto niyang maging leading man?

“Si Paulo Avelino,” ang sagot ni LJ na pareho naming ikinatawa dahil si Paulo ang ama ng anak na lalaki ni LJ Reyes na si Aki.

Continue reading below ↓

“Pero before po kasi talagang gustung-gusto ko si Derek Ramsay, siya po kasi lagi ang napapanood ko sa TV.”

Dati ring ramp model si LJ.

May pelikula siyang gagawin sa direksyon ng kapatid ni Celso Ad Castillo na si John Ad Castillo, ang Umbag na kukunan sa Baler.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Ramos admits turning down sexy roles to focus on more challenging drama roles.
PHOTO/S: courtesy of LJ Ramos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results