Janine Gutierrez, Lovi Poe let sparks fly in new LGBTQ+ series

by Melba R. Llanera
Aug 6, 2022
Janine Gutierrez and Lovi Poe pair up in Sleep With Me
Janine Gutierrez on co-headlining queer series Sleep With Me opposite Lovi Poe: "I wanted to do a project like this dati pa. As in yung dati nga, I really wanted to do it pero di ako pinayagan. Ito, like perfect timing nga, and I'm so happy, wala akong kaba."
PHOTO/S: @janinegutierrez Instagram / Sleep With Me trailer

May chemistry sina Janine Gutierrez at Lovi Poe sa queer series na Sleep With Me.

Pareho silang miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community, pero bukod dito ay mayroon silang mga kapansanan.

Si Janine ay gumaganap na wheelchair-bound radio disc jockey, samantalang si Lovi ay may sleep disorder.

Ito ay sa ilalim na direksyon ni Sam Lee at co-produced ng Dreamscape Entertainment at Project 8 Projects. Mapapanood ito sa iWant TFC sa darating na August 15, 2022.

Paulit-ulit si Janine sa pagsasabi sa presscon proper ng Sleep With Me na idolo niya si Lovi Poe, at isang dream come true para sa kanya na makasama ito sa isang trabaho.

"Yes sobra, as in siya talaga yung nilu-look up ko nung nag-uumpisa akong mag-artista. Gusto ko yung diversity ng career niya na may teleserye, may indie, mayroong blockbusters. Yun talaga yung gusto kong ma-achieve ever since.

“Now, I'm so much happy this project brought us together kasi sino ang makaka-isip na sa LGBT series pa kami ipagpe-pair, di ba? I'm super excited."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya rin siya na sa wakas ay nagkatrabaho sila ng director na si Sam.

"Dati dapat magkaka-work kami ni Direk Sam pero di ko nagawa. Right now, I'm so happy, it's even a better role so sana mas madami talaga ang magustuhan yung movie," saad ni Janine.

Nagkaroon ng world premiere ang Sleep With Me sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles, kung saan nanalo ito ng Audience Award for Best Episodic.

Kung sa ibang bansa ay tanggap na ang mga queer series at movies, may kaba bang nararamdaman si Janine kung paano ito tatanggapin ng Filipino audience?

Sagot ni Janine, “Wala, sobrang wala akong kaba ‘cause I wanted to do a project like this dati pa. As in yung dati nga, I really wanted to do it pero di ako pinayagan.

“Ito, like perfect timing nga, and I'm so happy, wala akong kaba."

Ayon kay Janine, malapit sa loob niya ang LGBT community at patunay nito ay makailang-beses na siyang dumadalo sa gay pride events bilang pagsuporta rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobra , because I have a lot of friends and family… Like I've said, matagal ko ng barkada iyan [Direk Sam]. Palagi kaming nagpa-pride [gay pride events].

“And you'll see how different it is in the Philippines compared sa ibang bansa, sa Europa, sa America. Na malayong-malayo pa ang tatahakin ng Pilipinas para maabot ang ganung equality.

“I just want to be helpful in whatever way I can."

READ: What Janine Gutierrez finds endearing about Paulo Avelino

Bukod sa Sleep With Me, muling mapapanood si Janine sa series na Dirty Linen, na ayon sa aktres ay kakaiba naman sa mga papel na nagampanan niya.

"Oh my god, super excited. Magla-lock in na kami for Dirty Linen on August 15. Ang daming mga casts members na matagal ko nang pinapangarap na makatrabaho. As in pati sa script reading na-i-starstruck ako, sila Sir Joel Torre, everyone.

“Ang ganda ng kuwento, super exciting, iba naman siya, medyo may pagka-suspense. I'm excited to play another strong female character."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON GRANDMOTHER NORA AUNOR

Tinanghal ang lola ni Janine na si Nora Aunor bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.

Proud na proud naman si Janine sa bagong karangalan ng kanyang Mama Guy.

“Yeah, of course, kung mayroon namang deserving, si Mama Guy talaga yun, so talagang sine-celebrate yun ng buong pamilya.

“We'll always been proud of her, talaga namang natatangi siyang Superstar. I'm happy na na-recieve na rin niya yung recognition na yun as National Artist."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on co-headlining queer series Sleep With Me opposite Lovi Poe: "I wanted to do a project like this dati pa. As in yung dati nga, I really wanted to do it pero di ako pinayagan. Ito, like perfect timing nga, and I'm so happy, wala akong kaba."
PHOTO/S: @janinegutierrez Instagram / Sleep With Me trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results