Jane de Leon reacts to naysayers saying she doesn't deserve Darna role

by Melba R. Llanera
Aug 10, 2022
jane de leon darna presscon
Jane de Leon: "Una talaga sobrang apektado ako, nung nag-uumpisa ako sa Darna, hindi ko alam kung paano ko iha-handle. Kasi siyempre, from baguhang artista, sino ba ako? May mga questions din ako sa sarili ko."
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook

Inamin ni Jane de Leon na naapektuhan siya noong una ng mga negatibong komento mula nang ianunsiyo na siya ang gaganap na bida sa TV remake ng Pinay superhero na si Darna.

Iconic ang role na Darna kaya sinasabing masuwerte ang sinumang gaganap dito.

Ngunit gaya ng inaasahan, hindi lahat ay masaya nang malamang si Jane ang bagong Darna matapos hindi matuloy sina Angel Locsin at Liza Soberano sa binubuong proyekto ng ABS-CBN.

Read: ABS-CBN's Darna: Ten years in the making

May ilang netizens ang nagbibigay ng komento na "walang dating" si Jane bilang Darna at may ibang aktres na mas nababagay gumanap dito.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa Kapamilya actress sa grand presscon ng Darna, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, noong August 8, 2022, naghayag ng saloobin si Jane tungkol sa mga negatibong komento.

Pahayag niya, "Una talaga sobrang apektado ako, nung nag-uumpisa ako sa Darna, hindi ko alam kung paano ko iha-handle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi siyempre, from baguhang artista, sino ba ako? May mga questions din ako sa sarili ko.

"But slowly, with my family and friends, sinusuportahan nila ako. Kahit may isang tao lang na naniniwala sa akin, pinu-push ko ang sarili ko.

"With that, I believe naman may point din naman ang ating mga bashers na wala daw akong dating or what. Sa'n daw ba ako galing? Yun talaga ang una, sa'n daw ako galing?

"Hindi ko rin alam kung bakit ako ang napili. Basta ako, ibinigay ko lang ang best ko and nag-audition ako. Dumaan talaga ako sa proseso and pinaghirapan ko yun."

DARNA REPLACING ANG PROBINSYANO

Sa pagsisimula ng Darna sa Lunes, August 15, ay ang pagwawakas naman ng FPJ's Ang Probinsyano sa Biyernes, August 12.

Ang Darna ang papalit sa timeslot ng Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng halos pitong taon.

May matindi bang pressure sa parte ni Jane dahil ang Darna ang papalit sa timeslot ng action-drama series ni Coco Martin na consistent ang mataas na ratings?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, "Kinakabahan ako, normal namang kabahan. Excited din ako na ipakita sa buong Pilipinas at sa ating mga Filipino kung ano ang pinaghirapan namin sa Darna.

"Siyempre, hindi lang sa pisikal okay ka, e, dapat mentally, emotionally ready ka.

"Gina-guide naman ako ni Darwin, siya yung stunt director namin from Australia. Hangga't maaari, binabantayan yung kalusugan namin.

"Nakaka-pressure naman kasi kahit sinong arista na nagkakaroon ng show na mapalitan yung slot, at hindi ko naman in-expect na ako yung papalit dun. Hindi ko rin alam kung ano ang reaction ni Coco, but I'm so thankful and happy and ibibigay namin ang best namin. "

Kilala sa pagiging prangka at mahigpit sa set ang direktor ng Darna na si Chito Roño. Marami sa mga nadirek nitong mga artista ang nakaranas masigawan o mapagalitan ng beteranong direktor.

Ayon kay Jane, hindi naman niya naranasang mapagalitan ni Direk Chito.

"Actually, hindi naman niya ako halos napagalitan. Basta, yun nga, focus ka lang. Ayaw niya nga lang talaga ng tatanga-tanga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE COSTUME AND SHOUTING "DARNA!"

Sa presscon proper ay ilang ulit sinabing ang Darna ngayon ay ang new generation ng iconic Pinay superhero. Marami tuloy ang nag-aabang kung ano ang bagong mapapanood dito, kasama na rin ang inaabangang costume ng bagong Darna.

Ayon kay Jane, "Marami actually silang aabangan. Costumes, story kay Ding, malaking Ding, and sa story ni Narda and Darna.

"With the costume naman, still iconic pa rin siya. May mga kailangan lang baguhin kasi modern na. Yun lang muna, secret muna."

Dagdag niya, "Mahirap po talaga ang harness, kahit sino naman talaga mahihirapan kasi kailangan talaga yung core matibay and naba-balance mo kundi magkakaproblema ka sa lower back."

Boses ni Regine Velasquez ang ginamit sa pagsigaw ng "Darna!" ni Marian Rivera sa version ng GMA-7 noong 2009.

Sa Darna ng Kapamilya Channel, boses mismo ni Jane ang ginamit.

Lahad niya, "Yes, ako yung sumigaw nun, boses ko yun. Pinagpraktisan ko yun sa bahay pati sa banyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang tagal din kasi ang kasama ko lagi ay yung kapatid ko talaga. Sabi ko, 'Kuya, okay ba ang sigaw ko?'

"Tapos sinasabi niya sa akin kung maganda, kung kailangang babaan, kailangang taasan, tapos nag-record na ako.

"Gusto nila na ako ang sumigaw. Sabi ko kay Ate Reg [Regine] kanina... siyempre nakaka-pressure din kasi from Ate Regine Valasquez tapos biglang ako. Buti na lang nakuha ko siya from how many times ko na ginawa."

JANE'S LEADING MAN, JOSHUA GARCIA

Sa Darna, love interest ni Jane si Joshua Garcia.

Pag-amin ng aktres, may pagkailang silang naramdaman ni Joshua noong una pero ngayon ay kumportable na sila sa isa't isa.

"Nung una talaga medyo awkward kami, nangangapa kami sa isa't isa. Pero slowly, naman wino-work out namin yung friendship namin.

"Ang maganda dito, comfortable na kami sa isa't isa."

Patuloy ni Jane, "Bonding? Kulitan, ganyan, minsan ako yung makulit, minsan siya yung makulit. Pero mapang-asar kasi yung lalakeng yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dun nag-start yung pagiging comfortable namin sa isa't isa.

"Common interest, kami ni Josh, pareho kaming introvert. Parehas naming love ang craft, passion namin ang mga movies.

"Marami, e, sobrang hindi namin ine-expect na may mga traits kami na pareho sa isa't isa."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon: "Una talaga sobrang apektado ako, nung nag-uumpisa ako sa Darna, hindi ko alam kung paano ko iha-handle. Kasi siyempre, from baguhang artista, sino ba ako? May mga questions din ako sa sarili ko."
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results