#CancelTropangLOL trends on Twitter after Super Junior fans call out noontime show for "insensitive" jokes

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 11, 2022
CANCEL TROPANG LOL
#CancellTropangLOL and comedian-actor Pooh trend on Twitter for what the fans consider insensitive remarks about K-pop boy group Super Junior.

Number one trending topic sa Twitter Philippines ngayong Huwebes, August 11, 2022, ang #CancelTropangLOL at ang komedyanteng si Pooh.

tropang lol trend

Ito ay matapos palagan ng fans ng K-pop boy group na Super Junior ang "insensitive" umanong tanong at biruan sa "Maritest" segment ng TV5 noontime show.

Lalo pa’t kamamatay lang daw ng tatay ng isa sa mga miyembro ng grupo si Eunhyuk, na naging dahilan ng pagka-postpone ng concert tour ng Super Junior sa Pilipinas kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Father of Super Junior member Eunhyuk passes away

Nitong Huwebes, si Pooh ang guest sa segment na "Marites."

Isa sa tanong ng host na si Alex Gonzaga kay Pooh ay may kinalaman sa Super Junior.

Tanong niya: “Sa concert scene sa Pilipinas, aling K-pop group ang nag-cancel ng show recently dahil ang tatay ng isa sa member ay pumanaw?”

Pag-amin ni Pooh, hindi siya mahilig sa K-pop kung kaya’t hindi niya alam kung ano ang tamang sagot.

Humingi siya ng tulong sa iba pang hosts ng show. Ayon sa kanila, ang boy group na Super Junior ang dapat piliin ni Pooh.

Nakumbinsi naman ang komedyante at pinili nitong isagot ang Super Junior.

Bago sabihin ni Alex ang tamang sagot ay nagawa pang magbiro ng co-host ng show na si Wacky Kiray.

Aniya, “Mahilig pa naman si Pooh sa mga Super Junior.”

Nagbiro naman si Pooh nang sagutin nito si Alex tungkol sa “cancelled” concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Alex, “Ang tatay kasi ng member na si EunHyuk ay namatay kaya kinansel muna nila, which is understandable. Pero sana ibalik pa rin nila, siguro ia-announce na lang nila yun anytime.”

Sagot ni Pooh, “Akala ko, which is understandable sana binuhay na ulit.”

NETIZENS REACT

Maraming netizens, partikular na ang fans ng Super Junior, ang hindi natuwa at tila nabastusan sa naging tanong at biruan sa Tropang LOL.

Anila, hindi katanggap-tanggap ang naging pahayag ng mga host, maging ni Pooh, lalo na’t nagluluksa pa rin hanggang ngayon ang buong Super Junior fandom sa pagkamatay ng ama ni Eunhyuk.

Narito ang ilang tweets ng fans:

CANCEL TROPANG LOL

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CANCEL TROPANG LOL

CANCEL TROPANG LOL


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CANCEL TROPANG LOL

Naglabas din ng pagkadismaya ang K-pop concert producer na si Happee Sy- Go.

Ayon sa kanya, ang nangyari sa Super Junior at sa fans nito kamakailan ay maaaring hindi maintindihan ng karamihan.

Hindi man daw nila mismong kapamilya ang nawala ngunit malaking epekto sa fans ang pagdadalamhati ng kanilang iniidolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanawagan din siya ng pagrespeto sa nararamdam ng buong fandom at nilinaw na "postponed" lang at hindi "cancelled" ang concert ng boy group sa Pilipinas.

CANCEL TROPANG LOL

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
#CancellTropangLOL and comedian-actor Pooh trend on Twitter for what the fans consider insensitive remarks about K-pop boy group Super Junior.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results