John Arcilla alarmed by "death threats" he receives as FPJ’s Ang Probinsyano comes to an end

by Arniel C. Serato
Aug 12, 2022
John Arcilla "alarmed" by multiple death threats
John Arcilla: "Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang personalan. Sana naman joke-jokan lang yan."
PHOTO/S: Courtesy: Ang Probinsyano on YouTube

Ngayong Biyernes ng gabi, August 12, 2022, ipalalabas na ang huling episode ng FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN matapos ang halos pitong taon sa ere.

Read: Coco Martin announces last three weeks of FPJ's Ang Probinsyano

Pero hanggang sa kahuli-hulihang episode ng longest-running primetime series to date ng Kapamilya Channel, gigil na gigil pa rin ang viewers nito sa pangunahing kontrabida ng teleserye na si John Arcilla.

Si John ang gumaganap sa karakter ni Renato "Buwitre" Hipolito, ang mortal na kalaban ng bidang si Cardo Dalisay na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Ngayong araw, ibinahagi ni John ang mga “banta” sa buhay na kanyang natanggap dahil sa epektibo niyang pagganap sa palabas.

Lahat ng mga naipadala sa kanyang mensahe ay nagbabantang papatayin siya. Ang ilan ay minumura pa siya.

Mukhang naalarma na rin si John sa mga mensaheng ito. Kaya pakiusap niya sa mga tagahanga ng Ang Probinsyano, trabaho lamang at walang personalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng award-winning actor sa unang post niya sa Instagram (published as is): “Dumadami nanaman fans ko at personal message pa [slightly smiling face emoji]

“Pero nakaka bother din [slightly smiling face emoji] Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan.

"Pagbantaan po ninyo si Hipolito huwag po ako. Kasi parang mejo hindi nakakatawa yon diba? Peace po.”

Sa ikalawa niyang post, ibinahagi ni John ang iba pang mensaheng hindi masisikmura ng tao kung ito ay sa totoong buhay nangyayari.

Dasal niya, hindi raw sana seryoso ang mga naturang banta.

Kailangan daw niya itong i-post dahil baka may mga taong mapaliwanagan ang viewers na bahagi lamang ito ng kuwento sa serye at hindi naman sa totoong buhay.

Buong post niya, “Sana Hindi ka Seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Kung nagagalit kayo kay Hipolito, undersrandable pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality.

“Ang moral lesson po dito ay dapat talaga walang WAR, dahil kung itong fiction lang ay nasasaktan tayong lahat lalo na sa totoong buhay.

“Sabi nga Walang nananalo sa giyera. Bawat kampo ay may kanya kanyang mga kapatid anak asawa at magulang.”

Noong July 22, si Coco mismo ang nag-anunsiyo na magtatapos na ang pinagbibidahang teleserye.

Papalitan ito ng Mars Ravelo's Darna, na magsisimulang umere sa Lunes, August 15.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla: "Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang personalan. Sana naman joke-jokan lang yan."
PHOTO/S: Courtesy: Ang Probinsyano on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results