Bryce Eusebio admits crush on Sofia Pablo, Bianca Umali

by Rommel Gonzales
Aug 13, 2022
Bryce Eusebio for Magpakailanman
Bruce Eusebio's latest role in Magpakailanman is "pasaway na anak" of Lara Quigaman and Neil Ryan Sese, the lead stars of "Nabulag Na Ilaw ng Tahanan: The Jane and Jes Orlino Story" episode.
PHOTO/S: PR; @Bryce_eusebio on Instagram

Masasabing suki na ng Magpakailanman si Bryce Eusebio.

Ang dating child star ay halos 10 years na ring nagtatrabaho sa telebsiyon, at bale naka-10 episodes na rin siya sa drama anthology ng GMA-7.

"Medyo madami na po akong nagawa sa MPK, hindi ko na po din mabilang kaya sobra ko pong saya at blessed kasi malaki ang tiwala sakin ng MPK."

Sa episode na ipapalabas ngayong Sabado, 8:15 ng gabi, August 13, 2022, ay gaganap ang Sparkle male star bilang si Ace.

Pinamagatang "Nabulag Na Ilaw ng Tahanan: The Jane and Jes Orlino Story," bida dito si Lara Quigaman as Jane kasama sina Neil Ryan Sese as Jesus, Clarence Delgado as Gerald, Rosemarie Sarita as Nanay Nita at si Bryce bilang si Ace.

Kuwento ni Bryce tungkol sa kanyang role, “Ako po ang anak ni Ms. Lara Quigaman at Sir Ryan Sese.

"Medyo isa po akong pasaway na anak na sa huli ay babait dahil naawa po ako sa kalagayan ng aking ina na nawalan ng paningin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang episode ay sa direksiyon ni Mark Dela Cruz, sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Karen Lustica.

Nitong nakaraang linggo lamang ay nasa Wish Ko Lang ang 16-year-old actor kasama si Bianca Umali. Tila busy siya parati sa trabaho.

Aniya, “I’m very thankful sa GMA at palagi pa din po nila ako pinagkakatiwalaan hanggang ngayon…kaya sa lahat ng binibigay nila ay itinuturing ko pong blessing lahat.

"Mas nasusubukan ko po ang iba’t-ibang roles at napapasaya ko po ang ang mga supporters ko.”

Bukod sa Magpakailanman ay may mga latest projects pa si Bryce sa GMA.

“Malapit na po akong mag-lock in para sa Nakarehas Na Puso at kakaibang role naman po kaya nakaka- excite.”

Kasama sa cast ng binanggit na serye ni Bryce ay sina Claire Castro, Althea Ablan, Bruce Roeland, Vaness del Moral, at Jean Garcia.

SHOWBIZ CRUSHES

Sa pagiging Sparkle artist niya, "masayang- masaya po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng binatilyo, "Gusto ko pa po mas maipakita na hindi sayang ang pagtitiwala nila sa akin kaya mas huhusayan ko po.”

Sino naman ang crush ni Bryce sa GMA?

”Si Bianca Umali po at si Sofia Pablo."

Kapag pinapili siya ng GMA ng leading lady in the future, sino sa dalawa ang pipiliin niya at bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit sino po sa tingin nila na babagay sa kuwento at role po.”

Bryce Eusebio and Sofia Pablo

MAKING HIMSELF PRODUCTIVE DURING PANDEMIC

Paano siya nakaka-adjust sa trabaho sa panahon ng pandemya? Hindi ba siya nakaranas ng anxiety or depression?

”Hindi naman po kasi ginawa ko pong productive ang pandemic tulad ng pag-aaral, pagiging active sa social media tulad ng Tiktok. Ha!Ha!Ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At binigyan kami ng kapatid ko ni mama ng poodle na dog kaya talagang naging masaya din po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Bryce sa pamamagitan ng email.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bruce Eusebio's latest role in Magpakailanman is "pasaway na anak" of Lara Quigaman and Neil Ryan Sese, the lead stars of "Nabulag Na Ilaw ng Tahanan: The Jane and Jes Orlino Story" episode.
PHOTO/S: PR; @Bryce_eusebio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results