Ngayong opisyal na ang investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, inaasahang mapapadalas na ang pagkikita-kita ng mga talent, empleyado, at mga personalidad sa likod at harap ng kamera ng dalawang istasyon.
Read: TV5 and ABS-CBN landmark deal is now official
Gaya na lamang ni Korina Sanchez, na nakitang muli ang mga dating kasamahan sa ABS-CBN na sina Julius Babao at Cheryl Cosim sa Cignal building na pagmamay-ari ng MediaQuest, ang parent company ng TV5.
Ipinost ni Korina sa Instagram ang larawan niya kasama sina Julius at Cheryl.
Sa caption, sinabi ng veteran broadcaster na tila nagkalat sa iba’t ibang mga kumpanya ang mga dating kasamahan.
Ito raw ay dahil sa kahusayang naipundar nila sa ilang taong pagsasanay at serbisyo sa istasyon.
Deklarasyon pa ni Korina, hindi pa rin nauungusan ang mga nakamit ng "number one network" hanggang ngayon.
Buong caption niya, “Seems everywhere I turn there’s gotta be a former colleague from ABSCBN who, since dispersion like myself, is standing firm for other platforms.
“Such is the training from three decades in the Number One network that [grew] from ground up to heights never before reached. Never, even now.
“Madami kaming mga gyera na pinagdaanan. Natira ang matibay.
“So happy to have bumped into anchors Julius Babao and Cheryl Cosim as well as makeup artist Marley Aquino at the CIGNAL studios!"
View this post on Instagram
Si Cheryl ay may post din ukol sa pagkikita nila nina Korina at Julius.
Sabi niya, “Happy Monday mga Kapatid-Kapamilya. Korina Sanchez - Roxas Julius Babao Mary Michelle Marley Mordido Aquino”
View this post on Instagram
Taong 2010 nang lisanin ni Cheryl ang ABS-CBN, samantalang halos magkasunod sina Korina at Julius na umalis sa istasyon matapos itong mawalan ng legislative franchise noong 2020.
Naging opisyal ang partnership deal ng TV5 at ng ABS-CBN sa pagselyo ng magkabilang kampo ng kanilang kasunduan na naganap sa TV5 headquarters sa Mandaluyong City noong August 10, 2022.
Nakasaad sa kasunduang nilagdaan ng magkabilang-panig na makakakuha ang ABS-CBN ng 34.99 shares ng TV5, at madaragdagan o mas marami na ang mga programa ng Kapamilya Network na ipalalabas at mapapanood sa Kapatid Network.
Namuhunan na rin ang MediaQuest sa SkyCable, ang pay television at broadband arm ng ABS-CBN.
Samantala, bubusisiin daw ng National Telecommunications Commission (NTC) at iba pang ahensiya ng gobyerno ang landmark deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.
Read: NTC, other government agencies to scrutinize ABS-CBN and TV5 landmark deal