Watch Now

“Dream team”: TV5-ABS-CBN partnership benefits the viewing public, says Senator Raffy Tulfo

by Arniel C. Serato
Aug 18, 2022
Senator Raffy Tulfo lauds "dream team" partnership of TV5 and ABS-CBN
Veteran broadcaster and Senator Raffy Tulfo on TV5 and ABS-CBN partnership: "The best of two worlds joining together at ang end result, dream team. At sino makikinabang dito? The viewing public."
PHOTO/S: Courtesy: Raffy Tulfo / ABS-CBN News on Facebook

Ikinatuwa ng mambabatas at beteranong broadcaster na si Raffy Tulfo ang joint venture ng dalawang broadcast giants sa bansa: ang ABS-CBN at TV5.

Read: TV5 and ABS-CBN landmark deal is now official

Si Tulfo ay kasalukuyang may programa sa TV5 na Wanted sa Radyo. Dati rin siyang main anchor ng primetime newscast ng Kapatid Network na Frontline Pilipinas bago siya tumakbo at nanalong senador.

Sa panayam ni Karen Davila para sa programang Headstart kahapon, August 17, 2022, inihayag ni Senator Tulfo ang kasiyahan dahil ang makikinabang daw sa partnership ng ABS-CBN at TV5 ay ang publiko.

Malaki raw kasi ang potensiyal sa pagsasanib ng dalawa sa usapin ng entertainment at balita.

Sambit ni Tulfo, “The best of two worlds joining together at ang end result, dream team. At sino makikinabang dito? The viewing public.

“Makikinabang yung viewing public kasi dalawang higante, nagsanib-puwersa.

“ABS-CBN, marami silang mga contents na maibibigay when it comes to entertainment, news, and public affairs, etc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The same with TV5, marami rin silang magagaling pagdating sa reports, mga shows, at maayos ang signal.

“At kung mag-joint forces 'yan, ang makikinabang talaga ay ang viewing public, yung taong-bayan.”

Wala raw siyang nakikitang mali sa partnership ng dalawang istasyon.

Bilang dating nagtatrabaho sa TV, alam daw niya kahit papaano ang kalakaran dito.

Saad ni Tulfo, “Sa ngayon, wala akong nakikita. So, again, I have to study that, I have to ask questions from the experts, tingnan kung meron bang violation.

"Kung merong violation, then it's a different story, it's a different ballgame.

“Pero kung wala tayong makikitang mali at okay lang yung merger ng ABS-CBN at TV5, so let it be.

"I, for one, will support that and I'm talking based on me being a former broadcaster na alam ko yung takbo at kalakaran sa media."

Nagsabi ang National Telecommunications Commission (NTC) na gagawa sila ng imbestigasyon, kasama ang iba pang government agencies, sa partnership deal ng TV5 at ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: NTC, other government agencies to scrutinize ABS-CBN and TV5 landmark deal

Naging opisyal ang usapan ng dalawang kumpanya na mamumuhunan ang ABS-CBN sa TV5 nito lamang August 10, 2022.

Marami ang nakaabang sa panibagong yugto na ito ng television industry sa bansa.

Read: ABS-CBN-TV5 deal, exciting development sa TV industry

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran broadcaster and Senator Raffy Tulfo on TV5 and ABS-CBN partnership: "The best of two worlds joining together at ang end result, dream team. At sino makikinabang dito? The viewing public."
PHOTO/S: Courtesy: Raffy Tulfo / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results