Watch Now

FIRST LOOK: Julie Anne San Jose as Maria Clara in "Maria Clara at Ibarra" series

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 18, 2022
Julie Ann San Jose
Julie Anne San Jose plays Maria Clara in the upcoming Kapuso historical portal fantasy "Maria Clara at Ibarra."

May patikim ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa kanyang mga tagasuporta kaugnay ng role niya bilang Maria Clara sa upcoming historical portal fantasy ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra.

Sa kanyang Instagram post noong August 16, 2022, makikita ang ilang kuhang larawan ni Julie Anne mula sa kanilang lock-in taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ng isa sa kanyang fan account ang larawan ni Julie Anne behind-the-scene habang nakaupo at nakasuot ng kamiseta.

Caption ng fan account: "First look sa ating #MariaClara"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Maria Clara at Ibarra ay upcoming drama series ng GMA-7, kung saan tampok ang kakaibang paglalahad sa libro na Noli Me Tangere na akda ng ating Pambansang Bayani na si Jose P. Rizal.

Sisimulan ito ng kuwento ni Klay, isang nursing student na gustung-gusto nang magtrabaho sa ibang bansa. Ngunit magigising na lamang siya isang araw na nasa mundo na siya ng Noli Me Tangere.

Si Julie Anne ay gaganap bilang Maria Clara.

Si Dennis Trillo ang gaganap bilang Crisostomo Ibarra, at Barbie Forteza bilang Maria Clara mula sa kasalukuyang panahon.

Read: Dennis Trillo, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose bibida sa historical fantasy na Maria Clara at Ibarra

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose plays Maria Clara in the upcoming Kapuso historical portal fantasy "Maria Clara at Ibarra."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results