Watch Now

Vilma Santos defends Darna star Jane de Leon from bashers

by Melba R. Llanera
Aug 24, 2022
Vilma Santos, Jane de Leon
Vilma Santos appeals to netizens bashing Jane de Leon: "Sa mga newcomers na nagta-try ng best nila, subukan naman po nating suportahan. Huwag naman sa umpisa pa lang sisirain na natin yung mood ng artista, huwag naman. Bigyan naman natin ng chance yung iba."
PHOTO/S: Vilma Santos Facebook / @imjanedeleon Instagram

May payo ang Star For All Seasons na si Vilma Santos, 68, kay Jane de Leon, 23, na nakatatanggap ngayon ng masasakit na komento mula sa bashers.

Si Vilma ay gumanap bilang iconic Pinay superhero na si Darna sa apat na pelikula: Lipad, Darna, Lipad (1973), Darna and the Giants (1973), Darna vs the Planet Women (1975), at Darna at Ding (1980).

Si Jane ang gumaganap ngayon bilang Darna sa TV remake ng Kapamilya Channel, ang Mars Ravelo's Darna.

May ilang nagsasabing "walang dating" si Jane bilang Darna, at mas marami raw mga Kapamilya actress ang mas karapat-dapat sa nasabing role.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vilma via Zoom noong August 20, 2022, ipinagtanggol nito ang Darna ng makabagong panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Alam mo kasi, ang mahirap lang ngayon usung-uso ang bashing, di ba? Parang sa ngayon, wala ka nang ginagawang maganda.

“O kung mayroon ka mang gawing maganda, damned if you do, damned if you don't. The best thing is just to do your best, prove them wrong, yun ang pinakamaganda.

“Basta alam mo, as long as na ginawa mo ang best mo. Huwag ka dun mag-focus sa negative, mag-focus ka sa sarili mo kung ano pa ang kaya mong gawin.”

Gamitin daw ni Jane na motivation ang bashers para ipakita ang kanyang talento.

Patuloy ng Star For All Seasons, “I truly believe mas marami ang naniniwala sa iyo kaysa sa hindi, so focus sa mga naniniwala sa iyo at dun sa hindi.

“Prove them wrong, di ba? Ganun lang yun, expect mga negative comments.

“But, I guess, the most important thing is do your best. Kapag nagawa mo yun para sa sarili mo, maa-absorb yun ng mga audience mo na nagmamahal sa iyo at naniniwala sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pakiusap din si Vilma sa netizens na sana ay huwag puro negatibo ang komento sa mga baguhang artista tulad ni Jane.

“Dun sa mga kababayan natin, huwag naman. Sa mga newcomers na nagta-try ng best nila, subukan naman po nating suportahan.

“Huwag naman sa umpisa pa lang sisirain na natin yung mood ng artista, huwag naman. Bigyan naman natin ng chance yung iba.

“The way I see si Jane, mukhang desidido din naman siya, so let's give her a chance. Kaya niya yun.”

VILMA CONGRATULATES TEAM BEHIND ABS-CBN'S DARNA REMAKE

Naikuwento rin ng respetadong aktres na napapanood niya ang Darna sa Kapamilya Channel, mula sa simula ng show kunsaan may special appearance si Iza Calzado bilang unang Darna hanggang sa unang transformation ni Jane bilang Darna.

“Yes, si Iza Calzado saludo ako sa kanya, ang ganda-ganda niyang Darna at mukha siyang Darna talaga. Congrats, Iza!

“Si Jane, napanood ko siya, she was okay, bagay sa kanya yung costume. Pero masyadong mabilis lang yung kagabi, marami pa iyan. Huwag natin siyang husgahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unang-una, I think bagay naman siya sa costume, yung personalidad, strong naman for a heroine. Bigyan naman natin ng chance.

“Mahaba pa iyan, marami pa siyang ipapakita At least, she's very fine last night, okay siya, bagay sa kanya yung costume.

Dagdag pa ni Vilma, "Of course, the whole staff, the directors, the technical directors, Direk Chito Roño, my friend, congratulations! Ang ganda!

“First episode ang tawag dun, yung first day nung Monday, talagang di mabagal yung dating kung paano maging Darna, talagang pinakita nila na si Darna na, lilipad na at lalaban na.

"Ang galing nun at hanga ako dun."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos appeals to netizens bashing Jane de Leon: "Sa mga newcomers na nagta-try ng best nila, subukan naman po nating suportahan. Huwag naman sa umpisa pa lang sisirain na natin yung mood ng artista, huwag naman. Bigyan naman natin ng chance yung iba."
PHOTO/S: Vilma Santos Facebook / @imjanedeleon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results