Watch Now

Glaiza De Castro reveals "emotional" last day of taping Running Man PH in South Korea

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 29, 2022
Glaiza De Castro Running Man Philippines
Glaiza De Castro: "Ang saya mapasama dito. I'm very blessed and grateful...Dito natutunan kong maging outspoken, mas maging palaban. May wall kasi talaga ako pero dito mas nag let go ako sa walls na yon, mas naging open ako to listen, to share yung mga personal experiences ko."

"Once-in-a-lifetime opportunity," ganito ilarawan ni Glaiza De Castro ang kanyang karanasan sa Running Man Philippines.

Read: Running Man PH unveils official trailer showing exciting challenges

Sa ginanap na mediacon ng Running Man PH noong Sabado, August 27, 2022, lubos-lubos ang pasasalamat ng aktres sa GMA-7 dahil napasama siya sa original cast ng Pinoy version ng sikat na variety show sa South Korea.

Saad ni Glaiza, "Never kong na-imagine na makakapagtrabaho ako sa South Korea at makakapag-collaborate ang GMA and SBS [Seoul Broadcasting System]."

Binalikan din ng aktres kung paano sila unang nagkita-kita ng mga cast members hanggang sa pumunta sila sa Seoul, kung saan ginanap ang buong taping ng Running Man PH.

Kuwento niya, "Parang kailan lang po nung nagkita-kita kami, hindi pa namin alam yung kakaharapin namin. All Out Sundays iyon ni-launch kami bilang cast ng Running Man Philippines.

"Siyempre excited kami nung mga panahon na iyon pero nung time na nagpunta na kami ng Korea, parang sabi namin 'eto na talaga'.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May kaba na...kasi though familiar kami sa show, nanood kami ng Running Man [Korea] and na-explain naman sa amin yung mga gagawin po namin. Pero nung ginagawa na namin, hindi namin in-expect na ganon yung kakalabasan.

"Excited kami to show our different side sa audience. Ang saya mapasama dito.. I'm very blessed and grateful."

GLAIZA'S UNFORGETABLE EXPERIENCE

Kaya noong natapos ang taping, nagkaiyakan daw silang magkakasama sa trabaho.

"Yung last day [namin] hindi ko talaga makalimutan kasi bukambibig ko siya sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. After ng Running Man [taping], yung mga nangyari siguro parang sinemento lang din yung last day iyong nabuong bonding namin, nabuong friendship, nabuong family.

"Emotional talaga kami na parang yung mga Koreans nagtataka na 'bakit sila umiiyak?'

"Siyempre yung Running Man is known for comedy and good vibes, pero siyempre mami-miss kasi namin iyon."

Dagdag pa niya, "Ayon yung isa rin sa tumatak sa akin, hindi na siya mare-replicate, kasi nga once-in-a-lifetime opportunity lang siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Glaiza na hindi siya yung madaling mag-warm up sa tao, ngunit dahil sa nabuo nilang samahan sa set ay nabawasan ang kanyang inhibitions.

Lahad niya, "Dito natutunan kong maging outspoken, mas maging palaban. May wall kasi talaga ako, pero dito mas nag-let go ako sa walls na iyon, mas naging open ako to listen, to share yung mga personal experiences ko. Kasi ganon nga yung naging trato namin sa isa't isa...parang pamilya."

Sina Ruru Madrid, Mikael Daez, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Buboy Villar ang iba pang kasama ni Glaiza sa Running Man Philippines na mapapanood na sa September 3, 2022, 7:15 PM sa GMA-7.

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza De Castro: "Ang saya mapasama dito. I'm very blessed and grateful...Dito natutunan kong maging outspoken, mas maging palaban. May wall kasi talaga ako pero dito mas nag let go ako sa walls na yon, mas naging open ako to listen, to share yung mga personal experiences ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results