Watch Now

Lianne Valentin reveals Direk Laurice Guillen's line when her acting is below par

by Rommel Gonzales
Sep 3, 2022
Lianne Valentin as Stella in Apoy Sa Langit
Lianne Valentin on working with Laurice Guillen (not in photo) in Apoy Sa Langit: "Pumasok ako sa lock-in taping nang kabado...may mga doubts ako sa sarili ko. Pero lumabas ako ng lock-in taping na empowered!"
PHOTO/S: PR

"Ah iyan ba yun?"

Ayon kay Lianne Valentin, ito raw ang madalas na linya ni Direk Laurice Guillen kapag kinukulang siya ng binibigay na emosyon para sa eksena.

Ang 21-year-old star ang gumaganap na Stella, mistress ng karakter ni Zoren Legaspi, sa GMA-7 series na Apoy Sa Langit

At kapag nahihirapan naman daw siya, ang "push" ng batikang direktor ay, "Kaya mo iyan."

Kaya naman nang tanungin siya kung sino ang mami-miss sa serye, si Direk Laurice ang isinagot ni Liane.

Panimula niya during the recent Zoom mediacon, "Ang hirap naman kung sino! Puwede bang, parang lahat naman ata mami-miss ko kasi iba yung experience talaga.

“Masasabi ko, mami-miss ko lahat,” at tumawa si Lianne.

Dugtong niya, “Hindi, sa akin, isa sa mga mami-miss ko, si Direk Laurice actually. Nahihiya ako, Direk!

“But, ewan ko, pero kasi yung presence kasi ni Direk, I mean, mas lalo kasi akong na-motivate talaga nung pumasok sa lock-in taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pumasok ako sa lock-in taping nang kabado, hindi ko alam kung ano’ng mangyayari, may mga doubts ako sa sarili ko.

"Pero lumabas ako ng lock-in taping na empowered!

"Iyon yung kumbaga takeaway ko din, I mean during taping namin."

Marami raw siyang natutunan sa direktor, kaya yung portrayal niya bilang kabit ay umani ang atensiyon sa social media.

Dagdag ng dalaga, "Oo mahirap yung mga eksena, mabibigat, pero alam mo yun, hindi siya yung totally nakakapagod kasi mas angat yung joy, yung pagiging enjoy mo sa bawat eksena na ginagawa mo.

“And, siyempre, alam mo yun, sa tulong din talaga ni Direk Laurice, mas lalong naging open yung pananaw ko when it comes to this craft.

“And na-realize ko din na, okay, I really love what I’m doing, and I really want to excel dito.

“I mean isa siya sa mga hindi ko makakalimutan na experience, and I will truly cherish talaga every moment na experience ko sa lock-in taping kasi kakaiba siya, it’s one of a kind."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLOSENESS OF CAST

Magaan ang pakiramdam sa set kahit mabibigat ang mga eksena. Isa rin ito sa hindi malilimutan ni Lianne.

Sabi niya, “...yung mga ganitong relationship, working relationship, actually sa lahat talaga, I mean it will forever be marked sa heart ko.

“And I mean wala akong mae-experience na ganun siguro, I feel, I think, sa ibang tao.

“Kasi itong production na ito, itong Apoy Sa Langit, lahat, lahat ng cast, sina direk wala silang katulad.

“And I will forever, you know, cherish those moments talaga.

“Kalungkot naman, nalungkot ako,” sinabi pa ni Lianne.

Magtatapos na ngayong Sabado, September 3, 2022, ang serye.

Ang mga co-stars ni Lianne ay sina Zoren Legaspi bilang si Cesar, Maricel Laxa bilang si Gemma, Mikee Quintos bilang si Ning, Mariz Ricketts bilang si Blessie, Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, Dave Bornea bilang si Tony, Coleen Paz bilang si Patring, Celine Fajardo as Iyah, Patricia Ismael as Lucy, at Mio Maranan bilang si Toto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Valentin on working with Laurice Guillen (not in photo) in Apoy Sa Langit: "Pumasok ako sa lock-in taping nang kabado...may mga doubts ako sa sarili ko. Pero lumabas ako ng lock-in taping na empowered!"
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results