Marion Aunor auditions for Pinoy Big Brother anniversary edition; awaits verdict

Her "ultimate dream" is to write a song for Sarah Geronimo whose song renditions, according to Marion Aunor, drip with emotions. "Feeling ko, sobrang mabibigyan niya ng justice, ganoon kagaling si Sarah. Ina-admire ko siya as an artist.”


Ibang klaseng experience para kay Marion Aunor ang audition niya para makapasok sa 10th anniversary house opening ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN.

Ginanap ang audition sa Smart Araneta Coliseum at inabot daw ng eight hours ang singer/actress bago siya natapos.

“Sobrang weird,” nakatawang saad ni Marion. “Noong una, akala ko ay papasok lang ako roon, akala ko ay sandali lang.

"'Tapos yun pala, nag-start ako ng four p.m., natapos ako ng twelve midnight!

“Tinapos muna nila lahat ng level one, bago mag-round two.

"Sa round two, doon mo na mami-meet si Direk Lauren [Dyogi].

“Then, parang sasabihin mo kung ano iyong interesting about you, kung bakit ka dapat makapasok.”

Nagkuwento si Marion last Tuesday, March 17, sa entertainment media kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon para sa kanyang birthday concert na Take A Chance.

IN THE WRINGER. Sa pagpapatuloy pa ni Marion, nagdetalye ito tungkol sa kanyang encounter sa batikang direktor.

“Sa round three, ang question naman, why do you want to be a part… parang ganoon yata.

"Then noong nagsasalita na ako, biglang sabi ni Direk Lauren, ‘Why are you here?'

"'Tapos sabi ko, ‘What?’

“Sabi niya, ‘You don’t need this anymore.’

"And feeling ko, sobrang nag-spend na ako ng oras dito, 'tapos sasabihin nila sa akin na, 'you don't need this.'

“After niyon, pinalabas iyong iba and sabi niya, ‘Marion, can you stay first?’

"Kaya sabi ko sa sarili ko, parang, ‘My gosh, pagagalitan ba ako ni Direk Lauren?’

“'Tapos sinabi niya, ‘Why are you here?’

"Parang, mabait naman siya, parang jino-joke pa niya ako kung bakit ako naroon.

“Sinabi ko na, ‘Well, I had fun today.’

"Parang sinabi ko na naka-meet ako ng mga people habang nakapila.

"Kasi sobrang tagal nga, nakipag-bonding na ako sa kung sinu-sino roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then sinabi niya, ‘Okay, that’s enough reward for you.’

"Kaya ako, I’m like, ‘So, you’re not gonna get me?’

"'Tapos sabi niya, ‘You don’t need this.’ And kakausapin pa daw niya yung higher-ups.”

Lahad pa ni Marion, “Feeling daw niya kasi baka magkaroon ng negative publicity kapag nasa loob na ako ng House.

"Hahalukayin daw lahat ng negative stuff about you, yung mga personal stuffs.

“So I don’t know, feeling niya raw na dapat ay hindi ako part ng PBB, papauwiin niya muna raw ako, mag-rest na raw ako.

“Sabi ko sa kanya, ‘Okay, fine, but if you’re not gonna get me, can I at least pitch my song to you? Kasi, may sinulat ako about PBB dati.

“Sabi niya, ‘Okay, fine, what is it about?’

"Sabi ko it’s about following your dreams kahit sobrang hirap, ganoon-ganoon, madaming rejections, ganoon.

“Then, sabi niya, ‘Is it Tagalog?’

"‘Yes.’

"‘Kantahin mo nga.’

"Kaya kinanta ko roon, on the spot.

"Sabi niya, ‘It’s a good song. Okay, we’ll see what happens.’

“Pero, kakausapin niya muna raw iyong higher-ups.”

SONG FOR SARAH. Panganay na anak si Marion ni Maribel Aunor, kapatid ng Superstar.

Gaganapin ang concert niya na Take A Chance sa Teatrino, Greenhills, sa April 10, at kabilang sa guests nito ay sina Edward Benosa, Michael Pangilinan, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, at ang kapatid ni Marion na si Ashley Aunor.

Sa nasabing presscon, nasabi ng singer na "ultimate dream" niya ang magawan ng kanta si Sarah Geromimo.

Tinanong kasi siya kung gusto niyang gawan ng kanta si Sharon Cuneta.

Sagot niya, "Feeling ko, I think, baka mas maging madali sa akin ang paggawa ng song for Sarah.

"Kasi, medyo mas magka-age kami, pareho iyong experiences namin, kung paano kami mag-process ng thought, ganoon.

“So kung ang Megastar ang gagawan ko ng song, mas may challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, mas espesyal, kaya iyon ang pressure talaga,” sabi ni Marion.

“I don’t know, sobrang iba na kasi ang level niya, e, at saka icon na siya talaga sa industry.

"Parang ang hirap ng ganoon, pero I shall accept the challenge, kung bibigyan ako ng opportunity,” nakangiting sabi pa niya.

Ano’ng song sa palagay niya ang bagay sa isang Megastar?

“Siguro, inspirational, kasi isa siyang woman na marami yung nai-influence, yung nag-a-idolize sa kanya.

"Kung mabibigyan ko siya ng song na may magandang message na makaka-inspire sa iba, I think yun ang pinakamaganda.”

Bakit dream niyang gawan ng kanta si Sarah?

“Feeling ko, sobrang mabibigyan niya ng justice, ganoon kagaling si Sarah.

“Actually, mayroon akong gustong ipakanta dati kay Sarah, pero hindi ko alam kung puwede.

"Kaya in-include ko na lang yun sa first album ko.”

Pop ba ang klaseng song na gusto niyang gawin para kay Sarah?

“Puwedeng pop, kaya lang gusto kong ma-showcase yung range ng voice niya, sobrang laki ng range ng voice niya, birit.

“Ang gusto ko kasi kay Sarah, parang mapi-feel mo talaga yung song, na hindi lang siya basta kakanta lang na maganda.

"Iyong voice ni Sarah, may emotions talaga, that’s why, ina- admire ko siya as an artist.”

Si Marion ang composer ng "If You Ever Change Your Mind" na nag-third place sa 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs.

Siya rin ang gumawa ng hit carrier single ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo titled "You Don’t Know Me." Ginawan rin niya ng kanta si Alex Gonzaga para sa first album nito.

Sa ngayon, tinatapos na ni Marion ang second album niya para sa Star Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN