GMA-7 executive Lilybeth Rasonable says working with South Koreans is "a most pleasant experience"

by Rommel Gonzales
Sep 10, 2022
Ruru Madrid, Mikael Daez, and Buboy Villar in Running Man Philippines
Some scenes shot in South Korea featuring Mikael Daez (L), Ruru Madrid, and Buboy Villar (bottom photo), who are the runners in Running Man Philippines, which was produced by GMA-7 in collaboration with SBS.
PHOTO/S: @gmarunningmanPH on Instagram

Two years in the making ang Running Man Philippines.

Ito ang ikinuwento ng Senior Vice-President ng GMA Entertainment Group na si Lilybeth Gomez-Rasonable sa grand mediacon ng bagong reality-comedy game show noong August 27, 2022, sa Lugang Café, Robinsons Manila.

Paglalahad niya, "Naisara ito, yung contract signing nito sa GMA na nandito yung mga taga-SBS happened two years ago.

“It was the start of the pandemic, may mga alcohol na sila dun sa...at saka dumaan na talaga sa pag-check up yung mga Koreans.

“So it took two years kasi we kept on moving and moving it."

Dahil din daw sa pandemya kaya nabago ang nakaplanong location ng show.

Pagtuloy niya, “It was supposed to happen first here in the Philippines and then maybe a few scenes in Korea.

“Kaya lang urong siya nang urong dahil sa dami ng lockdown at saka nagsara rin naman ang Korea.

“So nung nagbukas ang Korea, naisip na doon na lahat gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya medyo sa tagal ng paghihintay, maganda, nakapaghanda naman nang maigi para ma-stage yung Running Man nang the best way possible and the safest way possible.”

Ang Running Man Philippines ay ang unang collaboration ng GMA Network at SBS Korea.

Sabi ng writer na ito kay Rasonable, balita namin na napakainit ng naging pagtanggap ng SBS Korea group sa team ng GMA Network.

“Tama ka, very warm,” pag sang-ayon ni Ms. Rasonable.

“Para din silang mga Pinoy, winelcome talaga tayong mga Pilipino doon.

"And they were so unselfish, very generous sila na mag-share ng kanilang knowledge sa produksiyon, sa creative, at tsaka sa lahat-lahat ng aspeto.

“And, of course, para i-share ang kanilang napakagandang kultura at ang kanilang bansa.

“So it was really a most pleasant experience, and I’m sure our runners will say the same, that all those forty-six or more days that the team was there, talagang nag-enjoy sila and they felt at home.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So we really love Korea and we really love SBS for being so hospitable to all of us.”

HOW THE COLLAB BETWEEN GMA-7 AND SBS HAPPENED

Ang pitong celebrity runners na kasali sa Running Man Philippines ay sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Ruru Madrid.

Nasunod ba ang lahat ng aspeto ng show base sa Korean setting o may na-adapt naman na tradisyon at kultura ng Pilipinas?

Paliwanag ni Enri Calaycay, ang senior program Manager ng Running Man Philippines, "nag-collab talaga" ang teams ng SBS at GMA para sa lahat ng episodes.

“Of course sinunod kasi natin, that’s why naman po we tapped Running Man Korea kasi gusto natin yung mga ginawa nilang games.

“And then yung locations po, sa Korea ginaw,a but yung mga writers rin natin, yung creative team natin met with their creative team para kung papaano makaka-inject pa rin ang Filipino touch po doon sa mga games, sa concept.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi we also have to make sure na pasok din sa audience natin yung mga gagawin kahit nasa Korea po ang setting ng games.”

WHAT IT IS LIKE WORKING WITH SBS

Sina Ruru Madrid at Buboy Villar ay kabilang sa "Lucky Seven" runners ng Running Man Philippines.

Mapapanood sa GMA-7 ang Philippine version ng sikat na reality-comedy game show na nagmula sa South Korea.

Sabi ni Ruru sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sobrang nakatuwa kasi bukod po dun sa, siyempre marami pong mga fans ng Running Man dito sa bansa po natin.

"Kumbaga kami, bukod po sa nag-enjoy kami dun sa mga challenges na ginagawa namin, marami rin kaming natutunan when it comes sa trabaho.

“Na nakatrabaho po namin ang SBS.”.

Ngayong nakakatrabaho rin nila ang SBS, nakikita ni Ruru ang kaibahan sa pagpapatakbo nila ng production.

Pagtuloy niya, “So dun po parang, iba yung istilo nila, iba yung way nila kung papaano mag-work, so somehow, alam namin na maia-apply po namin pagka nagtrabaho po kami dito sa Pilipinas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman masasabi niyang talagang masuwerte ang "Lucky Seven" na mapabilang sa proyektong ito, at sinang-ayunan ito ni Buboy.

Aniya, “Sa akin unang-una sa lahat, blessing! Thank you sa GMA dahil ipinagkatiwala sa akin ang ganitong malaking proyekto.

“Na isa ako sa 'Lucky Seven' runners na napasama dito.

“Actually, ang dami talagang nangyari pa sa akin. Akala ko talaga hindi ako matutuloy. Pero sabi nga, pag para sa iyo, para sa iyo!"

Para kay Buboy, nakahanap siya ng bagong pamilya sa kanyang kapwa runners na sina Ruru, Mikael, Glaiza, Lexi, Angel, at Kokoy de Santos.

Kuwento niya, “Thank God dahil nagawa ko itong Running Man [Philippines] at hindi lang ito basta-basta yung normal lang na taping.

"Kasi iba, e, iba yung pamilya na nabuo dito, kumbaga para ko silang naging totoong kapatid.

“Iba ito! Kaya nga sinasabi ko excited ako, e, na mapanood nila ito, at I’m pretty sure na ginawa namin ang best namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naniniwala ako na hindi lang ako, pati ang kapwa runners ko, ginawa namin ang best namin dito para sa mga tao, na mapasaya namin.”

Mahigit isang buwan nag-shoot ang Running Man Philippines sa South Korea, at maraming naging memorable experiences si Ruru dito.

Paglalahad niya, “Sa totoo lang, ang hirap pumili ng isa!

“Pero para sa akin kasi, yung buong trip itself, sobrang unforgettable na experience siya sa akin dahil napakarami kong natutunan dito.

“Especially sa mga kasamahan ko… ang dami, e!

“As in makikita niyo po yun for sure everytime na pinapanood niyo itong Running Man.

"Kaya panoorin niyo po ito.”

Nakausap ng PEP.ph sina Ruru at Buboy sa mediacon ng Running Man Philippines noong August 27, 2022, sa Lugang Café sa Robinsons Manila.

Ang Running Man Philippines ay nagsimulang umere nitong September 3, at nasa ikalawang Linggo ang reality-comedy show sa September 10.

Mapapanood ito sa GMA-7 tuwing Sabado, 7:15 pm, at Linggo, 7:50 pm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some scenes shot in South Korea featuring Mikael Daez (L), Ruru Madrid, and Buboy Villar (bottom photo), who are the runners in Running Man Philippines, which was produced by GMA-7 in collaboration with SBS.
PHOTO/S: @gmarunningmanPH on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results