May bago na namang aabangan ang mga tagahanga ng batikang broadcaster na si Korina Sanchez.
Magkakaroon kasi siya ng bagong show na ipapalabas sa NET25, ang TV station na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Sa kanyang social media accounts ngayong Linggo, September 11, ibinahagi ni Korina ang ilang larawan mula sa panayam niya kay Senator Loren Legarda.
Nagkasama sina Korina at Senator Loren noon sa ABS-CBN.
Kuwento ni Korina, “Working weekend but in freshness natural paradise at newly reelected Senator Loren Legarda’s quaint but beautifully curated farm getaway somehwere cool and breezy. Ang sarap pa nya mag pakain.”
May patikim pa siyang trivia noon nina Legarda.
Sabi nito, “Many unknown trivia about the life and times of Loren revealed in this casual conversation (she was a disc jockey at one point) and kung saan nag duet pa kaming kumanta. Guess what song? Hahaha!”
Dito na niya sinabing ang kanyang panayam kay Senator Loren ay para sa NET25, st ang titulo ng kanyang bagong show ay Korina Interviews.
Aniya, “Abangan. Korina Interviews. Soon this October. NET25.
"Where to watch?: DIGITAL FREE TV: CH 28, ANALOG FREE TV: CH 25, SKYCABLE: CH 18, CABLELINK: CH 17, CIGNAL: CH 14, DESTINY: CH 18, SATLITE: CH 25, G-SAT: CH 38.”
Patuloy pa ring napapanood ang kanyang Rated Korina sa TV5 at A2Z.