Watch Now

Ruffa Gutierrez clarifies speculations she will transfer to ALLTV

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2022
ruffa gutierrez alltv transfer
Actress-host Ruffa Gutierrez sheds light on allegations that she will transfer to ALLTV and leave ABS-CBN.
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram

Nilinaw ni Ruffa Gutierrez, 48, ang usap-usapang lilipat na siya sa ALLTV, ang Channel 2 sa free TV.

Isa si Ruffa sa mga artistang bumulaga at napanood sa soft launch ng ALLTV noong September 13, 2022.

Kasama niya noon ang sigurado nang contract stars ng ALLTV na sina Willie Revillame, Mariel Rodriguez, Ciara Sotto, at Toni Gonzaga.

Lumabas din noon sina Julia Barretto at Ella Cruz, na palaisipan kung lilipat din sa nasabing TV station.

Highly identified si Ruffa sa ABS-CBN sa ngayon dahil simula pa noong pre-pandemic ay puro sa ABS-CBN ang kanyang projects.

Regular judge din siya sa "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime.

Pero dahil napanood siya sa soft launch ng ALLTV at hindi siya lumalabas lately sa Kapamilya noontime show, napaisip ang viewers kung senyales na ito ng paglipat ni Ruffa sa bagong TV station.

Kasalukuyang nasa Italy si Ruffa at nagbabakasyon kasama ang anak na si Venice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUFFA ADDRESSES ISSUE on network transfer

Sa kanyang recent Instagram post sa Italy, may ilang netizens ang nag-usisa kay Ruffa dahil sa kanyang “paglipat” sa ALLTV.

Noong weekend, nagkomento ang isang netizen at sinabi kay Ruffa na mami-miss niya ang aktres dahil “star ka na ng new Channel.”

Sagot ni Ruffa: “I am a freelancer. No exclusive contract with any network. I am allowed to work with everyone.”

ruffa gutierrez comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang netizen ang nagtanong kung bakit siya lumipat sa ALLTV at iniwan ang It’s Showtime.

Itinanggi ni Ruffa na lumisan siya sa Kapamilya noontime show.

Ang sagot ni Ruffa: “HIndi ko iniwan ang @itsshowtimena [heart emoji] I’m on vacation po.”

ruffa gutierrez comment

Sa madaling salita, bukas si Ruffa na magtrabaho sa kahit anumang network dahil isa siyang freelancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, tila nagpahaging na si Ruffa tungkol sa disposisyon niya sa usaping TV networks sa kanyang IG post noong September 14, 2022.

Ipinost niya ang kanyang mga kuhang larawan mula sa paglabas niya sa soft launch ng ALLTV.

Ganito ang caption ni Ruffa: “Words cannot express how grateful I am at this stage in my career to be able to work with ALL networks, producers, content creators and broadcasters.”

Nagpasalamat pa siya sa mga nagbibigay ng trabaho sa kanya.

“Thank you for being a part of my continuous journey and for giving me the opportunity to be able to take care of my daughters.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-host Ruffa Gutierrez sheds light on allegations that she will transfer to ALLTV and leave ABS-CBN.
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results