Will Ashley, Saviour Ramos reveal takeaways from The Fake Life series

by Rommel Gonzales
Sep 23, 2022
Will Ashley and Saviour Ramos
Will Ashley and Saviour Ramos are part of GMA-7 series The Fake Life, which will air its finale on September 23, 2022.
PHOTO/S: @willashley17 @saviourxxramos on Instagram

Salamat sa The Fake Life, mayroong natutunang life lessons sina Will Ashley at Saviour Ramos.

Sabi ni Will sa email interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang aral na natutunan ko...huwag ka basta manghusga ng tao.

“Hindi kung ano lang yung narinig mo, doon ka nagbe-base. Siyempre, alamin mo rin yung side niya, kung ano ba yung pinanggagalingan niya.

“Hindi rin siyempre maganda na maghiganti ka sa tao. Kumbaga kung ano man yung ginawa nila sa iyo, palitan mo ng kabutihan at matutong magpatawad."

Ang natutunan naman ni Saviour Ramos ay "kung paano pa gumaling sa craft ko dahil sa mga nakasama ko po sa work."

Bahagi ito ng kanyang conscious effort para huwag maikumpara sa equally-handsome and hunky dad niyang si Wendell Ramos.

Alam naman niyang bahagi ito ng pagiging anak ng isang aktor.

“...hindi naman na po maiiwasan yun," aniya.

Dugtong ng Sparkle talent, "Sa kanya rin po ako maraming natututunan sa showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumanap si Will bilang si Peter Luna, at aminado siyang "na-challenge" sa kanyang role kaya lahat ng eksena niya ay memorable.

Aniya, “Wala akong maisip na isang eksena lang na tumatak sa akin kasi lahat ng eksenang ginawa ko, talagang nasa isip ko palagi.

"Kasi talagang na-challenge ako dito sa role ni Peter.

“So lahat ng scene na ginawa ko ay very challenging at di ko malilimutan.”

WHAT THEY WILL MISS ABOUT THE FAKE LIFE

Mapapanood ang finale ng The Fake Life ngayong Biyernes, September 23, 2022, sa GMA-7.

Ano ang pinaka-mami-miss ni Saviour sa pagtatapos ng The Fake Life?

“Lahat po sila mami-miss ko dahil nag-enjoy po akong kasama at katrabaho sila sa series na ito.”

Hindi naman malilimutan ni Will ang nabuong samahan ng cast sa set.

Kuwento niya, “Kasi parang tuwing gabi, pagkatapos ng taping namin or rest day namin, nagkakaroon kami ng isang place na pinupuntahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos doon napag-uusapan namin yung buhay at mga experience namin.

“Talagang marami akong natutunan sa kanila kaya lahat sila mami-miss ko kasi sobrang solid nung bonding namin.”

WILL AND SAVIOUR'S FUTURE PROJECTS

Nakasama ni Will sa The Fake Life sina Ariel Rivera bilang Onats Villamor, Beauty Gonzalez bilang Cindy Villamor, Sid Lucero bilang Mark Santiaguel, Saviour Ramos bilang Caloy Luna, Shanelle Agustin bilang Jaycie Villamor, Carlos Dala bilang Jonjon Villamor, Tetchie Agbayani bilang Sonya de Guzman, Rina Reyes bilang Jean Luna, Jenny Miller bilang Margaux Nova, at Faye Lorenzo bilang Jai de Castro.

May follow-up project na agad si Will pagkatapos ng The Fake Life.

Kasama siya sa powerhouse cast ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, na pagbibidahan nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian, at Beauty Gonzalez.

“Sana suportahan din po nila ako doon.

“Sa October na po yun ipapalabas,” sinabi pa ni Will.

May kasunod na project na rin si Saviour.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Abangan po ninyo ako sa susunod kong project, ang AraBella.”

Hindi lahat ay pinapalad na mabigyan agad ng kasunod na project, kaya tinanong ng writer na ito kung ano sa tingin ni Saviour ang nakita sa kanya ng Sparkle para kunin siyang exclusive contract artist.

“Siguro po nakita nila sa akin yung pagiging hardworking ko at ang dedication ko sa craft po."

Handa naman daw si Saviour sa anumang project ang ibigay sa kanya ng GMA at Sparkle.

“Kahit ano po ang ibigay sa akin ng GMA at ng Sparkle ay tatanggapin ko dahil gusto ko rin po mag-explore ng iba’t ibang klaseng roles.

“Kahit ano pong role na ibigay nila ay kakayanin ko, I just have to study it lang po talaga,” sabi ng guwapong anak na binata ni Wendell.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley and Saviour Ramos are part of GMA-7 series The Fake Life, which will air its finale on September 23, 2022.
PHOTO/S: @willashley17 @saviourxxramos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results