Leandro Baldemor successfully juggles wood carving business and showbiz career

by Rommel Gonzales
Sep 24, 2022
Leandro Baldemor on managing his wood carving business and his showbiz career: “Ang paghahanapbuhay at pag-aartista medyo okay lang naman, kasi dun sa business ko kasi simula bata pa kasi ako, iyon na yung hanapbuhay namin. So alam ko na yung routine, alam ko na yung takbo, alam ko na kahit nakapikit ako, alam ko na iyan."
PHOTO/S: Lee Santiago

Bukod sa pag-aartista, si Leandro Baldemor ay isa ring manlililok o eskultor ng mga bagay at estatwang yari sa kahoy.

Dahil tubong Paete, Laguna si Leandro, hindi nakapagtatakang namana niya ang world renowned artistry ng mga woodcarvers na nagpasikat sa kanilang siyudad bilang "Carving Capital of the Philippines."

Hindi naman daw siya nahihirapang pagsabayin ang kanyang dalawang hanapbuhay.

Kuwento niya, “Ang paghahanapbuhay at pag-aartista medyo okay lang naman, kasi dun sa business ko kasi simula bata pa kasi ako, iyon na yung hanapbuhay namin.

“So alam ko na yung routine, alam ko na yung takbo, alam ko na kahit nakapikit ako, alam ko na iyan.

"Alam ko na iyan kahit ako pa ang magpipinta, kahit ako pa ang magka-carve. Alam ko na yung sistemang ganun kaya hindi na ako masyadong nahihirapan.

“Nai-survive ko na yung… di ba sa business is five years, dapat maisalba mo iyan?

"So ang nangyari, sa pagsosolo ko at bumukod ako sa pamilya ko, sa mga nanay ko, tatay ko, medyo nai-survive ko nang maayos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labinlimang taon na ang kanyang negosyo ng mga wood carvings.

Dagdag niya, “So medyo okay na, nakalampas na ako dun sa stage na kritikal.

“Ito namang pagsu-showbiz, siyempre ganun lang naman, gawin mo lang yung assignment mo, huwag kang maging pasaway at lagi kang on-time. E, hindi ka naman siguro mawawalan ng project pagka ganun.”

LEANDRO GRATEFUL TO KAPUSO NETWORK

Kaya labis raw ang pasasalamat ni Leandro sa GMA-7.

Aniya, “Dahil sa natatandaan ko, nag-start ako sa GMA na gumawa ng teleserye is 2011 pa, nung nabubuhay pa si Direk Maryo nun.”

Ang yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes ang direktor ng Munting Heredera sa GMA noong 2011 kung saan kasama si Leandro sa cast.

Marahil ay hindi lamang naalala ni Leandro na noong 2014 ay kasama rin siya sa GMA drama series na My BFF nina Jillian Ward at Mona Louise Rey, sa direksyon naman ni Roderick Lindayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagpapatuloy pa ni Leandro, “Hanggang ngayon, 2022 na, so medyo matagal-tagal nang pasasalamat ito at kahit papaano’y nakukuha pa rin ako ng GMA-7."

LEANDRO RELATES TO NEW TV ROLE

Gaganap si Leandro bilang si Jack Galang sa Nakarehas na Puso na eere na sa Lunes, September 26 kapalit ng The Fake Life.

Parehong ama sina Leandro at Jack kaya tinanong namin si Leandro kung paano siya nakaka-relate sa kanyang papel. Magkapareho ba o magkaiba sina Leandro at Jack?

Pag-aanalisa niya, “Maraming pagkaparehas kasi dito yung role ko kaya medyo nakukuha ko kaagad. Kasi si Jack Galang mapagmahal sa pamilya.

“Ang focus niya talaga maging masaya parati tsaka sama-sama sila, so ganun si Leandro.

“Ganun din siya sa pamilya niya, lahat gagawin para sa mga anak. Siyempre ang pangarap natin sa buhay yung mabigyan natin ng magandang buhay yung anak natin, mapagtapos natin sa pag-aaral.

“Ito namang si Jack sa Nakarehas na Puso e ginagawa naman niyang lahat, talaga lang si Jack hindi pa mabigyan ng magandang pagkakataon noong sila’y magsisimula pa lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kuwento ng Nakarehas na Puso ay makikitang hirap sa buhay sina Jack at ang misis niyang si Amelia (na gagampanan ni Jean Garcia) kaya gagawin nila ang lahat upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga anak.

“Siyempre ganun naman talaga tayo e, di ba,” pagpapatuloy ni Leandro.

“Kumbaga kapit lang tayo sa buhay, ;tapos kung may opportunity na darating iga-grab natin sa malinis na pamamaran.

“So ganun si Leandro, ginagawa niya lahat para sa pamilya, wala kang sinasaling na tao, gusto mong makaangat sa buhay pero sa malinis at magandang pamamaraan.”

Nasa Nakarehas na Puso rin sina Michelle Aldana bilang Doris, Vaness del Moral bilang Lea, EA Guzman bilang Miro at Claire Castro bilang Olive, Analyn Barro bilang Charlotte, Ashley Sarmiento bilang Nica at Bryce Eusebio bilang Warren.

Ang Nakarehas na Puso ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leandro Baldemor on managing his wood carving business and his showbiz career: “Ang paghahanapbuhay at pag-aartista medyo okay lang naman, kasi dun sa business ko kasi simula bata pa kasi ako, iyon na yung hanapbuhay namin. So alam ko na yung routine, alam ko na yung takbo, alam ko na kahit nakapikit ako, alam ko na iyan."
PHOTO/S: Lee Santiago
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results