Watch Now

Korina Sanchez on bashers: "Pag ang kausap mo ang mga walanghiya, kailangan medyo walanghiya ka rin!"

by Rommel Gonzales
Sep 25, 2022
Korina Sanchez denies any link with Manny Villar's AMBS Network
“I don’t mean to offend but I will just speak the truth because it is the language that they understand," says Korina Sanchez on how she deals with her bashers.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Kilalang matapang at palaban si Korina Sanchez, pumapatol siya sa bashers at wala siyang pakialam kung sakali mang mabawasan siya ng followers sa kanyang social media accounts.

Pero hindi naman daw lahat ng bashers niya ay pinapatulan niya.

“First of all pinipili ko yung isyu na papatulan ko,” umpisang sagot ni Korina sa entertainment editor ng Bulgar tabloid na si Janiz Navida sa tanong nito kung bakit hindi siya natatakot na pumatol sa bashers.

Pagpapatuloy ni Korina, “Pero pag dinikitan ko na yung isyu na yan hindi kita uurungan.

"Kasi may mga bagay na alam mo yung walang kakuwenta-kuwenta, na gusto lang talagang magpakanega ng isang tao tungkol sa itsura mo, yung damit mo, ang pangit mo or whatever, kung anuman yung gusto nilang sabihin.

“Kadalasan sa hindi, at natutuwa naman ako na, padalang na sila nang padalang sa pages ko mula noong sinabi kong nakausap ko na si Senador Ping Lacson tungkol sa mga trolls at hahabulin namin silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang medyo tumigil na sila!”

Kapag tungkol daw sa mga bagay na talagang pinaniniwalaan ni Korina ang ipangba-bash sa kanya ng trolls, hindi raw siya uurong.

“Magkasawaan tayo ng sagutan! Kung minsan kasi, hindi ba pag kausap mo ang bata kailangan ang tono mo ay pambata din, maiintindihan ng bata.

“Pag pumunta ka ng Amerika medyo kailangan mong i-swarsh-swarsh [i-slang] ang iyong accent para maintindihan ka nila.

“Pag kausap mo ay teenager hindi ka puwedeng parang matandang nanenermon, sasabayan mo rin ang lengguwahe nila.

“Pag kausap mo naman dignitaryo iba rin ang tono mo, ang lengguwahe mo.

“Alam mo pag ang kausap mo ang mga walanghiya, kailangan medyo walanghiya ka rin!

“I don’t mean to offend but I will just speak the truth because it is the language that they understand.

"So kadalasan naman sa hindi tumitigil sila, aba’y nagso-sorry pa kung minsan.

“O kaya bigla na lang naglalaho, ganun,” matapang na pahayag pa ni Korina nitong Miyerkules, September 21, sa studio ng Eagle Broadcasting Corporation kung saan ginanap ang grand presscon para sa mga dati at bagong shows ng NET25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga bagong aabangang programa ay ang Korina Interviews na magsisimula nang umere sa NET25 sa October 2, Sabado, alas singko ng hapon.

korina's never say die attitude

Naitanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Korina kung gaano siya ka-hands-on sa Korina Interviews o sa anumang programa niya, kaya naikuwento ng multi-awarded broadcast journalist ang tungkol sa ginawa niya dati sa Rated K.

Tulad ng alam ng lahat, noong May ng taong 2020 ay nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Isa sa mga programang naapektuhan ng pangyayari ay ang Rated K na programa ni Korina.

“E siyempre ako never say die! Iniisip ko rin yung mga tao na mawawalan ng trabaho.

“So ang ginawa ko sa Rated K noon is I put it on Facebook, and I looked for sponsors myself.

“And iyon na, nag-metamophose na siya into me being the actual producer of all the shows that I’m in.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“I don’t mean to offend but I will just speak the truth because it is the language that they understand," says Korina Sanchez on how she deals with her bashers.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results