Watch Now

Kaori Oinuma on changing screen partners: “Ine-enjoy ko siya.”

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 26, 2022
Kaori Oinuma- Tara G!
Kaori Oinuma: "The more na marami akong nakakapares, mas marami akong experiences... At the right time siguro, if ever man kung para sa akin yung mag-stick ako sa isang loveteam, ie-embrace ko rin yun."
PHOTO/S: Kaori Oinuma Instagram

Sa kabila ng halos sunud-sunod na proyekto ng Kapamilya young actress na si Kaori Oinuma ay hindi kailanman naging problema o isyu sa kanya na wala siyang permanenteng onscreen partner.

Si Kaori ay unang nakilala bilang finalist sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Otso.

Mula nang magsimula ang kanyang acting career ay itinatambal na siya sa iba't ibang aktor katulad nina Rhys Miguel at Jeremiah Lisbo.

Read: Jeremiah Lisbo replaces Rhys Miguel in Cathy Garcia Molina film

Sa virtual mediacon ng Tara, G! noong September 23, 2022, sinabi ni Kaori na okay lang at ine-enjoy niya muna na makapareha ang iba’t ibang artista.

Ayon sa young actress, mas maigi ito upang mas madagdagan pa ang kanyang karanasan sa pag-arte.

Saad niya, “Ine-enjoy ko siya. Kasi ngayon, the more na marami akong nakakapares, mas marami akong experiences.”

Bagamat wala pa siyang permanenteng ka-love team sa ngayon ay masaya naman daw siya sa mga oportunidad na dumarating sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas din siya umano sa posibilidad na ito kung sakali mang bigyan siya at may dumating.

Aniya, “At the right time siguro, if ever man kung para sa akin yung mag-stick ako sa isang love team, ie-embrace ko rin yun.

“Pero ngayon, ine-embrace ko yung moment na binibigyan ako ng chance na makatrabaho yung ibang actor.”

KAORI AND JC

Si Kaori ay isa sa bibida sa iWantTFC youth-oriented series na Tara G! kung saan makakapareha niya sa unang pagkakataon ang aktor na si JC Alcantara.

Bukod kina Kaori at JC, makakasama rin nila sina Anthony Jennings, Vivoree Esclito, Daniela Stranner, Zach Castañeda, at CJ Salonga.

Read: Anthony Jennings on new onscreen partner Vivoree Esclito: "Si V alam ko siya kung paano pasayahin."

Iikot ang istorya ng Tara G! sa pangarap, pagkakaibigan, tiwala, at pagmamahalan.

Pagbabahagi ni Kaori, hindi siya nahirapan kaeksena si JC dahil magaling ang aktor lalo na sa pag-arte at pagpapakilig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Birong sambit ni Kaori, “Sa kilig naman, aminado naman si JC na magaling siya magpakilig. Proud siya diyan sa sarili niya.

“Pero bukod sa kilig, marami namang good side kay JC, like mabait siyang tao…genuine siya. Siya rin yung nasasandalan ko during taping ng Tara G!

“Marami rin akong learnings kay JC, marami siyang itinuro sa akin para mas mag-improve ako.

“Nandiyan siya palagi para i-push ako na dapat mag-improve ako ganyan. Dapat sa mga gagawin ko, okay yung kakalabasan.”

Nagpasalamat naman si JC kay Kaori at inaming noon pa man ay ninanais na niyang makatrabaho ang aktres.

Ani JC, “Gusto ko talagang maka-work noon pa si Kaori. Akala ko makaka-work ko na siya last audition namin and then unexpected 'tong trabaho na ito.

"Sobrang saya, sobrang saya makatrabaho ni Kaori, and sobrang nagbibigay din siya ng energy sa akin. Kumbaga, give and take kami sa acting namin.

"Kumbaga, love na niya yung ginagawa niya at gusto niyang matuto sa trabaho niya, and ako gusto ko ring matuto galing sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagtutulungan kami. Ayoko na nangingibabaw. Gusto ko pantay kaming umarte. Gusto ko kasi sabay kaming umangat."

Dagdag pa niya, "Kaya thank you, Kaori, sa tiwalang binigay mo."

Sa direksiyon ni Cathy Camarillo, mapapanood na ang Tara G! simula sa October 7 sa IWant TFC app (iOs and Android) at IWant TFC website (iwanttfc.com).

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaori Oinuma: "The more na marami akong nakakapares, mas marami akong experiences... At the right time siguro, if ever man kung para sa akin yung mag-stick ako sa isang loveteam, ie-embrace ko rin yun."
PHOTO/S: Kaori Oinuma Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results