Watch Now

Korina Sanchez has a new show on Net25; is she open to joining ALLTV?

by Melba R. Llanera
Sep 28, 2022
Korina Sanchez
Korina Sanchez on being open to work with other TV networks: "Yes, I also have offers from others. There's no exclusivity that is required of us. Alam niyo, sa panahon ngayon ang broadcast landscape ay ibang-iba na."
PHOTO/S: Korina Sanchez Facebook

Para sa veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez, masaya siya na may laya siyang makapagtrabaho sa kahit saang TV network.

Umeere pa rin ang Rated Korina sa TV5 at A2Z, pero kasado na ang bago niyang show sa Net25.

Magsisimula sa Oktubre 2, 2022 ang Korina Interviews, isang one-hour show kung saan makakapanayam niya ang iba't ibang personalidad.

Ilan sa mga nakapanayam niya na ay sina Dra. Vicki Belo, Sylvia Sanchez, Raymond Bagatsing, at Senator Loren Legarda.

Lahad ni Korina, "Kilala naman ng lahat yung Rated K that ran for twenty-five years sa ABS-CBN before; and right now Rated Korina is airing in TV5, TFC.

"Pero maiikli kasi ang mga yun. I've always wanted to do a one-on-one na isang buong oras talaga na isang tao lang. Kumbaga, mas relaxed.

"Saka pag sa news, isang minuto lang. Pagdating sa Rated K, limang minuto na; Rated Korina, sampung minuto lang. Ito, isang buong oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa matagal na naming kuwentuhan ng aking mga napiling panauhin, dito sa apat na siguro episodes na natapos na namin sa Korina Interviews, I think it's something that only comes out sa totohanang kuwentuhan kapag mahaba."

Hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto sa Net25.

Saad niya, "Mabait talaga ang kapalaran sa akin na napagpala tayong mapagbigyan sa iba't ibang format.

"Sa katotohanan lang, nagkataon na nagtugma yung kagustuhan ko na maging bahagi ng Net25, at kagustuhan din pala ng Net25 na mapabilang ako sa kanilang hanay.

"Nakakatuwa, nakakataba ng puso, dahil siyempre kahit mayroong negosasyon, naging madali, naging sweet ang usapan namin.

"Naging mapagbigay sila sa panahon, and of course, yung negosasyon napakadali din."

Mapapanood ang Korina Interviews kada Linggo ng 5 p.m. sa Net25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TV OFFER FROM ALLTV?

Natanong din si Korina kung bakit napili niyang gumawa ng show sa Net25, gayong naunang kumalat ang bali-balitang may offer sa kanya ang ALLTV, ang bagong TV network na pag-aari ni Manny Villar.

"Yes, I also have offers from others, " pag-amin ni Korina.

Patuloy niya, "There's no exclusivity that is required of us.

"Alam niyo, sa panahon ngayon, ang broadcast landscape ay ibang-iba na. Yung mga kasabayan ko 30 years ago, ibang-iba yung simula namin noon sa panahon ngayon.

"Ngayon, nakikita ka na kahit saan. Ang kakumpitensiya mo ay hindi lang ibang major networks or mainstream platforms kundi maging social media.

"Pag sinabi mong social media, ang dami ring umuusbong na mga bago, kada taon may bago.

"Lahat iyan gusto naming pasukin lahat lalo na yung mga energy at oras para gumawa ng content."

Paliwanag pa rin ni Korina, "I just happen to believe that exclusivity is difficult nowadays to commit to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In the same way it's fortunate that Net25 allows me to still have programs elsewhere.

"Pero bakit ba nauna ang Net25? Kasi mabilis silang kausap, masaya silang kausap, at gusto ko talaga yung proyekto na ginagawa ko para sa kanila. Nasa bucket list ko yun, e.

"I'm very happy that I'm able to do it now and I'm excited na maipakita sa inyo kung anong klaseng brand naman ng interview."

ON inviting HER husband mar on the show

Dahil ang Korina Interviews ay isang one-hour lifestyle program, may tsansa kaya na mapanood dito hindi lang ang kambal niyang anak na sina Pepe at Pilar at pati na rin ang mister na si Mar Roxas?

"Alam mo, may nag-suggest na rin sa akin niyan, 'Interbyuhin mo si Mar.' Ang sagot ko, 'Kinukumbinsi ko pa, sulatan mo kaya.'

"Marami ang nag-iimbita kay Mar na mag-guest, mag-columnist, pero ewan ko, e, parang ubos na yata ang role niya sa buhay ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tatay ni Pepe and Pilar, malayo sa pulitika ang isip niya sa ngayon.

"Siguro ayaw na niyang sumagot ng mga tanong na pulitika. Alam niyo na, baka ipitin niyo, naku, mahirap na.

"Tingnan natin, subukan natin, pero sigurado magre-rate yun," sabi ni Korina.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on being open to work with other TV networks: "Yes, I also have offers from others. There's no exclusivity that is required of us. Alam niyo, sa panahon ngayon ang broadcast landscape ay ibang-iba na."
PHOTO/S: Korina Sanchez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results