Watch Now

Shaira Diaz on Lolong co-star Arra San Agustin: “Nakabuo talaga kami ng sisterhood.”

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 30, 2022
Shaira-Arra
Shaira Diaz (with longer hair) on Arra San Agustin: “Kami ni Arra, talagang nakabuo talaga kami ng sisterhood. Para kaming magkapatid, parang ayun na yung naging turingan namin sa isa’t isa... And even recently, nag-nightmares kami, nag-haunted house kami together, yung mga ganong level [ng friendship]."
PHOTO/S: Shaira Diaz Facebook

Labis ang saya at pasasalamat ng Kapuso actress na si Shaira Diaz sa kanyang Lolong family.

Read: Is Shaira Diaz ready to settle down with Edgar Allan Guzman?

Sa virtual mediacon ng finale ng Kapuso primetime series na Lolong noong Lunes, September 26, 2022, hindi napigilan ni Shaira na ibuking kung gaano kasaya at kalalim ang nabuo nilang samahan sa set.

Read: Shaira Diaz mourns loss of pet dog: "Durog na durog ang puso ko"

Ayon sa aktres, “unexpected” ang samahang nabuo nila sa Lolong dahil higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang naging turingan.

Pagbabahagi ni Shaira, “Unexpected kasi yung kinalabasan, kasi akala ko talaga…usually kasi pag may mga shows ka minsan, may mga taong dadaan lang talaga, as in parang taping friend lang, ganun.

“Pero dito ano, e, kakaiba, e. Kasi kahit ang tagal na naming hindi nakakatrabaho, parang hinahanap namin yung isa’t isa.”

Kahit daw hindi na sila nagkikita-kita ay nanatili pa rin silang updated at connected, hindi lang silang mga artista kundi maging ang mga crew at staff na nasa likod ng camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmalaki rin ni Shaira ang "sisterhood" na nabuo nila ng co-star niyang si Arra San Agustin.

Read: Shaira Diaz, Arra San Agustin: MAGKAIBIGAN ba talaga o NAGPAPLASTIKAN lang?

Saad niya, “Lalo na kami ni Arra, talagang nakabuo talaga kami ng sisterhood.

“Para kaming magkapatid, parang ayun na yung naging turingan namin sa isa’t isa.

“And even recently, nag-nightmares kami, nag-haunted house kami together, yung mga ganung level [ng friendship].

“May mga group chat din kami, doon kami nag-uusap-usap, nagkikita-kita. So, nakakatuwa.”

Katulad ni Shaira, labis din ang papasalamat ni Ara sa kanyang mga kasamahan na naging pangalawang pamilya na raw niya.

Kuwento ni Arra, nakasama na niya noon sina Shaira at Ruru Madrid sa I Can See You, ngunit pagkatapos daw noon ay nagkanya-kanya na sila.

Taliwas sa nangyari sa kanila sa Lolong nang muli silang magsama-sama.

Lahad ni Arra, “Hindi ko in-expect na magiging close kami and magiging magkakaibigan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To think na five days din kaming nag-taping ata nun sa I Can See You. Then, pagkatapos, pagka-separate namin, wala na, kanya-kanyang buhay na kami dun.

“Pero ito talagang Lolong, iba. Nagkaroon talaga kami ng magandang relationship dito.

"And, I think, kaya rin maganda yung nakikita ng tao doon sa show, yung outcome ng show, is because may totoong relationship behind the camera.”

Gayunpaman, sa finale episode ng Lolong ngayong Biyernes, September 30, 2022, masaya at excited si Shaira na mapanood ito ng kanilang mga tagahanga at masugid na tagasubaybay.

Umaasa rin siyang matuloy ang Season 2 ng Lolong.

Read: Lolong ni Ruru Madrid, kumpirmadong magkakaroon ng Season 2

“Hoping kami na matuloy, kumbaga, kung magkakaroon man ng second season, hindi na ako makapaghintay na magsama-sama ulit kami.”

Dagdag pa ni Arra, “Ang saya, ang saya kasama ng lahat, super happy ako na sila yung nakatrabaho ko dito.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz (with longer hair) on Arra San Agustin: “Kami ni Arra, talagang nakabuo talaga kami ng sisterhood. Para kaming magkapatid, parang ayun na yung naging turingan namin sa isa’t isa... And even recently, nag-nightmares kami, nag-haunted house kami together, yung mga ganong level [ng friendship]."
PHOTO/S: Shaira Diaz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results