Watch Now

Paul Salas now closer to aunt Rochelle Pangilinan, thanks to Lolong

by Rose Garcia
Oct 1, 2022
Paul Salas and his Tita Rochelle Pangilinan
Paul Salas (left) admits that it was only during their lock-in taping for Lolong that he became much closer to his aunt, Rochelle Pangilinan (right). Arthur Solinap, Rochelle's husband, is the brother of Paul's mom.
PHOTO/S: @paulandre.salas @rochellepangilinan on Instagram

Ngayong gabi na ang finale episode ng GMA Telebabad fantaserye na Lolong.

Katulad ng bida sa serye na si Ruru Madrid, isa rin ito sa ginawang teleserye ni Paul Salas na hinding-hindi raw niya makalilimutan.

Aminado rin si Paul na marami siyang ginawa na bago sa kanya at ganoon na lang din ang ginawa niyang paghahanda sa bawat eksena.

At balitang-balita na sa pagtatapos ngayong gabi ng Lolong, hindi nangangahulugang hindi na ito mapapanood pa.

Sa katunayan, kumpirmado na raw na pinaghahandaan na ang season 2 ng Lolong.

Sabi nga ni Paul sa online mediacon ng Lolong noong Lunes, September 26, “Sa book 2 na pinaghahandaan, sana kasama pa rin si Martin, di ba?”

Si Paul ang gumaganap bilang Martin sa Lolong.

Sa isang banda naman, bata pa lamang si Paul ay kilala na niya at nakakasama si Rochelle Pangilinan.

Si Rochelle ay tiyahin ni Paul dahil ang asawa nito na si Arthur Solinap ay tiyuhin ni Paul at kapatid ng mommy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nito lamang nang magkasama silang dalawa sa Lolong na naging mas close sila sa isa’t isa.

Ayon kay Paul, “Siguro ang take away ko rito, mas naging close kami ni Tita Rochelle.

"Kasi noong una, talagang hindi nawawala ang hiya ko sa kanya, ang ilang.

“So noong may mabibigat na scenes kaming dalawa, inamin ko sa kanya na talagang nahihiya ako at napi-pressure ako, na-help naman niya ako roon.

“Actually sa lahat, hindi lang nung nasa lock-in kami. Yun po ang biggest takeaway ko, yung naging mas malapit kami ni Tita Roch.”

CONCERN FOR THE ENVIRONMENT

Dahil tumatalakay rin sa kahalagahan ng pangangalaga ng environment ang Lolong, gusto raw sana ni Paul na may maiwan talagang aral sa mga naging tagasubaybay ng serye nila pagdating sa kalikasan.

Aniya, “Simula bata pa lang tayo, marami na silang sinabi about sa environment and all, so para sa akin, huwag nating kalimutan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito raw ang turo kay Paul ng kanyang mga magulang, "Kahit hindi natin basura, kapag nakita natin sa street... kahit hindi ko basura, kinukuha ko at tinatapon ko sa basurahan.

“Kasi yung mga simpleng bagay na ganun, malaking tulong din sa kalikasan natin. Yun lang naman ang gusto kong i-add.”

Naoobserbahan din daw ni Paul na mula nang kinakailangang magsuot ng mask bilang pag-iingat sa COVID-19, nagkalat din daw ang mga masks sa daan.

Aniya, “Kapag nagbibiyahe ako sa iba’t ibang parte sa Pilipinas, nakikita ko ang daming kalat ng mask sa daanan. Kung saan-saan na lang tinatapon.

“So para sa akin, reminder lang, huwag sana nating nakakalimutan ang mga simpleng bagay lang na itinuturo sa atin hanggang sa paglaki natin.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas (left) admits that it was only during their lock-in taping for Lolong that he became much closer to his aunt, Rochelle Pangilinan (right). Arthur Solinap, Rochelle's husband, is the brother of Paul's mom.
PHOTO/S: @paulandre.salas @rochellepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results