Watch Now

Ruru Madrid pens heartwarming message hours before Lolong finale: “WHAT A RIDE IT HAS BEEN."

by Arniel C. Serato
Sep 30, 2022
Ruru Madrid emotional Lolong finale
Kapuso actor Ruru Madrid on doing Lolong: "I've been through many challenges in my life and this is one of the hardest I’ve experienced."
PHOTO/S: Courtesy: @rurumadrid8 on Instagram

Ilang oras bago ang grand finale ng pinagbibidahan niyang telserye sa GMA-7, ang Lolong, isang madamdaming mensahe na ang ibinahagi ni Ruru Madrid sa kanyang Instagram account.

Ngayong Biyernes ng gabi, September 30, na ang pagtatapos ng matagumpay na Kapuso primetime series na Lolong.

Ayon kay Ruru, marami siyang pinagdadaanan sa buhay at ang paggawa ng Lolong ang masasabi niyang isa sa mga nahirapan siya.

Dati, pinagdudahan daw ni Ruru ang sarili dahil akala niya ay hindi na matutuloy ang proyekto.

Muntik na raw siyang sumuko doon, pero natuloy rin ito.

Read: Ruru Madrid admits almost quitting showbiz because of Lolong

Sabi ng 24-year-old Kapuso actor, “WHAT A RIDE IT HAS BEEN [crocodile emoji]

“I've been through many challenges in my life and this is one of the hardest I’ve experienced.

“Naalala ko yung time na I doubted myself dahil akala ko hindi na matutuloy itong show.

“I was about to give but it happened.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, napagtanto niyang hindi dapat minadamali ang mga bagay-bagay.

Saad ni Ruru, “I trusted God's perfect timing and it was all worth the wait.

“May mga bagay na hindi mo dapat madaliin dahil pag nakuha mo, hinding-hindi mo ito ittake for granted.”

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng tumatangkilik sa kanilang serye sabay pahiwatig na hindi ito isang pamamaalam.

Kumpirmado na kasi ang pagkakaroon ng Season 2 ng Lolong.

Read: Lolong ni Ruru Madrid, kumpirmadong magkakaroon ng Season 2

Aniya, “Maraming-maraming salamat sa inyong lahat for joining me in this journey. It’s been the most beautiful experience but this is not yet a goodbye.

“Sabay-sabay nating panuorin ang Season Finale ng 'Lolong' mamaya after 24 Oras!”

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Proud naman sa kanya ang girlfriend na si Bianca Umali.

Komento ng aktres sa post ni Ruru, "so so so proud @rurumadrid8"

Bianca Umali so proud of Ruru Madrid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Ruru Madrid on doing Lolong: "I've been through many challenges in my life and this is one of the hardest I’ve experienced."
PHOTO/S: Courtesy: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results