Watch Now

Toni Gonzaga to host daily afternoon talk show on ALLTV

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2022
Toni Gonzaga new talk show Toni
Controversial TV host Toni Gonzaga invites televiewers to watch her new talk show dubbed Toni on ALLTV.
PHOTO/S: Courtesy: ALLTV on Facebook

Magsisimula na bukas, October 3, 2022, sa ALLTV ang bagong afternoon talk show ng controversial TV-movie personality na si Toni Gonzaga.

May pamagat itong hango sa kanyang pangalang Toni at sa konsepto ng kanyang equally-controversial vlog na Toni Talks.

Isang oras niyang makakakuwentuhan ang kanyang mga panauhin araw-araw, at sinabi niya sa plug ng show na, "Sabay-sabay tayong tumawa, umiyak, matuto, at makinig."

Kabilang sa mga una niyang guests sina Bayani Agbayani, kapatid na si Alex Gonzaga, Chef Ninong Ry, broadcaster Anthony Taberna at asawa nitong si Rossel Taberna, dating kasamahan sa Pinoy Big Brother na si Mariel Rodriguez, Dr. Willie Ong, Chef RV, at si Dra. Vicki Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang napanood si Toni sa ALLTV noong September13—launching ng ALLTV sa free TV—sa kauna-unahang media interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang kauna-unahang at pinakamahabang media interview ni Marcos Jr. simula nung siya ay maupo sa puwesto.

Read: Toni Gonzaga’s interview with President Bongbong Marcos to air on ALLTV on September 13

Samantala, nitong nakaraang araw, naging trending topic muli ang aktres dahil sa kabila ng layoffs na naganap sa e-commerce company na Shopee, ay inilunsad nito si Toni bilang bagong ambassador.

Sa kabila ng paliwanag ng kumpanya na ang pagkakapili kay Toni ay dahil sa "mass appeal" at walang kinalaman sa pagiging staunch supporter ni Marcos Jr., nag-trending ang “ByeShopee” sa Twitter.

Read: Pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang endorser, naging trending topic sa Twitter

Pumirma ng kontrata si Toni sa ALLTV ng AMBS 2 ni former Senate President Manny Villar noong nakaraang September 1, 2022.

Kasama niyang pumirma ng kontrata sa istasyon ang asawang si direk Paul Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Toni Gonzaga and husband Paul Soriano sign up with AMBS 2

Ang ALLTV ang pinagkalooban ng National Telecommunications Commission (NTC)

Ibinasura ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Read: Manny Villar media company acquires ABS-CBN frequencies

Mapapanood ang Toni mula Lunes hanggang Biyernes, 5 P.M. sa ALLTV.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Controversial TV host Toni Gonzaga invites televiewers to watch her new talk show dubbed Toni on ALLTV.
PHOTO/S: Courtesy: ALLTV on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results