Watch Now

Heart Evangelista, naurirat ang private life sa eksena niya sa Bling Empire

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2022
Heart Evangelista Bling Empire
Heart Evangelista, naurirat ang private life sa eksena niya sa Bling Empire
PHOTO/S: Bling Empire / Netflix

Nagsimula ngayong Miyerkules, October 5, 2022, ang streaming sa Netflix ng Season 3 ng Bling Empire, ang American reality television series na tumatalakay sa kuwento ng buhay ng mga mayayaman at materyoso na Asian-American na naninirahan sa Los Angeles, California.

Matagal nang balita na may special participation ang Filipina actress na si Heart Evangelista sa Bling Empire, pero hindi siya napanood sa Season 2 ng sikat na reality show.

READ: Heart Evangelista, bakit wala sa second season ng Bling Empire?

Napatunayan na hindi tsismis at lalong hindi press release lamang ang paglabas ni Heart sa Bling Empire dahil kasali siya sa Episode 9 ng Season 3 ng programa.

Tumagal nang mahigit sa dalawang minuto ang kanyang partisipasyon bilang Filipino celebrity friend ng mainstay na si Kane Lim.

Kane Lim and Heart Evangelista on Bling Empire

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa eksena, isang Filipino-inspired dinner ang ibinigay ni Kane kay Heart na magkaibigan sa tunay na buhay. Kasama ng aktres na dumating sa pagtitipon ang kanyang kaibigan, ang Filipino fashion designer na si Mark Bumgarner.

“Heart Evangelista is one of the famous and beloved actors in the Philippines. You name it, she has done it; and she’s one of the most influential influencers in the world.

“I wanna throw something epic for her. I want her to feel welcome and maybe she misses Filipino food,” ang pagpapakilala ni Kane kay Heart sa viewers ng Bling Empire.

Sa isang eksena, tinanong ni Kane si Heart ng “How is it dating a Filipino guy?”

Sagot ng 37-year-old actress, “It’s the best. I mean, they treat you like a princess and they’re just very sweet.”

Sunod na tanong ni Kane, “How about the sex?”

Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Heart bago ito nagsalita ng "Collect, collect, then select."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakilala rin ni Heart sa cast member na si Kelly Mi Li ang kanyang Filipino businessman friend na si Jason Sun na nagpakilala na may-ari ng Italian luxury vehicle na Maserati.

Matagal nang kinunan ang mga eksena ni Heart sa Bling Empire at nangyari ito bago pa man kumalat nitong 2022 ang balita na may problema sa relasyon nila ng kanyang asawa na si Senator Francis Escudero.

RELATED STORIES:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista, naurirat ang private life sa eksena niya sa Bling Empire
PHOTO/S: Bling Empire / Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results