ABS-CBN, GMA-7, and TV5 to air Mayweather-Pacquiao bout simultaneously

by Bernie V. Franco
Mar 26, 2015
For the first time in history, three of Philippines’ largest TV networks are joining forces to air the historical match of Manny Pacquiao and Floyd Mayweather on May 2 (May 3 in the Philippines).


Sa isang pambihirang pagkakataon, magsasanib-puwersa ang tatlong pinakamalalaking television networks sa Pilipinas upang ipalabas ang boxing match nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa May 2 (May 3 sa Pilipinas).

Inanunsiyo ang balitang ito sa isang press conference na ginanap ngayong Huwebes, March 26, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa GMA-7, ABS-CBN, at TV5, ayon sa ulat ng GMA News Online.

"Maraming-maraming salamat sa GMA-7, ABS-CBN, TV5, and Solar Sports dahil sa pagkakaisa nila para maipalabas sa ating mga kababayan ang fight na ito," ani Pacquiao.

Ang Solar Entertainment ang siyang rights holder ng nasabing boxing match at nagkaroon ng malaking papel upang mai-ere sa tatlong free TV networks ang boxing match.

Dinaluhan ang nasabing press conference ng mga executives mula sa kasamang TV networks: Mike Enriquez ng GMA Network, Dino Laurena ng ABS-CBN, Chot Reyes ng TV5, at Wilson Tieng ng Solar Entertainment.

Sinabi naman ni Tieng, presidente ng Solar Entertainment, na naging posible ito dahil na rin sa kagustuhan ni Manny.

Continue reading below ↓

Ang nasabing laban nina Pacquiao at Mayweather ay tatawaging Battle for Greatness ay gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the first time in history, three of Philippines’ largest TV networks are joining forces to air the historical match of Manny Pacquiao and Floyd Mayweather on May 2 (May 3 in the Philippines).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results