Watch Now

Thea Tolentino on her first impression of Aiko Melendez: "Nakakatakot!"

by Rommel Gonzales
Nov 6, 2022
Thea Tolentino
Thea Tolentino on her first impression of Aiko Melendez, her co-star in Mano Po Legacy: The Flower Sisters: “Oh, my gosh! Siyempre nung una kong nakita si Ate Aiko, inisip ko na, nakakatakot! Baka mataray, kasi siyempre sa Prima Donnas, sa mga past characters niya, nanlilisik talaga ang mga mata niya."
PHOTO/S: PR

Unang beses nakasama ni Thea Tolentino si Aiko Melendez sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters ng GMA Network at Regal Entertainment.

Si Aiko rin daw ang madalas niyang kaeksena.

At ayon kay Thea, natakot siya kay Aiko!

“Oh, my gosh! Siyempre nung una kong nakita si Ate Aiko, inisip ko na, nakakatakot!

“Baka mataray, kasi siyempre sa Prima Donnas, sa mga past characters niya, nanlilisik talaga ang mga mata niya.

“Pero pag off-cam pala ay napakabait,” bulalas ni Thea.

“Isa yun sa mga ikinagulat ko dito sa Mano Po.”

May tips o advise bang ibinigay sa kanya si Aiko bilang artista?

“Pagkain po yung binibigay niya,” at muling tumawa si Thea.

“So far po kasi, yung mga eksena namin, wala pa masyado talagang ng bangayan na nangyayari, so wala pa po yung, ‘Huy, sasampalin kita,’ wala pang ganoon.

“Inaabangan ko yun, kasi siyempre sobrang nakaka-excite na makasama sa intense na eksena si Ate Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre pati sina Ate Beauty and Angel.”

Gumaganap bilang Chua sisters sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters sina Thea bilang si Dahlia, si Aiko bilang Lily, si Angel Guardian bilang Iris at Beauty Gonzales bilang Violet.

THEA NOT YET KEEN ON TYING THE KNOT

Masaya ang personal life ni Thea, going strong ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Martin San Miguel na isang piloto ng PAL Express.

“First year anniversary po namin today,” ang masayang pagbabalita ni Thea na nakausap namin sa grand mediacon ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters nitong October 14 sa Celestial Ballroom ng Luxent Hotel sa Quezon City.

Si Juancho Trivino na common friend nila ang nagpakilala kina Thea at Martin.

“Sila yung magka-schoolmates, same silang taga-Sta. Rosa,” kuwento pa ni Thea.

Mga taga-Laguna sina Thea, Martin at Juancho.

Mayroon na bang yayaaan ng pagpapakasal?

Mabilis niyang sagot, “Ay, wala pa po!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw pa niya?

Rason niya, “Hindi naman sa ayaw pa pero importante kasi na ready ka sa lahat ng aspects at ramdam mo yun, na ready ka na.”

Kung biglaang mag-propose si Martin sa kanya?

“Naku, baka mabasa niya ito, baka ma-pressure,” at tumawa si Thea.

May iniisip ba siyang edad ng pagpapakasal?

“Dati. Dati gusto ko mga, pag thirty pa ako, ganyan, kasi gusto ko pang mag-travel, ganyan.

“Pero habang tumatagal iba-iba yung nae-experience mo every year, nagbabago yung perspective mo.

“Dati gusto kong mag-settle sa Japan, 'tapos, ‘Ay, hindi pala!’

“Mga ganun, nagbabago. Kasi nung mga time na yun yung mga plans ko para sa sarili ko is iyon lang, para sa sarili ko lang talaga.

“Wala kasi akong iniisip na partner noon, pero ngayon nag-iiba dahil iyon nga, may partner ka na,” seryosong hirit pa ng Sparkle actress.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino on her first impression of Aiko Melendez, her co-star in Mano Po Legacy: The Flower Sisters: “Oh, my gosh! Siyempre nung una kong nakita si Ate Aiko, inisip ko na, nakakatakot! Baka mataray, kasi siyempre sa Prima Donnas, sa mga past characters niya, nanlilisik talaga ang mga mata niya."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results